Chapter 4

1831 Words
"Sapphire, halika na, papasok na tayo." naagaw ni Amara ang aking atensyon mula sa pagkatulala. Hindi ko kasi makalimutan 'yung nangyari kahapon iyung biglaang pagtalon ni Black. "Ha? Oo, nandyan na." sabi ko bago isakbit bag sa aking balikat at lumabas na ng dorm kasabay sila Kairi at Amara. "Saan ka nagpunta kahapon?" biglaang tanong ni Amara. "Bigla kang nawala at hinanap ka namin." Ngumiti ako sa kan'ya. "Sa bagong kaibigan, ahihihihi." sabi ko bago bumungisngis. Mabilis na nangunot ang noo nilang dalawa ni Kairi bago magtinginan at takang ibalik ang tingin sa akin. "Sinong bagong kaibigan?" tanong ni Kairi. Katulad ng kahapon ay may dala-dala itong pagkain. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Si Black." "Black?" sabay na tanong nilang dalawa. "'Yung lalak---" hindi ko agad natapos ang aking sasabihin ng bigla naming nakasalubong sina Avery at Randy. Si Avary ay nakasimangot habang si Randy naman ay tawa ng tawa. "Oy! Nandito pala kayo!" sigaw ni Randy sa amin kahit ang lapit lang nito. Bigla s'yang binugahan ni Kairi ng pagkain sa damit. "Ang ingay mo pandak." sabi Kairi habang nagpupunas ng labi. Tumawa naman si Amara at napapailing naman si Avary habang si Randy ay nanlalaki ang mata na nakatingin kay Kairi na ngayon at nakangisi na. "Hoy! Babaeng patay gutom! Anong sabi mo? Pandak ako?" bakas sa boses ni Randy ang pagkairita habang si Kairi naman ay nakangisi lamang sa kan'ya. "Oo--." hindi na natapos ni Kairi ang sasabihin n'ya ng biglang tumunog ang bell senyales na umpisa na ang klase. Sabay-sabay na nanlaki ang mata ni Kairi At Amara bago hawakan ni Amara ang kamay ko at hilahin. Agad naman kaming sinundan ni Avary at Randy ng tingin habang papalayo. "You are one minute late Ms.Amara, Ms.Kairi and---" hindi na natapos ng babae ang kan'yang sasabihin ng mapatingin ito sa akin. "Sapphire Snow." pagpapakilala ko dito bago ngumiti. Ngumiti din ito sa akin at naglakad, tumigil ito sa harapan ko bago ilahad ang kamay. "Anylet but you can call me Ani." nakangiti nitong pagpapakilala. "Nice meeting you Miss Ani." sabi ko bago tanggapin ang kan'yang kamay. Napadako ang aking paningin sa babaeng umismid, ang iritang mukha ni Icesell ang aking unang nakita. Masama ang tingin sa akin nito kaya para lalo ko s'yang mainis ay nginitian ko s'ya ng malaki dahilan para mamula ang mukhan nito. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Kairi sa gilid ko habang puno na naman ang bibig nito ng pagkain. Agad kaming umupo sa pangalawang linya sa dulo. Sa likudan ng upuan namin ay may tatlo pang bakanteng upuan. Kanino kaya 'yon? Nasagot ko ang sariling katanungan ko ng may dalawang lalaki ang pumasok, ang isa ay ngiting-ngiti habang ang isa naman ay halatang nabubugnot. "Yow!" bati sa amin ni Randy ng makita kami. "Kaklase namin kayo!" at humalakhak ito. Nang mapunta naman ang paningin ko kay Avary ay nahuli ko itong nakatingin sa akin kaya nginitian n'ya lang ako kaya nginitian ko din ito ng malaki. Dumiretso 'yung dalawa sa likudan namin. Umupo si Avary sa tapat ni Amara at si Randy naman sa tapat ni Kairi. Nasaan 'yung isa? "Black!" sabi ko ng pumasok sa pinto 'yung lalaking kausap ko kahapon. Taka naman na napatingin sa akin ang lahat. "Black?" sabay na tanong nilang lahat maliban kay Black na tamad na nakatingin sa akin. Tumango-tango ako. "Oo, hindi ko kasi alam ang pangalan n'ya kaya tinawag ko s'yang Black." "Tsk! My name is Zayne." sabay-sabay na napanganga ang lahat maging si Miss Ani habang nakatingin kay Black na Zayne pala ang pangalan. Maging si Randy ay ngangang-nganga ang bibig at si Avary naman ay medyo nakaawang ang bibig. "Nasaan si Lachimolala?" tanong ko ng makaupo ito sa tapat ko. Ismid ang isinagot sa akin nito. "Somewhere." bored na sagot nito. Ngumiti ako sa kan'ya. "Okay." sabi ko bago bumaling sa unahan pero tulad ng kanina ay nakatanga ang lahat sa amin. Si Randy ang unang nakabawi. Humalakhak ito. "Woah! Kailan pa kayo nagkakilala?" natatawang tanong nito habang ang paningin ay pabalik-balik sa aming dalawa ni Zayne. "Kahapon." "Where?" tanong naman ni Avary. "Sa---" "Shut up, Avary. Don't ask." may inis sa boses ni Zayne. Hindi ko s'ya pinansin at humarap na ako sa unahan. Ngumuso ako at tila nalungkot ng malaman ko na hindi kasama ni Black si Lachimolala. Nag-umpisa ang klase ng hindi ako umiimik hanggang sa napansin iyon ng dalawa kong kasama kaya agad silang nagtanong. "Hoy, bakit ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Amara bago mahinang banggain ang aking balikat. Umiling lang ako bago pumangalumbaba. "Anyare sa 'yo? Bakit bigla kang nanahimik?" tanong ni Kairi na may kain- kain na tinapay. Hindi ba s'ya nauubusan ng pagkain? Nilingon ko ito at tipid na ngumiti bago umiling at bumalik sa pagpapangalumbaba. Nagkatinginan 'yung dalawa bago magkibit balikat. Lumipas ang klase ng wala akong imik hanggang sa magbreak time na. Mabilis na nawala ang iba kong mga kaklase habang ako naman ay tamad na nag-ayos ng gamit. "Yay! Pagkain! Pagkain! Pagkain!" tuwang tuwa na sabi ni Kairi habang natalon-talon. Mabilis na nagsalita si Randy. "Patay gutom ka talaga." sabi nito dahilan para tumawa ng malakas si Amara. Masamang tingin ang pinukol ni Kairi nang lingunin n'ya si Randy. "Palibhasa pulubi! Walang makain!" sigaw pabalik ni Kairi sa kan'ya dahilan para muling humalakhak si Amara. Napuno ng asaran ang buong corridor ng mapansin ni Randy ang pananahimik ko. "Oy! Sapphire, bakit ang tahimik mo? Kanina ko pa napapansin 'yan." tanong nito. Umiling ako ng hindi ito nililingon bago magpatuloy sa paglalakad. Pansin ko ang pagtahimik ng mga kasama ko sa hindi malamang dahilan. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong pamilyar na lalaki habang nakangiting kausap si Principal Aurora. Bigla akong napangiti ng mapagtanto kung sino ang lalaking iyon. "Sirrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!" sigaw ko na mabilis na ikinagulat ng mga kasama ko. Agad na napatingin sa akin si Sir Arnold at Principal Aurora. Bigla akong tumakbo palapit sa gawi nila. "Sirrrrrrr! Hahaha!" sigaw ko habang tumatawa. Mabilis na napangiti si Sir Arnold ng makita ako. "Ayslin!" nakangiti nitong bungad sa akin ng makalapit ako sa kanilang dalawa ni Principal Aurora. "Sir, bakit nandito kayo?" nakangiti kong tanong. "Don't tell me na may Elvi ka din?" nakangiti kong tanong dito na ikinabigla nilang dalawa ni Principal Aurora. "E-Elvi?" Bumusangot ako. "Don't tell me sir hindi mo alam ang Elvi? Elvi, ibig sabihin magic, duh!" nakabusangot kong sabi. Lalo akong bumusangot ng tumawa si Sir bago hawakan ang ulo ko. "Matalino ka talagang bata ka." lalo akong bumusangot. "Sir, magkasing-edad lang tayo, or kung hindi ay mas matandan ka sa akin ng isang taon, duh!" sabi ko na ikinangiti n'ya maging si Principal Aurora. "Paano mo nalaman na ang Elvi ay Magic?" tanong ni Principal Aurora. "Lolo told me when i was 5 years old, sabi n'ya pagtungtong ko sa edad na ikalabing-pito ay ililipat ako nina Mom at Dad ng school, nalaman ko naman na ang ibig sabihin ng Elvi ay magic ng marinig ko silang nag-uusap ng parents ko sa edad na anim," ngiting-ngiting sabi ko. "Okay ba?" Nagkatinginan silang dalawa ni Principal Aurora bago sabay na humalakhak. Lalo akong napabusangot at the same time ay nainis. Ano nakakatawa sa sinabi ko? Ngumuso ako. "Bahala nga kayo d'yan." sabi ko bago sila iwanan nagtatawanan. Hindi ko hinintay sina Amara dahil alam kong sa cafeteria din sila pupuntan kaya nagpauna na ako. Mabilis na napunta sa akin ang atensyon ng lahat ng pumasok ako sa cafeteria dahilan para tumigil ako. Tinignan ko sila lahat pero agad din na nagsiiwasan ng mga tingin. Mabilis akong dumiretso sa counter para kumuha ng pagkain at pumunta sa bakanteng lamesa. Hihintayin ko nalang sila Amara. Naka pangalumbaba ako habang nakatingin sa pagkain ko ng marinig ko ang pamilyar na boses nina Kairi at Randy na nagtatalo. Kahit hindi pa sila pumapasok ay alam kong sila iyon. "Tsk! Puro ka nalang pagkain!" "Atleast ako puro pagkain lang ang inaatupag, hindi katulad mo! Puro pagmamayabang!" "Pagmamayabang ba ang tawag do'n? Tsk! Tawag do'n self confidence. Baliw!" sabay sabay na napatingin ang lahat ng makita nilang pumasok sina Kairi at Randy na nag-aaway pa rin. Kasunod nila ay sina Avary at Randy na walang imik. Kasunod nila si Black na wala parin kaemo-emosyon. Nang magtama ang paningin namin at ngumiti ako sa kan'ya ng pilit at hindi umabot sa mata bago mag-iwas ng tingin. Mabilis na nilapag nina Amara at Kairi ang tray ng pagkain nila sa harapan ko. Ngumiti sa akin si Kairi ng malaki. "Huwag kang mag-alala, Sapphire. Ikacrush-back ka din ng crush mo." Nakangisi nitong sabi dahilan para kumunot ang aking noo. "Huh? Wala naman akong crush eh." sabi ko bago kumain. "Yow!" biglang nilapag ni Randy ang tray ng pagkain n'ya sa harapan ko at umupo sa tabi ni Kairi. Mabilis naman na tumayo 'yung dalawa para umikot at umupo sa tabi ko. "May baliw." bulong ni Kairi pero tanging halakhak lang ang isinagot ni Randy. Napaangat ang tingin ko sa dalawang lalaki na nagbaba ng tray sa harapan namin at pagtingin ko ay si Avary at Black iyon. Maging ang kasama ko ay napakurap-kurap. Muling humalakhak si Randy. "Mind if we join you?" biglang bumusangot si Kairi. "Kung si Avary at Zayne ay okay lang, pero kung ikaw? Nevermind." humalakhak si Amara habang may laman ang bibig dahilan para mabulunan ito. Aabutan ko sana ito ng tubig ng maunahan ako ni Avary. "Here," sabi n'ya bago tanggapin iyon ni Amara. "Don't laugh when your mouth is full." "Wew." sabay naming sabi nina Kairi at Randy. "Thank you." sabi ni Amara. Nagsimula nang kumain ang lahat ng kasama ko sa mesa habang ako ay tulala lang sa pagkain. Mabilis naman na nagsalita si Kairi. "Nga pala, Sapphire. May first kiss kana?" para akong nabulunan sa tanong n'ya kahit hindi naman ako kumakain. "H-Huh?" Nilingon ako ni Kairi habang ngiting-ngiti. "Tinatanong ko kung may first kiss kana." pag-uulit nito. Mukhang hindi big deal sa kan'ya ang pagtatanong na iyon habang ako naman ay gusto nang lamunin ng lupa. "W-Wala pa." sabi ko bago umiwas ng tingin. "Eh? May boyfriend kana?" maging si Black na kumakain ay napatingin sa akin. "W-Wala na." "Ha? Anong wala na? Patay na?" kunot noong tanong ng chismosang katabi ko. "M-May iba na." biglang pumiyok ang boses ko. "Paanong may iba na?" narinig ko na sinuway s'ya ni Randy pero mukhang desidido si Kairi na malaman kaya naman huminga ako ng malalim. "Ako ang siningsingan pero iba ang pinakasalan." sabi ko dahilan para sabay-sabay silang manahimik. Ang busy sa pagkain na si Black ay nakuha ko ang atensyon, naka kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Ha? Hindi ko gets." sabi ni Kairi. "Bobo ka kasi." ani naman ni Randy. "He gave me a promise ring to infinity and beyond but days passed I knew that he married, sa ilang buwan pa lang n'ya na kakikilala that break my heart into pieces. That's why I'm scared to fall in love again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD