Taas noo na pumasok si Alierissa sa kompanya, hindi niya iniinda ang mga tingin at usap-usapan sa paligid. Sa hindi kalayuan nakita ni Alierissa ang kanyang tinuturing na kaaway sa mga oras na ito. Halatang giliw na giliw si Sabrina sa mga kwento ng kanyang kaibigan. Pinasadahan ni Sabrina ng tingin si Alierissa at inihawi pa ang kanyang buhok nang magtagpo sila ng pwesto. Ipinatong ni Sabrina ang kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib at tinaasan si Alierissa ng kilay, na sinuklian lamang ni Alierissa ng isang matamis na ngiti. They wonder, who will have the last laugh. "Tara na nga. Naiimbyerna ako rito. Nasira na ang umaga ko." Pag-aaya ni Sabrina sa mga kaibigan niyang pasosyal din. Umirap pa ito bago lagpasan si Alierissa. "Is she an adult possessed by a child's soul? Parang

