Napabalikwas ng gising si Alierissa dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha, na nanggagaling sa malaking bintana. Inunat ni Alierissa ang kanyang mga braso at kinusot ang mga bagong mulat na mata bago niya napagtanto na nasa ibang kwarto na pala siya. Hindi ito pamilyar kay Alierissa. "Nasaan ako?" Agad na tanong ni Alierissa. Napatingin siya sa paligid para hanapin kung nasaan ang nagmamay-ari ng lugar na ito. Bumangon si Alierissa sa malambot na kama na may kulay matingkad na abo, sabay naman na nahulog iyong basang tela na nasa noo ni Alierissa. Napadako ang paningin ng dalaga sa paligid. Sa mga obra maestrang mga likhang sining hanggang sa mga kagamitan sa kwarto ito, lubos na nagpamangha kay Alierissa. Napangiti si Alierissa nang makita iyong isang supot ng mga gamo

