"Sinong designer n'yan?" Tinanong ni Alierissa upang makasigurado siya kung kanino niya ibubuntun ang kanyang galit. 'Who have the nerve to steal from someone else's work? Especially from me.' Alierissa thought. "Oh, that one. It's Sabrina's idea." Wala emosyon na saad ni Leoniodes habang nakadikit pa rin ang paningin sa entablado. "Talaga?" Pagak na tumawa si Alierissa sa kanyang nalaman. "Pinasa niya sa design department kahapon lang. Halos magkagulo-gulo na nga dahil sa pagmamadali gawin 'yong damit. Nagustuhan nila eh." Pagpapatuloy pa ni Leoniodes nang mapansin na nakakunot pa rin ang noo ni Alierissa. Alierissa look in Sabrina's way. Nakangisi si Sabrina habang nakatingin kay Alierissa. Mas lumalawak ang ngiti nito sa bawat segundong lumilipas, kung gaano kalawak ang ngiti ni S

