Agad akong nagising dahil sa hindi ko maintindihang pakiramdam. Isang linggo na simula noong binigay saamin ni mister Rein ang misyong paghahanap kay Pierce. Nakarinig naman ako ng ingay sa labas kaya kahit naka pantulog pa ako ay lumabas ako upang makita ang nangyayari. "Katharine!" Pagtawag saakin nila Lauren habang tumatakbo papunta saakin. "Anong nangyayari?" Nagaalala kong tanong. "The fightings are here." Mabilis niyang sagot. Kumunot naman ang noo ko kaya nagsalita si Kyla. "Nandito si tita Tala, kalaban yung lalaki." Aniya. Bigla kaming napatingin sa itaas nang makarinig nanaman kami ng ungol ng kung ano. Pagkakita ko ay ang chimera. Shit. Oo nga. Nandito ang mama nila. "Hey! Do you girls want an invitation? Come here!" Pagtawag saamin ni Sir Chester sa labas ng building.

