Chapter Seventeen
SANYA
AKO na lamang ang naghugas ng mga kubyertos dahil wala ako sa mood na mag-serve ng pagkain.
Ayaw kong makita ang mukha ni Mon lalung-lalo na ang mga babae niya.
Habang naghuhugas ako ay lalong lumalalim ang iniisip ko.
Nagulat ako nang may kumalabit sa akin.
"Anong ginagawa mo rito? Ano 'yan? Bakit 'yan?" sunod sunod na tanong ko habang nakatingin sa hawak niyang isang tangkay ng rosas.
"Wala lang, na-miss kasi kita, Angel," ngumiti pa siya.
Naiinis ako sa tuwing tinatawag niya ako ng Angel ngunit nasanay na rin ako.
Buti pa itong si Joey, kahit chick boy ay marunong manuyo. Samantalang iyong nasa labas ay marunong lang magpasakay. Pati tuloy ako ay nauto niya.
Pinunasan ko ang basang kamay ko saka tinanggap ang rosas.
Hindi naman masamang sakyan ko ang kahibangan ng lalaking ito minsan.
"Salamat, Joey," sagot ko.
"Basta ikaw, Angel," kumindat pa.
Lalo tuloy lumitaw ang pagiging chickboy niya. Mukhang expert pa.
"Kumain ka na ba, Angel?"
"Ahmm, oo. Ikaw ba?" ngayon ko lang talaga siya inentertain.
Nagkamot siya ng batok, "Hindi pa nga eh."
"Ano pang ginagawa mo? Kumain ka na,"
"Sige, basta samahan mo ako,"
Tatanggi na sana ako ngunit naalala ko ang ginawa ni Mon kanina kaya pumayag na lang ako.
Tingnan lang natin kung hindi umusok ang ilong niya mamaya.
Ngumiti ako kay Joey, "Sige ba. Tara na doon."
Mabait naman pala itong si Joey. Mukha lang siyang membro ng gang dahil sa hairstyle niya at may piercing pa.
Pagkalabas namin mula sa kusina ay naagaw namin ang atensiyon ng ibang customer. Marahil ay dahil kasama ko ang isa sa kilalang chickboy sa school at ang nakaka intriga ay hawak ko pa ngayon ang rosas na bigay niya.
Kailan kaya matututong hindi mang usisa ang ibang tao sa buhay ng iba.
Nakakainis lang.
Bumaling ako kay Aling Lucing na ngayon ay nakatingin pala sa amin. Iyong tingin na parang inaaral pa ang galaw ng kasama ko.
Parang nanay ko na talaga siya. Ngayon ay sinusuri ang kasama kong lalaki.
Napansin ko rin ang masamang tingin ni Mon sa amin.
Titig na titig ito lalo na sa hawak kong bulaklak.
Umupo na si Joey at tinanong ko kung anong gusto niyang pagkain. Ako na lang ang mag se-serve dahil trabaho ko naman iyon.
"Tsk, babae dapat ang pinagsisilbihan," parinig ni Mon.
Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Joey. Abala kasi ito sa kanyang cellphone dahil may tumawag sa kanya.
Habang hinihintay ko siya ay narinig kong tinawag ni Mon ang pangalan ko.
Ako na naman ang pagbabalingan niya ng kanyang atensiyon dahil nakaalis na yata ang dalawang babaeng kasama niya kanina.
Manigas ka ngayon, Ramon.
"Sanya, tinatawag kita," mariing wika niya kaya bumaling ako sa kanya.
"Ano bang problema mo?" inis kong wika.
"Bakit kasama mo siya?"
"Sinamahan ko lang siya dahil customer siya,"
"Customer? May customer bang nagbibigay pa ng bulaklak?"
"Edi manliligaw na customer. Ayan, happy?" ngumiti ako habang ang mukha niya'y hindi maipinta.
Iniwan ko si Mon at gusto kong palakpakan ang sarili dahil nakita kong apektado siya.
Buti nga sa kanya.
Hindi ko na napansin na kusa na palang umorder si Joey at dala-dala na rin niya ang tray ng pagkain.
Napakaraming pagkain iyon. Jusko, matakaw pala ang isang ito.
Nilapag niya ang mga pagkain saka umupo.
"Sabayan mo na ako Angel," siya.
"Naku, busog pa ako, Joey,"
"Sige na, kahit konti lang,"
Natawa ako sa kakulitan niya.
"Busog nga ako,"
"Bukod sa binubusog ng pagmamahal ang babae, dapat ay mas binubusog pa ang kanyang tiyan," ngumisi siya.
Akmang sasabayan ko na siya nang magsalita si Mon.
"Binusog ko na 'yan, tol," aniya saka hinila ang kamay ko patungo sa kusina.
"Gago ka ah," rinig ko pang bulalas ni Joey kay Mon ngunit mabilis ang galaw ni Mon kaya hindi na niya kami naabutan pa.
Nahihiya na ako sa pinaggagawa niya. Masuwerteng iilan na lang ang customer at abala pa ang mga ito.
Binitiwan niya ang kamay ko matapos niya akong hilahin patungo sa banyo.
Hindi ako makapalag dahil likas na malakas siya at animo'y gawa sa bakal ang kanyang katawan.
Napasinghap ako nang mabilis niyang sakupin ang aking labi.
"Pucha, nagseselos ako."
MON
HINDI ko na napigilan pa ang nararamdaman kong pagseselos mula sa pagmamasid sa kanila ng lalaking mukhang bangus na adik.
Kaya ang ginawa ko ay hinila ko si Sanya at ipinasok ito sa banyo.
Dito ay masosolo ko siya at alam kong hindi na siya makakapalag pa.
Abot-abot ang kurot at suntok niya sa braso ko ngunit hindi ako nagpatinag.
"Ano ba, Ramon! Nakakahiya!"
Nang maipasok ko siya sa loob ng banyo ay mabilis kong sinibasib ang kanyang labi.
Pinutol ko ang halik saka bumulong, "Pucha, nagseselos ako."
Hindi siya gumalaw o nag-react.
Naalala ko na naman ang narinig kong banat ng lalaking iyon sa kanya.
"Iyong banat niya sa'yo na dapat daw ay busugin ka sa pagmamahal at pagkain. Tsk, masyadong bulok. Panis 'yon kapag binusog kita ng siyam na buwan," tinitigan ko siya ngunit pilit niyang iniiwas ang kanyang mukha sa akin.
Lalo akong lumapit sa kanya hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa malamig na pader ng banyo. Wala na siyang lusot sa akin.
Pinaglakbay ko sa suot niya ang aking paningin at uminit ang ulo ko nang mapansing maiksi pala ang kanyang unipormeng palda.
"Itong palda mo, sobrang iksi. May inaakit ka bang iba? Ako lang dapat ang makakitang nagsusuot ka ng ganyan kaiksi," dagdag ko.
Ang inis ko ay naglaho nang mapansing nawala ang tapang niya dahil lang sa paghalik ko sa kanya kanina.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla akong nagka ganito. Noon naman ay kayang kaya ko pang tiisin ang inis ko sa mga lalaking umaaligid sa kanya.
Napangisi ako dahil labi ko lang pala ang magpapatikom sa bibig niya, maging ang pagsusungit niya sa akin.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang tenga.
"Nasaan ang tapang mo?"
"Ahh, Mon…"
"Ummmm? Ano iyon?" tanong ko ngunit hindi ako nakanggap ng kasunod na salita.
"L-lumayo ka nga," aniya ngunit tila ba hirap pa siyang banggitin iyon.
Ganito pala ang epekto ko sa kanya. Taliwas sa kanyang sinasabi ang ninanais ng kanyang katawan.
Muling namuo ang init na aking nadarama nang maramdaman ko rin ang init ng kanyang katawan at hininga.
Hindi ko na napigilan ang sariling paglabayin sa kanyang leeg ang aking labi at narinig ko ang kanyang pag ungol.
"Pigilan mo ako kung gusto mo. Hangga't wala akong naririnig na protesta mula sa'yo ay hindi ko alam kung kaya ko pang kontrolin ang sarili,"
Nakapikit lamang siya at animo'y hindi narinig ang aking bulong.
"Mon…"
Napakasarap palang pakinggan ang pangalan ko lalo na't galing ito sa mga labi niya.
"Sanya, napakaganda mong tingnan lalo na kapag nakapikit ka at tila ba nawawala sa wisyo dahil sa aking mga halik..." mahinang bulong ko.
Nasa aking dibdib na rin ang kanyang mga kamay at naglalakbay na rin ito pababa at pumipisil-pisil.
Akmang ipapasok ko na sa loob ng kanyang t-shirt ang aking kaliwang kamay habang ang kanang kamay ko ay nakaalalay sa kanyang batok nang biglang nakarinig kami ng sunod-sunod na kalabog sa pinto.
Animo'y natataranta ang nasa labas.
"May tao ba riyan? Jusko! May sunog! Kailangan namin ng tubig!"
"Bad trip naman oh. Istorbo," inis na saad ko.
Malapit na eh. Tsk.
Maya-maya pa ay tila ba natauhan si Sanya na ngayon ay gulat sa nangyari.
Nataranta ito lalo na nang marinig niyang may sunog sa labas.
Bagama't mahahalatang nahihiya siya sa akin, nag-aalala niya akong binalingan at tila ba humihingi ng tulong dahil ilang sandali na lang ay makikita nila kaming magkasama sa loob ng banyo.
"Tsk, ituloy natin. Sayang," tukoy ko sa init na naputol sa aming pagitan.
Nilapitan ko siya at doon na niya ako sinigawan.
"Punyeta ka! May sunog na nga eh! Ayaw ko pang matusta dahil sa kaharutan mo!"
Natawa ako saka mabilis na binuhat ang isang timba ng tubig habang siya naman ay mabilis na lumabas.
Natigilan kami nang makita namin ang mga kaibigan kong hawak-hawak na ang kanilang tiyan habang humahagalpak sa tawa.
Pasimuno si Boy at Andong. Kasama rin nila sila Andrei at Bree.
Nilibot ko ang paningin ko at natuklasang walang nagliliyab sa paligid. Wala rin doon ang kasama nina Sanya na taga hugas ng mga kubyertos.
"Sabi ko na nga ba eh!" ani Boy at humagalpak muli.
Napuno ng kantyawan ang kusina habang si Sanya ay tila ba maiiyak na dahil sa hiya.
Kinuha ko ang isang timbang tubig na nilabas ko kanina saka sinabuyan ang mga kaibigan ko.
"Pucha! Tol naman! Bad trip naman oh," sila.
"Mga gago! Itigil niyo na 'yang trip niyo," seryosong wika ko at natigilan naman sila.
"Pasensiya na tol. Ngayon ka lang kasi namin nakitang nagka ganyan. Iyong nagkagusto sa babae kaya nahihiwagaan kami,"
"Huwag kayo sa akin humingi ng pasensiya. Sa kanya niyo iyon sabihin," hinila ko si Sanya na lumuluha na pala.
"Sanya, pasensiya na kung nabastusan ka sa ginawa namin. Gano'n talaga kaming magkakaibigan eh. Pasensiya na. Hindi na mauulit," si Andrei.
"Hindi kasi ako sanay eh. Pasensiya na rin kayo. Sadyang mababaw lang itong luha ko. Pero okay na iyon," si Sanya.
"Sige tol, mauuna na kami. Magpapalit lang kami ng damit dahil sinabuyan mo kami eh," nagtatampong ani Bree.
"Malamang, kahit sino ay gagawin iyon dahil hindi naman magandang biro iyon tol. Pasensiya na rin kayo," ako.
"Teka, bakit narito kayo?" dagdag ko pa.
"Napadaan lang kami tol dahil sinamahan ko itong si Bree," si Anjo.
Mabuti na lang at nagkaayos din kami. Alam kasi nila kung paano ako magalit.
Nagsialisan na sila at maya-maya pa ay nagtatakang nilapitan kami ni Aling Lucing.
"Bakit basa rito? Ayos lang ba kayo?"
"Ayos lang po. Nabuhos ko lang iyong tubig kanina," ako na ang sumagot dahil tahimik lang si Sanya.
Kinuha niya ang walis tingting saka winalis ang basang sahig.
"Pasensiya na po Aling Lucing, lilinisin na lang namin ito,"
"O siya, doon muna ako sa harapan," paalam niya at lumabas na.
Habang pinupunasan ko ng basahan ang sahig ay pinapakiramdaman ko si Sanya.
Nang matapos kami sa ginagawa ay muli siyang pumasok sa banyo.
Narinig kong binuksan niya ang gripo kaya hinintay ko na lang siya sa labas.
Marahil ay masama ang loob niya sa akin at marahil ay nasobrahan ko yata ang ginawa ko kanina.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya habang mugto ang kanyang mga mata.
Nakaramdam ako ng awa at pagsisisi.
"Sorry," ako.
Natigilan siya sa pagpupunas ng kanyang mukha saka ako hinarap.
"Namimihasa ka na," siya.
Namimihasa? Dahil siguro iyon sa paghalik ko sa kanya.
Pangatlong beses lang naman iyong kanina. Pucha. Namimihasa na kaagad?
Hindi na lang ako nagsalita.
"Magnanakaw ka pa," siya.
"Anong ninakaw ko?" tanong ko.
Mabilis niyang iniwas ang kanyang paningin mula sa akin kaya nilapitan ko siya.
"Wala akong maalalang may ninakaw ako sa'yo, Sanya," malumanay kong wika.
"Eh, punyeta ka pala eh! Ninakaw mo ang unang halik ko sa labi maging sa tenga at leeg. Wala na, ninakaw mo na ang virginity ko," naiiyak niyang wika.
End of chapter 17.