Halos hindi na marinig ni Alierissa ang boses ng kanyang matalik na kaibigan na si Tania, kasalukuyang sumasayaw ito sa gilid ng counter at may hawak hawak itong isang baso ng wine. "Alierissa. Ano ginagawa mo d'yan sa sulok? Halika rito. It's fun." Paanyaya ni Tania. Tinangkang hatakin ni Tania si Alierissa papunta sa dance floor upang makisali sa sayawan. Ngunit umiling-iling lamang si Alierissa upang tanggihan ang paanyaya ni Tania. For pete's sake, this isn't Alierissa's thing to begin with. Parehong kaliwa yata ang kanyang paa. Nagpaalam si Alierissa kay Tania para pumunta sa pinaka-malapit na palikuran, hindi na niya maatim ang ingay ng mga malalakas na tugtugin. Wala kasing sabi-sabi siyang dinala ng kanyang kaibigan sa club, nagulat na lamang sya ng dalhin sya dito ni Tania.

