"Sure, ka ba talaga na 100% na boy ka?" tanong naman ni Blessy sa asawa habang nilalagyan s'ya nito ng make-up para sa event opening ng clinic n'ya. Natawa naman si Saitan na nag lalagay ng blush on sa pisngi ng asawa. "Baka naman kababantay ko ng babae na aagaw sa'yo sa akin yun pala lalaki ang kailangan kong bantayan." muling natawa si Saitan. "Kung hindi ko lang masisira ang lipstick mo. I would love to kiss you torridly." wika pa ni Saitan n iniharap na s'ya sa salamin. "Pak! o diba daig ko pa ang aattend ng SONA." biro ni Blessy na nakatingin sa salamin. Nakaka proud lang ang ganda-ganda n'ya at hindi na n'ya kailangan na mag paparlor dahil asawa pa lang n'ya panalo na ang make-upan n'ya. Wala din s'yang choice kundi mag dress pero even sa susuotin n'ya si Saitan na din ang pumili

