Chapter 3

1807 Words
Basa ang aking damit maging ang aking ulo. Napaawang ang aking bibig dahil sa nangyari. "What the f**k, Icesell!" bulaslas ni Amara habang masama ang tingin sa babaeng nasa gilid ko. Narinig ko ang matunog nitong pagngisi. "That's what she deserve." dinig ko sabi nito bago mahinang matawa. "Grabe kana, Icesell. Ang pangit mo na nga lalo ka pang pumangit." sabi ni Kairi dahilan para humalakhak si Randy. "Shut up, Randy!" inis na sabi ni Icesell. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Randy sa aking likudan. "You b***h!" inis na sabi nito habang dinuduro-duro ako. "Stop, Icesell. She's new here, she did nothing to you." kalmadong sabi ni Avary. Unti-unti kong hinarap si Icesell na ngayon ay nakangisi sa akin ngayon. "Ayoko ng away, tigilan mo 'ko." sabi ko. Humalakhak lamang ito dahilan para lalong manahimik ang paligid. Biglang nagbago ang atmosphere sa paligid at hindi ko namalayan na nagyeyelo na pala ang aking kamay hanggang braso. "Stop it! Icesell!" sabi ni Amara. Madiin kong kinuyom ang aking kamao na nababalutan ng yelo dahilan para gumawa iyon ng ingay at mapatingin sila doon. Unti-unting nagcrack ang yelo hanggang sa nabasag iyon ang magkapiraso-piraso. Napaawang ang bibig ni Icesell habang si Amara naman ay gano'n din. Si Kairi naman ay nakaupo habang lumalamon? "Sinabi ko naman sa 'yo, ayoko ng away kaya huwag mo akong simulan." sabi ko bago s'ya lagpasan at naglakad palabas ng cafeteria at iniwan silang tulala doon. --- Sa sobrang paglalakad ko ay hindi ko alam kung saan na ako nakapunta. Hindi ito sakop ng napuntahan namin ni Amara para hanapin si Kairi. Tumigil ako sa harapan ng isang patay na gubat. May ganito pala sa loob ng Academy. Matagal akong nakatitig sa daanan papasok sa loob ng gubat hanggang sa napagpasyahan ko na pumasok doon kahit alam kong delikado. Hindi pa ako nakaka limang hakbang ng may maramdaman akong malambot na bagay ang kumuskos sa aking binti. Pagtingin ko ay agad akong napangiti ng makita ang isang black white na pusa. Dali-dali ko itong binuhat at itinaas sa ere habang ngiting-ngiti. "Hello." sabi ko bago humagikhik. Tanging pagkawag lamang ng buntot ang naisagot nito sa akin dahilan para lalo akong napangiti. "Meow." sa tingin ko ang pusang ito ay mga tatlong buwan pa lamang ito dahil medyo maliit pa ito. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang kung saan nanggaling ito. "Saan ka nanggaling?" tanong ko sa kan'ya pero tanging pagkawag ng buntot lamang ang muli n'yang isinagot. Oh, great! Sasagot ang pusa sa tanong mo, Sapphire! Dahil sa mainit ay inayos ko ang pagbubuhat sa kuting na ang cute-cute bago pumunta sa isang puno sa hindi kalayuan at doon umupo sa may damuhan bago isandal ang likod sa trunk ng puno. Inilagay ko ang kuting sa aking hita bago ito laro-laruin, napangiti ako ng sinubukan nitong kagat-kagatin ang aking daliri habang nakahiga sa aking hita. Bigla na lamang itong umayos ng tayo at tumakbo sa kung saan dahilan para sundan ko ito. Papunta ito sa likod ng isang gusali, sa pinaka malaking building dito sa Academy. Kahit pagod ay pilit kong hinabol ang cute na kuting. "Sandali! Lachimolala" bigla kong sigaw habang sinusundan pa rin ang kuting. Biglang tumigil ang kuting sa pagtakbo at nilingon ako. "Meow." mukhang nagustuhan n'ya ang pangalan na ibinigay ko sa kan'ya kaya napangiti ako habang naglalakad palapit sa kuting. "Lachimolala." sa kahiligan ko sa k-pop ay pati tuloy sa pusa ay naipangalan ko pa ang lachimolala. Kasalanan mo ito Park Jimin! Muling tumakbo ang pusa dahilan para mapabuntong hininga ako at muling tumakbo para sundan ito. Ang ipinagtataka ko lang ay parang may tumatawag dito dahilan para tumakbo at iwanan ako ni Lachimolala. Hingal na hingal ako ng makapunta ako sa likod ng pinaka malaking building habang habol ang aking hininga. Nakasuporta ang aking tuhod sa aking katawan. Nang makabawi ng lakas ay umayos na ako ng tayo ay bigla akong natigilan dahil sa ganda ng paligid. Ang mga d**o ay hanggang bukong-bukong ko. Sa hindi kalayuan ay may isang bench doon. May mga nagliliparan din na mga paro-paro. Ang ine-expect kong likod ng building nila ay madumi at makalat. Tambak ang basura at maraming sira-sirang kagamitan ang nakatambak pero lahat ng akala ko ay mali. Malinis. Wala akong nakikitang patay na mga tao o kahit dahon na nasa damuhan. Malinis dito at walang kahit na anong kalat. Ang ganda. Naagaw naman ng atensyon ko ang malaking puno. Napakataas nito, hindi lang mataas kundi matabang puno at ang dami nitong ugat. Napaka lago rin ng mga dahon na ito. Kung titignan ang puno na ito ay para itong pinagdikit na kamay. Iyong pulsuhan habang nakabuka ng malaki 'yung kamay. Gets? Hindi ko alam na may ganitong palang puno ang nag-eexist dito! Nang tumaas pa ang aking paningin ay agad na nanlaki ang aking mata dahil may lalaki doon na pula ang buhok ang nakaupo sa isang sanga. Hala! Baka malaglag s'ya. Sa sobrang kaba ko ay wala sa sariling napasigaw ako. "Hoy! Baka malaglag ka!" sigaw ko habang nasa magkabilang gilid ng aking bibig ang aking kamay para mas marinig n'ya ang aking boses. Dali-daling tumingin sa akin 'yung lalaking pula ang buhok. "Bumaba kana d'yan! Baka malaglag ka!" dagdag ko pa pero mukhang wala itong pakialam bagkus ay hindi ako nito pinansin at sa ibang direksyon ito bumaling. Mukhang walang pakialam ang lalaking ito sa kan'yang buhay. Pinagmasdan ko ang puno mula ugat hanggang sa kinaroroonan nung lalaki. Napalunok ako ng mapagtanto na napaka taas nito. K-Kaya ko ba? Kaya ko! Hindi ako pinalaki ni Daddy para maging duwag. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago maglakad patungo sa puno. Mukha itong balete dahil sa mga ugat-ugat nito na naka palibot sa katawan ng puno. Unti-unti akong umakyat. Dahil sanay naman ako sa akyatan ay medyo mabilis akong naka akyat hanggang gitna. Hahakbang sana ako pataas ng marinig kong magsalita si Mr.Red. Mr.Red na lamang ang itatawag ko sa kaniya dahil pula naman ang kan'yang buhok at hindi ko naman alam ang pangalan n'ya. "What the f**k are you doing!?" galit na tanong nito. Tiningala ko ito at nginitian, bigla na lamang nawala ang pagkakakunot ng noo nito pero agad din iyong bumalik. "Hehehe. Hello." sabi ko at tumuloy lang sa pag-akyat hanggang sa makapunta ako sa sanga na hindi kalayuan sa kan'ya. "What the f**k are doing here?" kalmado na ang boses nito ng tanungin n'ya ako. Ngumiti ako sa kan'ya. "Pinuntahan ka," tumaas ang kilay n'ya. "Akala ko kasi bingi ka tapos hindi ka makapag salita kaya pinuntahan kita para pababain ka." sabi ko bago ngumiti sa kan'ya ng samaan ako nito ng tingin. "I don't need you, so don't f*****g show your face again." sabi nito, sa malayo ang tingin. "Ang sungit mo naman, ikaw na nga itong tinutulungan." sabi ko bago ngumuso pero agad din akong ngumiti ng lingunin n'ya ako habang salubong ang makapal nitong kilay. "I don't need your help," masungit na sabi nito. "Leave me or i will burn you into ashes." sabi nito pero imbis na matakot ay napangiti lang ako. "Apoy ang kapangyarihan mo? Cool!" sabi ko bago pumalakpak. "Puwede mo ba akong pakitaan ng fire ball?" suhestyon ko pero masamang tingin lamang ang ipinukol sa akin nito. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao na para bang handa n'ya akong sapakin. "Sabi ko nga tatahimik na." Bigla kong naalala kung bakit nga pala ako nandito kaya nagtanong ako. "Nga pala, nakita mo ba si Lachimolala?" tanong ko dahilan para kumunot ang noo nito sa pagtataka. "Ibig kong sabihin ay 'yung kuting na may black white na kulay ng balahibo." dagdag ko. "His name is Rowan not Lachimolala," kunot noo nitong sabi habang may inis sa kan'yang boses. "Ang he's my pet." dagdag nito. "Puwede bang akin nalang s'ya?" lalong kumuyom ang kan'yang kamao at napansin ko ang biglaang pag-usok ng kan'yang kamao ay nanahimik na ako. Ayokong matusta ng maaga! Marami pa akong pangarap sa life! Bigla ko namang naalala 'yung mga lalaking naka cloak na itim sa labas ng Academy. Maingat akong tumayo sa sanga na inuupuan ko bago humawak sa sanga na nasa itaas ko. Humarap ako sa pader kung saan ko nakita 'yung mga naka cloak. Wala na sila doon kung saan ko sila nakita. Mas mataas ang puno na ito kumpara sa pader na ito kaya naman tanaw ko ang labas ng Academy. Taka naman na napatingin sa akin si Mr. Red habang ako ay palinga-linga sa paligid. "What the hell are you doing?" salubong ang kilay na tanong nito. Umupo muli ako sa sanga na tinutungtungan ko bago s'ya hinarap at nginitian. "Kasama ba natin sa Academy 'yung mga naka cloak na itim? Na nakita ko diyan sa labas kanina?" tanong ko. Nakita ko kung paano lalong nagsalubong ang kilay nito. "You see what?" "Mga naka cloak na itim. Nakaharap pa nga sila dito sa may pader eh, sa tingin ko mga sampu sila. Lumutang sila sa ere." sabi ko. Humarap sa akin si Mr.Black mukhang interesado s'ya sa kuwento ko. "Tell me more about them." sabi nito dahilan para mapangiti ako. "Pumayag ka muna na maging kaibigan ako." sabi ko dahilan para magsalubong ang kilay nito. "No." sabi nito dahilan para ngumiti ako ng malaki. "Eh 'di huwag. Hindi naman kita pinipilit na maging kaibigan ako, ang sa akin lang naman ay hindi mo malalaman kung paano at saan ko sila nakita at kung ano ang ginawa nila sa likod ng Academy at sa akin." sabi ko habang nang-aasar ang aking tinig. Matagal itong napatitig sa akin at ganoon din ako. Ngumiti ako sa kan'ya. "Ayaw mo, 'di huwag. Hindi naman kita pinipilit eh," sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sanga. "Sige ha? Bye bye." Akmang bababa na ako ng magsalita ito. "Fine." naka busangot na sabi nito. Mukhang labag sa kalooban n'ya ang pagpayag n'ya. Lumawak ang ngiti ko bago bumalik mula sa pagkakaupo sa sanga. "Now, tell me more about them. From what they did inside the Academy and to you." sabi n'ya. "Ganito kasi iyon...." kinuwento ko sa kan'ya simula ng maagaw ng balkonahe ang aking atensyon hanggang sa nakita ko ang mga naka black cloak at ang ginawa nila ng makita ko sila. "Ang ginawa naman nila ay lumutang sila sa ere at sabay-sabay na nagpakawala ng itim na usok. Tapos nang mapansin yata nila na may nanonood sa kanila ay sabay-sabay nila akong nilingon. Kaya dali-dali akong pumasok sa office ni Principal Aurora." mahabang paliwanag ko." "Is that all?" tanong nito kaya ngumiti ako sa kan'ya at tumango. "Oo, hihihihihi." "You didn't scared?" tanong nito. Ngumuso ako bago ngumiti sa kan'ya. "Natatakot, sino bang hindi?" ngusong tanong ko habang bagsak ang aking balikat. Matagal s'yang nakatitig sa akin bago bumuntong hininga at tumalon pababa dahilan para manlaki ang aking mata. "Black!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD