Nakatulala lang silang lima sa akin habang ako naman ay nakatingin sa labas ng cafeteria.
"Uhmmm, s-sorry." paghingi ng paumanhin ni Kairi bago yumuko.
Narinig ko na bumulong si Randy. "'Yan, kasi, katangahan mo. Chismis pa." bulong nito. Naramdaman ko na sinipa ni Kairi sa paa si Randy dahilan para umatuntal ito. "Aw."
"Kaya nga nagsosorry, hindi ba?" inis na sabi ni Kairi. Ngumiti ako sa kanila.
"Oh, c'mon guys. It's okay. Wala naman na sa akin 'yon at wala na akong pakialam sa kan'ya, duh!" sabi ko habang ngiting-ngiti.
Nakatunganga lang sila sa akin habang si Black naman ay pinagpatuloy ang pagkain.
Mahilig din ba ito sa pagkain?
Tumayo ako sa upuan ko dahilan para mapatingin sila sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong ni Amara.
"Hahanapin si Lachimolala." sabi ko.
Tiningala ako ni Black or let's just say na Zayne. "Tsk! Stupid his name is Rowan not lachimolala." iritang sabi nito.
Ngumuso ako. "Lachimolala ang gusto kong itawag sa kan'ya. Kung gusto mo Rowan ang itawag mo sa kan'ya at sa akin naman ay lachimolala, okay?" nakangiti kong sabi.
Umirap si Black. "Whatever." sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.
Ngumiti ako sa kanila. "Bye bye." sabi ko bago sila talikudan at tumakbo palabas ng cafeteria.
Habang tumatakbo ako ay sunod-sunod na pumatak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sa pag bagsak ng aking luha ay s'ya namang pagpatak ng butil ng ulan mula sa kalangitan.
Bakit biglang umulan? Mainit kanina ah.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagtungo ako sa lugar kung saan makakapag-isa ako at doon ako umiyak ng umiyak.
---
Mabilis na nagdaan ang araw at isang linggo na ako dito sa Academy. As usual ay ganoon parin sina Amara at Kairi habang ako ay ganoon parin. Tahimik at tamad kumakain, alam kong napapansin din nina Amara at Kairi ang pananahimik ko pero pinili na lang nila na manahimik.
"Sapphire!" tawag sa akin ni Randy ng makasalubong ako.
"Bakit Randy?" tanong ko dito.
"Nakita mo ba si Zayne?" nangunot ang noo ko. "Kanina pa namin s'ya hinahanap eh."
Umiling ako. "Hindi eh. Limang araw na ang naka lipas simula ng makita ko s'ya." sabi ko.
Tinapik-tapik ako ni Randy sa balikat bago ngumiti. "Sige ha? Salamat." sabi n'ya bago muling tumakbo.
Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang principal's office dahil may gusto akong itanong kay Principal Aurora.
"I know you will come." bungad sa akin ni Principal Aurora bago ngumiti sa akin. " Have a seat." sabi n'ya bago ituro ang upuan sa harap ng malaki n'yang mesa.
"Gusto ko lang magtanong. Hindi kasi ako makatulog this fast few days kakaisip nito eh." sabi ko dahilan para mangunot ang noo nito pero agad din na ngumiti.
"Kung ang Crystal Academy ay school of magic, bakit wala akong magic?" tanong ko dahilan para matagal itong mapatitig sa akin. "Kung wala naman akong elvi o magic, bakit ako nandito? At bakit dito ako dinala nila mom at dad?" sunod-sunod kong tanong pero isang malawak na ngiti lang ang isinagot sa akin ni Principal Aurora.
"Because you are special," mabilis na nangunot ang noo ko sa pagtataka. "Your elvi will know soon, your elvi is special than others that's why ay hindi pa ito lumalabas." sabi nito bago ngumiti.
"Hindi naman sa pagmamadali, kailan lalabas ito?" marahan lamang s'yang ngumiti at umiling.
"I don't know, we don't know."
Tumango ako bago tumayo. "Sige. Thank you, Principal Aurora." sabi ko bago ngumiti. Ngumiti rin s'ya bago tumango.
Umalis na ako at Principal's Office ng may malalim na buntong hininga. Habang naglalakad ako sa may corridor ay may naramdaman kong nakatitig sa akin mula sa malayo kaya naman tumigil ako sa paglalakad at inilibot ang tingin sa paligid. Tanging paghuni at paghampas ng malamig na hangin ang tumama sa aking balat dahilan para tumaas ang aking mga balahibo.
Binilisan ko ang paglalakad dahil may nararamdaman akong mga titig. Hindi lang isa kundi marami na. Lakad takbo ang ginawa ko habang lumilingon sa likudan ko hanggang sa may mabangga ako sa unahan.
"WAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko matapos mapaupo sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko. Mabilis kong tinakpan ang tenga ko habang nakayuko. "KAPREE!" sigaw ko ng may humawak sa balikat ko.
"Tsk! Stupid!" napatigil ako sa pagsigaw ng marinig ang pamilyar na boses mula sa isang lalaki.
Dahan-dahan kong itinaas ang ulo at unang sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Black.
"What the hell is happening to you?" taas kilay na tanong nito.
"Black!" sabi ko bago ko ito yakapin. "M-May h-humahabol sa akin at pinagmamasdan nila ako mula sa m-malayo." nanginginig ang boses ko habang nakayakap sa kan'ya. "A-Ayoko na d-dito. G-Gusto ko nang u-umuwi." mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Tsk!" sabi n'ya dahilan para kumalas ako sa kan'ya mula sa pagkakayakap. "Nakita mo ba 'yung humahabol sa 'yo?" umiling ako habang nakanguso.
"Hindi. Para silang nagtatago sa hangin eh, at isa pa marami sila, pinapanood nila ako mula sa malayo." sabi ko habang nakanguso.
Mabilis na nangunot ang noo nito. "Whatever." sabi nito bago ako lagpasan.
Bigla akong bumusangot bago s'ya sundan.
"Saan ka pupunta? Pasama ako." sabi ko bago ito pantayan sa paglalakad. Nilingon ako nito habang nakakunot ang noo. "Nga pala, hinahanap ka ni Randy."
"I don't care." masungit na sabi nito. Nilingon ko ito.
"Bakit ba ang sungit mo?" nang-iinis ang aking tono. Masama ang tingin n'ya ng lingunin ako nito.
"Shut the f**k up." Inis ka sabi nito. Imbis na matakot ay lalo ko pa itong ininis.
"Shut the f**k up." panggagaya ko dito. Matalim na tingin ang pinukol n'ya sa akin pero imbis na matakot ay lalo akong ngumiti para asarin s'ya. "Oy, bakit antagal mong nawala? Pati si Lachimolala." sabi ko matapos ang mahabang katahimikan.
"You don't care." masungit na sabi nito.
"Nasaan nga pala si Lachimolala?"
"Somewhere." Prenteng sagot nito.
"May alam ka bang magandang lugar dito?" tanong ko bago ito lingunin. Kunot ang noo nito ng lingunin ako ng dahil sa pagtataka.
"Yes. Why?" ngumiti ako sa kan'ya bago umiling.
"Wala lang. Gusto ko lang ng may mapuntahan kapag gusto kong mapag-isa." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa mga paa ko.
Hindi ito umimik kaya napangiti ako.
"Sige, ha? Aalis na ako. May pupuntahan kapa yata." sabi ko bago ito talikudab.
Ako nalang mag-isa maghahanap ng lugar na pwede kong tambayan.
"Wait." napatigil ako sa paglalakad at nilingon ito.
"Bakit?"
"I... knew," tumikhim ito. "A place that you can relax." sabi nito. Napangiti ako.
Dali-dali akong humarap sa kanya at naglakad. "Arat na." sabi ko.
Hindi na ito nagsalita at bumuntong hininga na lamang.
"This is the place that you can relax." sabi n'ya ng makarating kami sa taas ng burol kung saan kita ang kabuuan ng Crytsal Academy.
Napangiti ako habang nakangiti. "'Di ba dito ka nagsunog?" tanong ko bago lingunin si Black na nakasandal sa trunk ng puno habang naka upo sa sanga nito.
"What?" salubong ang kilay na tanong nito.
Ngumiti ako bago umiling. Muli kong pinagmasdan ang nasa ibaba ng burol. Tanaw na tanaw ko dito ang kabuuan ng Academy kahit parte parin ito ng Academy.
"Dito kaba lagi nagpupunta kapag gusto mong mapag-isa?" tanong ko ng hindi ito nililingon.
"Yes."
"Eh di---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may marinig akong kaluskos. Wala sa sariling napalingon ako kay Black na pinapakiramdaman din ang paligid. "B-Black..." nilingon n'ya ako at inilagay n'ya ang daliri sa tapat ng labi nito at sinabing 'wag daw akong maingay.
Tumango ako.
Nagulat ako ng bigla s'yang gumawa ng maliit na fire ball habang dahan-dahan na tumatayo sa sanga.
Sa hindi kalayuan ay agad na nanlaki ang aking mata ng may makita akong taong naka cloak na naka lutang sa hangin habang naka harap kay Black.
Nang mapansin ni Black kung saan ako naka tingin ay mabilis na binato ni Black ang fire ball n'ya sa naka cloak.
"Run!"
"P-Paano ka?" Kinakabahan kong tanong habang malalim ang aking paghinga.
"I can manage my self! Just run stupid girl! " sigaw n'ya.
"S-Sige, mag-iingat ka." sabi ko bago tumakbo pababa ng burol. "Babalikan kita!" sigaw ko habang tumatakbo.
"Sapphire! Saan kaba nanggaling? Kanina kapa namin hinahanap?" Tanong ni Amara.
"Si Black! Puntahan n'yo. Nasa burol s'ya may kalaban na naka black cloak." Hinihingal kong sabi. Nagkatinginan 'yung dalawa bago tumakbo ni Amara.
"Pupuntahan ko si Zayne!" Sigaw n'ya habang tumatakbo.
"Ano bang ginagawa n'yong dalawa doon sa burol?" Tanong ni Kairi bago ako abutan ng tubig.
"Nag-uusap, sinamahan n'ya kasi ako nung nagtanong ako kung saan may magandang lugar tapos ayun, dinala n'ya ako sa burol hanggang sa maya-maya lang ay may naramdaman kaming ibang presensya. Sino ba 'yon?" Tanong ko bago ito lingunin.
"Luxxury." Sabi nito. Mabilis na nangunot ang noo ko.
"Luxxury? Ano 'yon?"
"Sila 'yung masasamang elvi users, ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa masasama." Sabi n'ya bago kumain..... na naman?
"Tapos kayo 'yung mga good users?" Tumango s'ya. "Eh, bakit si Icesell? Masama?" Tanong ko na ikinatawa n'ya. Muntik pa s'yang mabulunan sa kakatawan.
"Gano'n lang talaga si Icesell, masama ang ugali no'n pero mabuti ang puso no'n." Natahimik ako. May point s'ya.
"Sapphire! Pandak!" Sigaw ni Randy sa hindi kalayuan. Ngiting-ngiti na naman ang loko.
"Randy! Tulungan n'yo si Black! Nasa burol s'ya ngayon at nakikipag laban sa luxxury! Nando'n na din si Amara, sumunod!" Sigaw ni Kairi habang may laman ang bibig nito.
Nagkatinginan si Randy at Avary bago mabilis na tumakbo.
"Teka! Pasama!" Sabi ko bago humabol sa kanila.
"Teka, Sapphire! Hindi ka puwede!" Dinig kong sigaw ni Kairi pero hindi ako lumingon sa kan'ya.
Ang sabi ko kay Black, babalikan ko s'ya.
Nang makarating kami sa burol ay puro umuusok na paligid ang aking naabutan.
Marahil ay kagagawan ito ni Black na fire users.
Mabilis din na nawala sa paningin ko sila Avary at Randy. Hinihingal kong nilibot ang paningin sa paligid ngunit wala akong makita na kahit na anong bakas nilang apat.
"Amara! Black! Randy! Avary!" Sigaw ko pero tanging boses ko lamang ang aking naririnig.
"Sapphire!" Napatingin ako kay Kairi. Hinihingal ito ng tumigil ito sa harapan ko.
"Nasaan sila?" Tanong nito habang hinihingal at dala-dala pa nito ang kan'yang pagkain.
"Hindi ko alam. Wala akong naabutan." Sabi ko, parang paiyak na.
Biglang natahimik sa pagnguya si Kairi nang may marinig kaming mga kaluskos. Nagtinginan kami. Itinapon n'ya sa kung saan ang pagkain n'ya at pumunta sa harapan ko na para bang pinoprotektahan n'ya ako.
Sabagay. Mahina ako at walang elvi.
"Diyan ka lang sa likod. Nandito na sila."