Umabot halos dalawang araw ang pananatili ni Alierissa sa mansyon ng Myths. Wala siyang ibang ginawa kundi paghahalaman, pagluluto, mga pagsisilbi katulad ng pagpili ng kasuotan ni Leoniodes kung anong brand, anong mga hilig nito kainin at iba pa. "It smell nice, don't ya' think?" Saad ni Cathylaine habang inaamoy ang kanyang niluluto. Hindi raw trabaho ng katulong ang pagluluto para sa mga asawa raw ito. "It smells good." Alierissa nodded. Iyong sa totoo lang parang sinasanay nila si Alierissa, maging susunod na madam ng Myths o susunod na alipin ng Myths? "Ano bang mayroon sa dugo niyo? Dumadaloy eh, mula sa magulang hanggang sa anak." Hindi na namalayan ni Alierissa na nasabi niya pala ang kanyang iniisip. Buti na lamang medyo mahina ang pandinig ni Mrs. Myths na kasalukuyang nag

