Chapter Sixteen

1863 Words
Chapter Sixteen SANYA NAIIYAK na ako dahil wala pa si Cindy na savior ko sana. Maya-maya pa ay humagalpak sa tawa si Prof. Perez kaya natigilan ako. Tila nag iba ang kanyang boses. "Eeww, excuse me hah? Mukha lang akong manyak ngunit pareho tayo ng gusto girl," Hindi ako makapaniwala sa narinig. "Ibig sabihin ay-" "Yes, Sanya. Kaya itikom mo 'yang bibig mo dahil baka may makarinig sa'yo," Grabe, kanina lang ay mukha siyang manyak na leon ngunit ngayon ay mukha na siyang maamo at binabaeng dragon. "Ano na? Tutunganga ka na lang ba diyan Sanya? Haler, kahit sa panaginip ay hindi ko maisip na molestiyahin ka. Except na lang kung fafa ka. Hmmp," "Sir, ano, uhmmm, bakit mo ako pinatawag?" "Naiinis ako sa tuwing tinatawag akong sir, pero sige," siya. Maarte niyang pinag ekis ang braso niya sa kanyang dibdib saka muling nagsalita. "Gusto lang kitang tanungin," "Ano 'yon sir?" inirapan niya ako. Hindi ko talaga maproseso sa isipan ko na pusong babae pala siya. Gayong istrikto siya sa klase namin at buong-buo pa ang kanyang boses. "Kaano-ano mo si Hilda Perez?" tanong niya. "Hilda po ang pangalan ng mama ko pero Tacalan na po ang surname niya ngayon. Noong dalaga siya ay Perez. Bakit po?" Ngumiti ito, "Kaya naman pala maganda ka dahil nasa lahi natin iyon." "Po?" litong tanong ko. Does it mean… "Pinsan ko siya. Ibig sabihin ay tito s***h tita mo ako," "Po? Wala naman pong sinasabi si mama na may kamag-anak siyang nagtuturo dito sa MU," "Bakit parang ayaw mo akong maging kamag-anak?" biro niya. "Kung gano'n ay bumisita po kayo sa bahay," ako. Nahihiya pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. After the shock and fear I felt kanina, wala lang pala iyon dahil bukod sa natuklasan kong gay si Prof Perez, pinsan din pala siya ni mama. Sabagay, hindi naman kasi kami madalas bumisita sa probinsya nila mama kaya hindi ko na rin kilala pa ang iba naming kamag-anak. "O siya, you may go. Bibisita na lang ako sa Linggo sa bahay niyo," ngumiti siya. "Sige po," ngumiti rin ako. "By the way, anong pangalan nung gwapong kundoktor ng north star na bus. Iyong madalas maghatid ng pasaherong studyante," Aba, pati ba naman itong tito s***h tita ko ay interesado rin kay Mon. Argghh. "Hindi ko po siya kilala eh," sagot ko na lang. Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ako sa faculty room. Nag-aalala akong tiningnan ni Cindy. "Okay ka lang beshy? May ginawa ba siya sa'yo? Sorry beshy, halos kare-receive ko lang sa text mo," hinawakan pa niya ang kamay ko. Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Ngunit parang mas gusto kong dagdagan ang pag-aalala niya. "Beshy…" kunwari ay stressed ako. "Beshy? Okay ka lang? Sabihin mo sa akin kung may masama siyang ginawa sa'yo!" Mukhang maiiyak na siya. Nakaka touch. She's really my bestfriend. "Kasalanan ko ito eh. Kung sana ay mas maaga kong na-receive ang message mo ay natulungan pa sana kita," malungkot na wika niya. Maya-maya pa ay natawa ako nang tuluyan siyang umiyak. "It's a prank! Wala siyang ginawa sa akin beshy. Actually, may nadiskubre ako," sabi ko sa kanya. "Totoo? Hindi ka niya minolestiya?" "Oo nga! Halika na sa canteen, ikukwento ko sa iyo 'yong nangyari kanina," wika ko saka siya hinila. Kinuwento ko nga sa kanya ang nangyari maging ang natuklasan ko kay sir Perez. "Malapit na pala tayong mag OJT beshy," si Cindy. "Oo nga beshy eh. Need ko pa mag ipon," ako. Alam niya kasing nahihiya akong humingi ng pera sa mga magulang ko at ayaw na ayaw ko ring binibigyan niya ako ng pera. Mangutang ay pwede pa. Ayaw kong i-take advantage ang pagiging magkaibigan namin kahit mayaman siya. Natapos na rin ang isang subject namin at kagaya ng dati ay nagtungo na kami sa karinderya ni Aling Lucing. Kakaunti pa lang ang customer kaya nagtungo na ako sa kinaroroonan ni Aling Lucing at nagmano maging si Cindy. "Kumain na kayo mga hija," siya. Napakabait niya talaga. "Sige po. Sabay-sabay na po kaya tayo?" "Ayos lang hija. Mamaya na ako, halos katatapos namin magmeryenda eh," siya. Ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang malakas na ugong ng bus. Ibig sabihin ay nakabalik na naman sina Mon at Boy. Mabilis akong naglagay ng kanin sa pinggan namin ni Cindy at kumuha na rin ako ng pinakbet at adobong manok. Bibilisan ko na lang kumain, baka kasi maabutan pa ako ni Mon at hindi na naman ako maka concentrate. Ngunit ang nakakainis ay nakita ko na naman ang dalawang babaeng kinaiinisan ko. Si Andy at Sweetie ngunit kasama nila ang kanya-kanya nilang mga kaibigan. Pinagdarasal ko na sana ay hindi dito mananghalian si Mon. Sana ay sa kabilang karinderya na lang. Ngunit paparating na sila ni Boy at kagaya ng dati ay nagpupunas na naman siya ng pawis sa kanyang katawan. Pwede bang ipagbawal na lang iyon? Masyadong agaw pansin ito sa mga kababaihan at ilang mga binabae. Umirap ako at umupo na lang sa harap ni Cindy. Kanina ay gutom na gutom ako ngunit ngayon ay nawalan na ako ng gana dahil sa ideyang magla lunch si Mon dito habang maraming babae ang umaaligid sa kanya. Masakit sa mata. Nakatatlong subo pa lang yata ako nang hilahin ng isang lalaki ang upuan sa tabi ko at walang sabi-sabing umupo ito. Mula sa gilid ng mata ko ay pansin kong maugat ang kanyang kamay at mahaba ang kanyang daliri. Mukhang matigas pa ang mga braso nito. Ang nakaagaw pansin sa akin ay ang pamilyar niyang amoy. Natural scent mixed with ordinary soap. Masarap amuyin. Si Mon ito. Pagbaling ko ay hindi nga ako nagkamali. Nakanguso pa ang damuho habang nakatingin sa akin na ngumunguya. Samantalang si Cindy ay mukhang kinikilig pa. "Umm, kuha lang ako ng tubig," nakangiting saad niya saka tumayo ngunit sinama niya ang kanyang plato gayong hindi pa siya tapos kumain. Aba aba, binebenta na yata ako ng bestfriend ko. Hmmp! Binalik ko sa pagkain ang atensyon ko saka sumubo. Ngunit ngayon ay conscious na ako sa sarili ko kung ano ang itsura ko kumain. Nakakainis naman kasi itong si Mon. Kung makatingin ay nakakatunaw. "Pst, payatot," siya. Hindi ako sumagot. Bahala siya diyan. "Pst, baby loves," "Kupal," "Sungit mo," "Eh nakakainis ka naman," "Hintayin mo 'ko kumain. Sabay tayo," "Nariyan sa kabilang mesa ang Sweetie mong maalat. Siya ang yayain mo," Tumawa siya, "Selosa." "Hindi ako selosa. Sadyang maharot ka lang talaga," "Okay, sabi mo eh," Inirapan ko siya saka muling ngumuya. Tumayo siya at kumuha ng pagkain sa harap. Nang pabalik na siya ay akmang tatayo na ako ngunit pinigilan niya ako. "Teka baby loves, hintayin mo ako," aniya saka nilagyan ng kain at pritong isda ang plato ko. Kinunot ko ang noo ko. "Ano yan? Busog na ako," "Kumain ka pa. Kaunti na lang ay mukhang malnourished ka na," "Ayoko. Busog na ako," "Masamang tanggihan ang grasya, Sanya," seryosong aniya. Bipolar. Kanina lang ay tatawa tawa, ngayon ay seryoso na. Umupo na lang ako at kinain ang binigay niya. Pansin ko rin ang multong ngiti sa kanyang labi. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ng isang babaeng tinawag si Mon. "Mon! Narito ka na pala," si Sweetie na naman. Tiningnan niya ako nang masama ngunit hindi ko na siya pinatulan. "Ahh, oo eh. May usapan kasi kami nitong si Sanya," aba, nirason pa ako. "Hindi ba't umoo ka kanina na sabay tayong mag-lunch? Sayang, hinihintay pa naman kita at hindi ko na napansing narito ka na pala," siya. "Kung gano'n ay sumabay ka na sa amin," umiral na naman ang pagka friendly niya at hindi ko iyon nagustuhan. Ngumiti si Sweetie at excited pang kinuha ang mga inorder niyang pagkain. Habang hindi pa nakakalapit si Sweetie ay inapakan ko ang paa ni Mon sa ilalim ng mesa. "Hi Mon!" singit na naman ni Andy na hindi ko napansin ang paglapit niya. "Oh, Andy, kain tayo," si Mon. Madami siyang sinusubong pagkain. Ang takaw niya. "Actually, hindi pa ako nag-lunch eh," si Andy. "Kumain ka na," wow hah, feeling concern itong Ramon na ito. Obvious namang gusto siyang makasabay ng dalawang higad. Nakakainis. Nakabalik na si Sweetie at nagtatakang bumaling kay Andy na nakaupo na rin sa mesa namin. Hindi ko na yata kaya ito. Isa rin lang ba ako ako sa mga tinuturing ni Mon na kaibigan s***h kalandian? Bwisit naman oh, mga lintik na babaeng ito. Hindi man lang nahiya. Kaya naman ako na ang tumayo at nag excuse. "Teka, baby loves, ubusin mo yan," si Mon. Chick boy! Baby loves mo mukha mo! Bwisit ka! Ngumiti ako, "Masyadong nakakahiya kung sasamahan ko pa kayong kumain. Mukha nga akong gate crasher eh." "Sanya, teka-" "Sa simpleng pagkain, sana nirespeto mo ako," saad ko saka nagtungo na sa kusina. Ang sama ng loob ko sa kanya. Nanggulo pa. Nabastusan ako sa ginawa niya. Ayaw na ayaw ko ng gano'n. Ako pa ang nahihiya para sa dalawang babaeng halos itapon na ang sarili kay Mon. Naroon na pala si Cindy sa likod ng karinderya kung saan may kubo doon na pwedeng pagtambayan o pagpahingaan. Busangot ang mukha kong nagtungo sa kubo. "Why o why beshy? Hindi ka ba happy na nakasabay mo mag lunch ang crush mo na crush ka rin?" siya. "Gaga, hindi ko siya crush. Nakakainis nga siya eh. Biruin mo, niyaya niya sa mesa namin iyong dalawang bangus na iyon," "Hah? Akala ko ba ay kayo lang?" "Akala mo lang iyon. Walang hiya talaga 'yang Ramon na 'yan. Akala ko ay espesyal ako pero gano'n din pala ang treatment niya sa iba," mangiyak-ngiyak na sumbong ko kay Cindy. "Hallaaa, sorry beshy kung iniwan kita doon. Ang bad naman pala ng Ramon na 'yan eh," "Nakakainis, matapos tapos niya akong halikan kahapon ay parang wala lang sa kanya iyon," hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Sobrang babaw ng luha ko. Kahit sobrang liit na bagay na ikinasama ng loob ko ay maiiyak pa ako. "H-hah? Hinalikan ka na niya?" hindi makapaniwalang wika niya. Tumango na lang ako dahil nadulas na ako. "Jusko beshy! Hindi na virgin 'yang lips mo! Bakit ka bumigay kaagad? Nanliligaw ba iyon sa'yo?" "Eh kasi naman eh… ewan ko nga rin beshy eh," "Beshy, alam mo, ikaw lang makakasagot niyan. Bakit ka umiiyak? Bakit apektado ka sa mga babaeng umaaligid sa kanya?" Hindi ako nagsalita. Alam ko sa sarili kong gusto ko si Mon. Pero pakiramdam ko ay mas higit pa doon. Mahal ko na ba siya? Parang ang bilis naman. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito noon. Ngayon lang. Siguro ay nalilito lang ako dahil loveless ako ng ilang taon. Bumuntong hininga na lamang ako saka nagpaalam sa kaibigan ko. Ihugas ko na lang ng plato itong nararamdaman ko. Sino ba kasi ang nagsabing pagseselos ang tawag sa nararamdaman ng isang tao sa tuwing nakikita niyang may kasamang iba ang taong gusto niya? Oo, gusto ko si Mon. And I'm too afraid to admit that I already fell for him. End of chapter 16.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD