Chapter Nineteen
MON
PINAANDAR ko na ang makina ng motorsiklo at sakto namang nakalapit na si manong security guard.
"Manong, sa bahay ko na lang ipapalinis itong sugat ko. Salamat na lang," ako.
Pucha manong, kung nagbantay ka lang sa labas ng gate ay baka hindi ako nabugbog.
Nilapitan na rin ako ni Sanya at nagdududa pa niya akong tiningnan.
Ngumiti ako at pinakitang wala akong iniinda kahit na ang totoo ay gusto ko nang humiga at magpahinga dahil sa sakit ng katawan ko.
Maraming tadyak ang natamo ko at sinikmuraan pa ako ng tatlong beses. Pucha, kahit sino ay manghihina dahil doon.
Bumuntong hininga si Sanya saka inilabas ang kanyang cellphone bago sumakay sa motor.
Napansin kong may tinatawagan siya.
"Hello ma, may nangyari... Si Mon, binugbog po,"
Tila ba niiyak namang sumbong niya.
"Sa kanila na muna ako ma, tutulungan ko si Aling Sabel na linisin ang sugat niya. Kasalanan ko po kasi kung bakit siya nabugbog," rinig ko pang wika niya.
Napakalambot niya talaga.
"Opo, ma. Sa kanila na muna ako," aniya saka pinatay ang tawag.
"Sure kang kaya mo pa Mon?" may bahid ng pag-aalala at pag-aalaga ang kanyang boses.
"Yes, ma'am," ako.
"Sige, deretso na muna tayo sa bahay niyo. Kailangan kitang asikasuhin,"
Kung ganito ang eksena sa tuwing mabubugbog ako, gugustuhin ko na lang malumpo kung siya ang mag-aalaga sa akin.
SANYA
TUMAWAG ako kay Sally para sabihing maggagabihan ako dahil may kinailangan lang kaming tapusin ukol sa requirements namin ng mga ka-grupo ko.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay si Mon pala ang magsusundo sa akin at ang malungkot na bagay doon ay nabugbog pa siya.
Nagtaka pa ako noong una kung bakit wala na si Joey dahil inalok niyang siya na ang maghahatid sa akin pauwi.
Naisip kong wala namang masama kung bibigyan ko siya ng pagkakataon para ipakilala ang tunay na siya. Iyong hindi mukhang masamang tao.
Ngunit sa kasamaang palad ay nalaman kong isa siya sa mga nambugbog kay Mon.
Naiiyak ako dahil dumudugo pa ang magkabilang gilid ng labi ni Mon at sa tingin ko ay napuruhan talaga ang gwapo niyang mukha.
NAKARATING na kami sa bahay nila at nakahawak pa ako sa braso niya habang inaalalayan siyang pumasok sa kanilang bahay.
Mukhang inaantok na rin si Mon ngunit sa tuwing titingnan ko siya ay ngumingiti naman ito.
Akala mo ay hindi binugbog ng mga tambay sa kanto.
Kumatok ako sa pinto ng bahay nila at mabilis naman itong binuksan ng kanyang ina.
Nagulat siya nang makita ang mukha ng kanyang anak na ngayon ay puro pasa na.
"Dios ko! Anong nangyari?" inalalayan niya rin si Mon papasok sa bahay nila.
"Kaya ko naman," pabirong wika ni Mon.
Tinampal ko ang balikat niya, "Aray."
"Hindi mo naman pala kaya eh," ako.
Kasalanan ko ito eh.
"Hija, paki alalayan mo namang tanggalin ang t-shirt niya at ako naman ay kukuha ng bimpo at yelo," ani Aling Sabel at nagmadaling nagtungo sa kusina.
Nakasandal na ngayon si Mon sa akin kahit na mas matangkad siya.
"Okay ka lang? Sorry Mon hah?" Nakokonsensiyang sabi ko.
"Hmmm?" siya.
"Ang sabi ko, I'm sorry... Ikaw naman kasi eh, sana tinawagan mo ako kaagad,"
Napahalakhak siya nang mahina. Animo'y walang bahid ng hapdi ang kanyang mga labi.
"Ako na nga itong binugbog, sesermonan mo pa ako,"
Maya-maya pa ay bumaling siya sa akin.
"Ang sakit ng buong katawan ko," mahinang aniya at ramdam ko pa ang mainit niyang hininga sa pisngi ko.
Nag-aalala ko siyang nilingon.
"Sanya..." nakikiusap ang kanyang mga mata. Gumaralgal din ang kanyang boses.
"Bakit? Gusto mo bang dalhin ka na lang namin sa ospital?" lubos akong kinabahan.
Akmang tatayo na ako para tawagin si Aling Sabel ngunit pinigilan niya ang braso ko.
Dahilan iyon para bahagya akong mapaupo sa kanyang hita.
"Dito ka lang…" bulong niya.
Hindi ako gumalaw.
I suddenly feel safe and sound wrapped by his strong arms. Kumalma rin ang dumadagundong kong puso dahil sa pag aalala.
Nakatalikod ako sa kanya. Nakayakap pa rin siya sa akin kaya iniwasan kong gumalaw.
Naramdaman ko ang dahan-dahang paglapat ng labi niya sa aking likod kaya nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg at braso.
"Salamat, Sanya," nakadagdag din ang init ng kanyang hininga sa sensasyong namuo sa aking kalooban.
Ayaw ko mang bigyan ng malisya ito, ngunit, naramdaman ko rin ang unti-unting pagkagising ng kanyang alaga sa aking puwit.
"Ahh, Mon…" hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Mmmm?" ang dapat na dating nito ay patanong ngunit bakit tila ba umuungol siya.
"Ano iyon, Sanya?" dagdag niya.
Nilalaro ba niya ang naka bun kong buhok at hindi ko namamalayang natanggal na ito sa pagkakatali at nagsihulog ang ilang hibla sa aking likod.
Inamoy niya ito.
"Umm, anong shampoo mo?" siya.
"H-hah?" ako.
"Gusto kong bumili at gagamitin kong fabcon para sa unan at kumot ko upang kahit na magkahiwalay tayo sa gabi ay ramdam kita sa tabi ko,"
Seryoso ba talaga siya? Gagawing fabcon ang shampooo kasi… kasi gusto niya akong madama? Goshh.
Hindi ko alam kung mahihiya ako o kikiligin dahil sa mga banat niya.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag kaya mas mabilis pa sa alas kwatro ang galaw kong umalis mula sa pagkakaupo sa hita ni Mon.
Sakto namang bumungad si Aling Sabel habang hawak-hawak ang isang maliit tuwalya, yelo, bulak at alcohol.
"Oh, bakit hindi pa natanggal iyang damit mo, Mon?" bumaling sa akin ang ginang, "Nahihiya ka bang tanggalin hija?" mapanukso ang ngiti ng ginang kaya iniwas ko ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay namumula na naman ang aking pisngi.
Oo nga pala, binilin ako ni Aling Sabel kanina na alalayan kong tanggalin ang damit ni Mon. Nakalimutan ko tuloy dahil sa bahagyang panghaharot sa akin ni Mon.
"Ano ba kasing nangyari anak?" si Aling Sabel.
"Nabugbog lang nay," sagot ni Mon.
"Ano? Nabugbog lang? Ano sa tingin mo ang nangyari sa'yo? Joke, joke lang gano'n?" sabad ko. Hindi ko na napigilan ang inis dahil akala mo naman ay laro lang iyon.
Umiling din si Aling Sabel saka kinuha ang alcohol at bulak.
"Wala lang naman ito. Ang mahalaga ay ligtas ka, Sanya," saad niya at doon ay nakaramdam ako ng pag-aaruga. Kumalma ako.
"Salamat… pero kasi… sana sinabihan mo ako nang hindi na sana nangayari ito sa'yo,"
"Tsk, basic lang ito," mayabang na aniya.
Maya-maya pa ay may kumatok at tinatawag si Aling Sabel mula sa labas.
"Ako na po ang maglilinis ng mga pasa niya," alok ko.
"Salamat hija," sagot ng ginang.
Kinuha ko ang bulak at alcohol at tumayo si Aling Sabel para tingnan kung sino ang naghahanap sa kanya.
Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at nang idampi ko na ito sa gilid ng labi ni Mon ay siya namang paghiyaw niya.
"Pucha! Ang hapdi!" reklamo niya.
"Tiisin mo na lang," kako saka muling inilapit ang bulak sa kanyang labi.
Nasasagi ng mga daliri ko ang pang-ibabang labi niya na ngayon ay tila ba dehydrated at kailangang mabasa na.
Hindi ko na lang iyon pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.
Ngayon ay tahimik na siya at nakapikit pa.
Ngumiti ako nang mapagtantong matapang nga siyang makipagbugbugan ngunit alcohol at bulak lang pala ang magpapaamo sa kanya.
Nilapat ko sa kabilang bahagi ng kanyang labi ang bulak para dampihan ang sugat niya doon ngunit nagulat ako sa kanyang ginawa kaya sabay kaming napahiyaw.
Siya ay napahiyaw dahil sa hapdi ng alcohol sa kanyang pasa habang ako naman ay napahiyaw dahil sinubo at bahagya niyang kinagat ang palasingsingan at hinliliit ko.
Nag aalalang nilapitan kami ni Aling Sabel at hindi mawari kung sino ang unang dadaluhan.
"Aray ko po," naiiyak kong sabi dahil bakas pa ang pagkagat ni Mon sa aking mga daliri.
"Sorry, ang hapdi ng alcohol eh," parang batang aniya saka hinawakan ang mga daliri kong kinagat niya.
"Akala ko ay kung ano na ang nangyari. Ikaw naman Mon, bakit nangangagat ka na lang bigla. Luko loko kang bata ka. Mabuti nga't tinutulungan ka nitong si Sanya eh," sermon ni Aling Sabel kay Mon.
"Relax ma, puso mo," natatawang sabi ni Mon sa ina.
"Yan, nakakainis kang bata ka. O siya, maglagay ka na ng yelo sa bimpo at dampihan mo na yang mga pasa mo sa mukha," nilingon ako ng ginang, "Huwag mo na siyang tulungan hija. Matanda na 'yan."
Natatawa akong tumango dahil sa sinabi ng ginang. Animo'y pinaparusahan ang anak dahil sa kanyang pagiging pilosopo ngunit hindi naman gano'n kabigat.
"O siya, pupunta na ako sa kusina. Titingnan ko lang iyong niluluto kong pinakbet," paalam ni Aling Sabel at naiwan kami ni Mon sa kanilang sala.
"Psst, tulungan mo ako," ani Mon.
Inirapan ko siya at kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Psst, ganda, sige na oh. Hindi ka ba naaawa sa akin? Binugbog ako ng manliligaw mo kasama ang tropa niya. Buruin mo, muntik na akong mabalian dahil sa dami ng-"
"Oo na! Huwag mo na akong konsensiyahin dahil nakokonsensya na nga ako eh," wika ko saka kinuha ang bimpo na may yelo at nilapat ito sa pasa niya sa noo.
Sa dami ng pasa niya ay talagang maaawa ka ngunit napaka tuso kasi niya kaya hindi ko alam kung ibabalibag ko na lang siya o palalayasin sa sarili niyang pamamahay. Nakakainis pero naaawa naman ako.
Sinimulan ko na ang pagdampi ng bimpo sa sugat niya.
Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin.
"Sorry talaga Mon," ako.
"Ayos lang. Malayo naman ito sa bituka," siya.
"Ang yabang mo. Napuruhan ka na nga eh," saway ko.
"Itaas mo na 'yang shirt mo. 'Yang katawan mo naman ang isusunod ko,"
Ngumisi siya saka tinaas ang kanyang suot na t-shirt hanggang sa kanyang dibdib.
Inilapit ko ang bimpo sa ibaba ng kanyang kaliwang dibdib. Nangitim na ang parteng iyon.
"Masakit pa?" tanong ko.
"Masarap nga eh,"
"Ibig mong sabihin ay masarap mabugbog?" tinaasan ko siya ng isang kilay habang marahang dinadampi sa pasa niya ang bimpo.
"Walang masakit sa akin lalo na kapag ikaw ang nag-alaga sa akin. Gugustuhin ko ngang malumpo na lang kung ganito lagi ang eksena,"
"Sira ulo. Ayaw kong mag alaga ng lumpo noh," natatawang wika ko.
Iniiwasan kong madampihan ang medyo visible niyang abs. Hindi naman sobrang mabato ngunit iyong sakto lang.
Parang iyong nahaluan ng kaunting taba, pero visible pa rin ang pandesal niya.
Parang ang sarap kurutin at pisil pisilin. Pero hindi ko na iyon gagawin dahil baka isipin niyang pinagnanasahan ko siya.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Ibinaba ko ang bimpo saka kinuha iyon sa loob ng bag ko.
Si Sally lang pala.
Sally: Ate, bawal ka raw tumabi kay Mon. Kung wala raw extra na kwarto, makitabi ka na lang daw kay Aling Sabel.
Natawa ako sa mensahe niya. Ang OA lang. As if naman makikitabi ako matulog sa hindi ko boyfriend.
Pero kahit naman boyfriend ko siya, bawal pa rin iyon.
Ano ba itong naiiisip ko. Boyfriend agad agad. Bawal nga akong mag boyfriend eh.
Sinend ko na ang reply ko at narinig kong nagsalita si Mon.
"Sana lahat may ka-text mate,"
"Sira ulo. Wala akong ka-text mate," sagot ko saka binalik sa loob ng bag ko ang cellphone ko.
Salubong na ang kanyang kilay.
"Kung gano'n, bakit nakangiti ka pa habang nakatingin sa cellphone mo kanina?"
Nang iintriga. Akala mo naman boyfriend ko.
"Eh, ano naman sana sa'yo?"
"Lagi mo na lang akong pinagseselos," mahinang bulalas niya.
"Ano?"
"Wala, sige na. Matutulog na ako. Good night," nagtatampong aniya saka mabilis na tumayo at naglakad patungo sa kanyang kwarto.
Kanina ay parang nanghihina, ngayon ay parang hindi nabugbog. Ang lakas pala niya.
"Tampo ka?" nang aasar na sabi ko.
"Hindi!" sigaw niya.
"Oh bakit ka sumisigaw?" tanong ko at sinara na niya ang pinto ng kanyang kwarto.
"Wala!" sagot niya mula sa loob.
"Weh? 'di nga?" natatawa ako sa inaasal niya. Parang bata.
Ilang sandali pa ay tinawag na kami ni Aling Sabel para mag-dinner. Naglakad ako palapit sa pinto ng kwarto ni Mon saka nagsalita.
"Uy, baby damulag, halika na. Kakain na raw oh,"
"Ayoko kumain. Busog ako,"
Okay, okay. Oo na. Susuyuin ko na.
End of chapter 19.