"Malaki naman ang chances na mabawi mo ang lisensya mo. Don't worry, intay-intay ka lang ako ang bahala." ani Dwight. "Talaga my God parang gusto kitang I-kiss Kuya Dwight." ani Blessy. "Naku di bale na bukod sa may Diablo kang asawa, may misis akong dragonesa kaya keep your distance mahirap na.' biro ni Dwight na ikinatawa nilang dalawa. "Sige, asahan ko yan kapag bumalik ang lisensya ko libre na ang operation mo kahit ano." malakas naman tumawa si Dwight. Nagpaalam naman na si Blessy. Saglit naman na dumaan si Blessy sa clinic n'ya na ikinakabit na ang panaflex ng pangalan ng clinic n'ya. Angels nest medical clinic. Ang napili n'yang pangalan na agad naman na approve sa una hindi pa s'ya puwedeng mag clinic dahil tiyak na sasabit s'ya kaya pansamantalang i-aassist na lang muna n'ya

