Chapter Twenty SANYA "SORRY na nga. Halika na pogi, kumain na muna tayo," jusko, nag exceed na yata sa hudred percent ang panunuyo ko kay Mr. tamporurut. "Hija! Mon, kumain na muna tayo!" muling tawag ni Aling Sabel sa amin. "Isa pa, Ramon Malaya! Kakain na nga sabi eh!" inis na wika ko. "Tingnan mo 'yang ugali mo. Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa itong naiinis," rinig kong aniya. Huminga ako nang malalim. Nakakainis naman kasi eh, sinusuyo ko na nga, ayaw pang magpasuyo. "Kakain na raw sabi ni nanay," malumanay kong saad. Mabilis na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha niya. Nakakainis, ang gwapo pa rin kahit may pasa. Inilapit niya ang ulo niya sa akin saka nagsalita at ngumiti. Iyong nanunukso ngunit may halong kaharutan. "Pakiulit iyong huling

