Isa-isang pinilas ni Saitan ang mga larawan sa harapan n'ya at itinapon sa basurahan malapit sa table n'ya saka masama tiningnan ang dating secretary. Alam n'ya ang eksaktong nangyari kahapon na i report na sa kanya ng 2 bantay ng asawa s'ya, iyong ang eksaktong dahilan kung bakit meron s'yang kinuhang bodyguard para sa asawa. Hindi na daw nag pakita ang dalawa n'yang tauhan kay Blessy since nakaganti daw naman ang asawa n'ya. Kung pag babasehan ay ang mga larawan possible s'yang maniwala dahil ang gagaling ng angulo ng kuya ni Pola, iisipin mo talagang niloloko s'ya ni Blessy pero kilala n'ya si Blessy. Ito yung tipo ng tao na what you see is what you get, sadyang mapakapal lang ang mukha ng Bryan na yun at hindi ang Bryan na iyon ang magiging dahilan ng pag hihiwalay nila. Hindi n'ya pi

