Chapter Eighteen

2016 Words
Chapter Eighteen MON SA halip na maawa ako kay Sanya ay natawa pa ako sa kanyang pagiging inosente sa bagay na tinutukoy niya. Hindi ko pa naman nahahawakan o nabubutasan ang kanyang perlas ng silanganan ngunit kung umiyak siya ay akala mo talaga ay nakuha ko na. Nakakatuwa lang dahil ako pa lang ang unang nakahalik sa kanya. Naalala ko na naman ang halikan namin sa Monteverde falls. Noon ay halos hindi siya makatingin sa akin ngunit ngayon ay parang isumpa na niya ako gayong ngayon ang pangalawang halik ko sa kanya. Napaka tapang niya ngunit simpleng halik lang na ninakaw ko ay iiyak iyak na. "Makinig ka sa akin," kako saka hinawakan ang mukha niya para iharap sa akin ngunit tinabig niya ang kamay ko. "Paninindigan naman kita. Huwag kang mag-alala, pwede ka namang gumanti sa akin. Sobrang ayos lang sa akin na gantihan mo rin ako ng halik," ngumiti ako. Maya-maya pa ay natawa siya saka tinampal ang dibdib ko. "Sira ulo ka, Mon. Sinong niloko mo? Bwisit ka, nakakarami ka na," siya. Natatawa rin akong bumulong sa kanya, "Hayaan mo na, baby loves. Masarap naman kasi eh." "Certified manyak ka ngang talaga," kunwari ay inis niyang wika ngunit may bahid naman ng ngiti ang kanyang labi. "Uy, bati na kami," ako. Sinundot ko ang kanyang tagiliran. Tinaas niya naman ang isang kilay niya. "Sino'ng may sabi? Lumayas ka na nga. Kainis ka," siya. Oo nga pala, babyahe na kami mamaya ni Boy. "Sige, wala man lang good bye kiss diyan?" ako. Sinamaan niya ako ng tingin. "Sige na baby loves, please," ako. Ngumiti siya saka hinaplos ang pisngi ko. "Sweet ka rin naman pala eh. Huwag ka na kasing magpakipot," pang-aasar ko. Ngunit pinagsisihan kong asarin siya nang makatikim ako ng isang malakas na sampal sa aking pisngi. Pucha, patibong pala iyon. "Iyan ang bagay sa'yo. Ang manyak mo!" siya pa ang galit gayong ako na nga itong sinampal niya. Nakahawak na ako ngayon sa pisngi ko at nakailang mura na rin ako dahil sa hapdi nito. Napaka sadista niyang babae. Napansin kong nag ayos na rin siya ng kanyang sarili at sabay sila ni Cindy na nagpaalam kay Aling Lucing. Marahil ay papasok na sila sa eskwelahan. Nasa labas na siguro si Boy at hinihintay ang oras para umarangkada kami. Araw araw ay halos dalawa hanggang tatlong beses lang kami bumyahe. Iyong balikan na. Halos 40 minutes patungo sa San Gabriel at gano'n din pauwi. Ngunit depende kung maraming pasahero ang sasakay na nadadaanan namin pauwi. Bago pa ako magtungo sa bus terminal na halos katabi lang ng karinderya ni Aling Lucing ay kinausap ko si Sanya. "Pst, ingat ka," ako. "Okay, thanks," siya. Ang sungit niya talaga. "Wala bang 'ingat ka rin, Mon' diyan?" ako. "Edi, ingat ka rin Mon," wika niya at napilitan pa. "Sige na baby loves, gagayak na ako. Labyu," kako at kumaripas na ng takbo dahil baka kung ano pa ang ibato niya sa akin. Asar talo iyon eh. Mabuti na lang talaga at nailayo ko siya kanina sa masamang hangin na dala ng Joey na iyon. Nakarating na ako sa bus at umupo saglit habang hinihintay na pumatak ang alas dos. Ilang minuto na lang. "Pasensiya na kanina tol," si Boy. Promoter din kasi ang mokong na 'to eh. "Ano ka ba tol, ayos na iyon. Kaso mapapaamo ko na sana iyong dragon, saka naman kayo nambulabog," biro ko. "Iba ka na rin tol," siya. Ilang sandali pa ay umarangkada na ang bus. Kakaunti lang ang pasahero. Nang pauwi na kami ay gano'n pa rin. Kakaunti ang pasahero. Nagsibabaan na ang ilang pasahero bago pa man kami makarating sa Monteverde. Makakabawi pa kami sa mga estudyanteng pasahero namin mamaya kaya ayos lang. Pinarada ni boy ang bus sa tabi ng Monteverde University at bumusina rin dahil eksaktong uwian na rin ng mga estudyante. Sumakay na rin si Sally kasama ang ilang mga taga Villa Hermoso. "Hi kuya," siya. "Oh, hello Sally," gusto kong tanungin kung nasaan na ang ate niya. "Sinong kasama mo?" pasimpleng tanong ko. "Ako lang kuya. Hindi naman kami close ng iba diyan eh," siya. Siguro, maya-maya lang ay narito na rin si Sanya. Napansin kong nag-ring ang cellphone niya. "Hello? Oh, bakit, ate?" si Sanya nga ang kausap niya. "Ah okay, sasabihin ko ba kay papa na sunduin ka niya mamaya?" "Ah okay. Anong oras ba ate?" "Okay, six thirty, copy," akmang ibababa na niya ang tawag nang muling magsalita ang nasa kabilang linya. "Bakit ate?" "Hah? Baka magalit si papa kapag nagpahatid ka sa iba. Ikaw rin, baka mapagalitan ka," At kanino naman sana magpapahatid ang bubwit na iyon? Iniisip ko pa lang na iyong Joey na iyon ang maghahatid sa kanya ay umiinit na ang ulo ko. At bakit magagabihan siya? Bakit mamayang six thirty pa? Delikado na iyon dahil madilim na rin sa oras na iyon. Saka wala akong tiwala sa kung sino man ang maghahatid sa kanya pauwi. Hindi ko na tinanong pa si Sally kung sasakay pa ba si Sanya dahil alam kong siya iyong kausap niya. Pinaandar na ni Boy ang bus at walang gana akong umupo sa bakanteng upuan. Hindi ko na rin sinaway pa ang mga kabataang kinukuhanan ako ng litrato nang harap harapan. Bahala sila diyan. Nagsibabaan na ang mga pasahero at napansin kong nakalimutan ni Sally ang kanyang hawak na libro kanina. Ibalik ko na lang mamaya at susubukan kong kumbinsihin si Mang Sandy na ako na ang susundo kay Sanya pauwi. Hindi ako mapalagay. Kaya dapat ako na ang susundo kay Sanya nang matahimik na ang isipan ko. Umuwi na ako sa bahay habang dala-dala ang libro si Sally. Naligo ako at nagpalit ng preskong damit. Iyong sando kong puti at kulay asul na shorts. "Nay, ipunta ko lang ito kila Aling Hilda. Naiwan kasi ni Sally sa bus ang libro niya," paalam ko kay nanay. "Bukas na kaya anak. Gabi na oh," nag-aagaw pa lang naman ang liwanag at dilim. "Ayos lang, nay. Sa laki ng katawan ko ay ibabalibag ko ang kahit na sinong haharang harang sa daraanan ko," biro ko. "Luko-loko kang bata ka. O siya, mag ingat ka. Bilisan mong umuwi dahil magluluto na ako ng ulam natin," "Opo, nay," kako saka lumabas na. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang luma kong Cherry mobile na cellphone at binalik rin lang ito dahil wala pala sa akin ang cellphone number ni Sanya. Kukunin ko na lang mamaya. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila dahil alas sais na ng gabi. Base na narinig ko ay alas sais y medya uuwi si Sanya. Nakarating na ako sa bahay nila at binigay ang libro ni Sally. "Salamat," ngumiti siya kaya sinuklian ko ang ngiti niya. "Walang anuman," "Hijo, abala ka ba? Kung hindi ay pwede bang makisuyo?" si Mang Sandy. "Hindi naman po. Bakit po ba?" "Itong si Sanya kasi. Ang sabi niya ay may tatapusin lang silang group project at magpapasundo raw. Ang sabi niya ay magpapahatid na lang siya sa kaibigan niya kung abala ako," panimula niya. "Gustuhin ko mang sunduin siya ngunit nirarayuma naman ako," Pagkakataon ko na ito. Mabuti na lang. "Ako na po ang susundo kay Sanya," "Ayos lang ba hijo?" sabad ni Aling Hilda. "Opo. Kunin ko na lang po ang number niya para ma-kontak ko po siya mamaya," Binigay naman sa akin ang contact number ni Sanya at sinave ko naman iyon. "Salamat hijo. Heto ang susi ng motor. Iyon na ang gamitin mo," ani Mang Sandy saka inabot sa akin ang susi. Nang makalabas na ako sa bahay nila ay dali-dali kong pinaandar ang motor. "Mag iingat ka, hijo," "Opo," sagot ko at mabilis na pinatakbo ang motor patungo sa Monteverde University. Pagkarating ko doon ay may mga nadatnan akong ilang mga estudyanteng kalalakihan ang nakatambay sa labas ng gate. Pinarada ko sa gilid ang motor. Sa may tabi ng istante. Hihintayin ko na lang dito si Sanya. Nakangiti kong tiningnan ang numero niya sa aking cellphone. Tatawagan ko na sana siya ngunit natigilan ako nang marinig kong magsalita ang isa sa mga lalaking nakatambay. "Ikaw pala tol. Ikaw pala iyong nang agaw sa chicks ko sa karinderya kanina," kausap niya sa akin. Ah, iyong Joey pala ito. Kaso may mga kasama siya. Pucha ang lalaki ng katawan. Kung mag-isa lang ito ay baka kanina ko pa sinuntok ang mukha niya. Pucha, tinawag niyang chicks si Sanya gayong tinuturing ko iyon na prinsesa. Nilingon niya ang mga kasama niya, "Mga tol, paano ba yan. Anong dapat gawin sa mang aagaw ng chicks?" "Nako tol, ang dapat ay turuan 'yan ng leksyon," ani ng isa sa kanila. Tila ba nag-eehersisyo ang mga ito dahil fineflex na nila ang kanilang muscles. Hindi ako takot. Subukan lang nila. Nagsilapitan sila sa akin saka ako pinalibutan. "Sayang ka tol, hindi mo kinikilala ang binabangga mo," si Joey. Napadaing ako nag mabilis akong sinikmuraan ng isa sa kanila. Iyong mataba at puno ng tattoo ang kaliwang braso nito. Lumaban ako at mabilis na inundayan ng suntok sa mukha ang lalaking sumuntok sa akin. "Ohh, chill. Huwag niyong masyadong pahirapan, baka umiyak yan," ani Joey. "Gago! Hindi ako natatakot sa inyo!" may dalawang lalaking humawak sa dalawang kamay ko. Sa tingin ko ay nasa anim sila. Sinikmuraan na naman ako ng isa sa kanila kaya pakiramdam ko ay mas nabawasan ako ng lakas. Ginamit ko ang natitirang lakas ko sa pagsipa sa pagitan ng hita ng lalaking nasa harap ko at napadaing ito. Naghiganti ang mga kasama niya kaya ininda ko ang mga suntok na tumama sa aking mukha maging sa dibdib. Nanghihina na ako at pakiramdam ko ay putok na ang mukha ko. Ilang sandali pa ay may pumito at sa tingin ko ay iyong security guard iyon. Sinipa pa ako sa mukha bago mabilis na kumaripas ang grupo ni Joey at rinig ko pa ang sabay sabay na pag andar ng kani-kanilang motor. Namimilipit ako sa sahig at nilapitan ako ng security guard. Maya maya pa ay narinig ko ang sigaw ni Sanya na natatarantang lumapit sa kinaroroonan ko. "Jusko! Mon! Anong nangyari?" Inalalayan nila akong tumayo saka pinaupo sa malapit na kiosk. "A-ayos lang ako," mabuti na lang at dumating ako. Kung hindi ay baka kung ano pa ang nangyari sa kanya lalo na't malakas ang kutob ko na iyong Joey na iyon ang maghahatid sa kanya pauwi. "Kunin ko lang iyong first aid kit sa loob," paalam ng security guard. "Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Sanya. "Ewan ko, hindi ko alam. Mabuti nga at dumating ako eh, kung hindi ay ginawan ka na ng masama ng Joey na 'yon," ako. "Hah? Paano mo nalamang si Joey ang maghahatid sa akin pauwi?" "Pakiramdam ko lang. Kanina pa kasi ako hindi mapakali bago ako nagtungo rito," "Kung gano'n ay si Joey ang gumawa niyan sa'yo?" "Oo, kasama niya yata mga barkada niya," Nakita ko ang paglambot ng emosyon niya dahil sa ilaw nanggagaling sa poste na nasa tabi ng gate. "Pasensiya ka na Mon. Dahil sa akin… I'm sorry, Mon," naiiyak na siya ngunit hinawakan ko ang kanyang mukha. "Wala kang kasalanan, Sanya. Si Joey ang may kasalanan," "Hindi eh, ako. Kasi…" nabasag na ang kanyang boses. Talagang mababaw ang luha niya. Pinunasan ko ang basang pisngi niya. "Ang pangit mo kapag umiiyak ka," biro ko. "Sira," Ilang sandali pa ay nakabawi na ako ng lakas. Hindi naman ako nalumpo kaya sa bahay ko na lang ipapalinis ang sugat ko sa mukha. "Tara na baby loves," "Hah? Teka nga. Hintayin natin si kuya guard nang malinisan 'yang sugat mo sa mukha," "Kaya ko naman eh. Tsaka pogi pa rin naman ako 'di ba?" "Napuruhan ka na nga't lahat-lahat, may gana ka pang bumanat. Magpahatid na lang tayo kay kuya guard. Kahit bukas ko na ipakuha kay papa 'yang motor niya," "Kaya ko naman. Umuwi na tayo," kako saka tumayo at nilapitan ang motor. Masakit ang katawan ko ngunit sa tingin ko ay kaya ko pa naman. End of chapter 18.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD