Chapter Fifteen

1872 Words
Chapter Fifteen SANYA "MAY problema ka ba sa amin? Kami ba ang pinaparinggan mo?" tinasaan ako ng kilay ng babaeng may tatlong piercing sa kabilang tenga. Syempre, hindi ako magpapatalo. Tinaasan ko rin sila ng kilay kong pantay. "Natamaan kayo? Excuse me, hah? Malalasahan niyo ang anghang kung kumain kayo ng sili," makuhuluhang wika ko. "Bobo, anong pinagsasasabi mong sili? Sira ulo ka ba?" ani ng pabidang babae. Natawa ako saka nagsalita, "Sige nga, kung 'di ka bobo, paki spell ang salitang epal." "Gosh, basic. E-P-A-L," siya. Nakatingin na sa amin ang ibang pasahero. Napansin ko si Mon na kunot-noong nakatingin sa amin. Bumaling ako sa babaeng nagsabing bobo raw ako. "Oops, mali. Simpleng salitang 'epal' ay hindi mo pa ma-spell nang tama. This is it, the spelling of epal is Y-O-U. Teka, hindi mo alam iyon girl? Okay lang iyan, marami ka pang kakainin na bigas. Love you!" bato ko sa babae na ngayon ay pulang-pula na ang mukha. Minsan ay hindi naman masamang pumatol sa mga isip bata. Mabuti nga iyon nang matauhan sila. Tumayo ang babae at akmang ibabato niya sa akin ang kanyang bag nang biglang humarang si Mon sa aming pagitan. Oh, knight in shining armor. SuperMon. In fairness, mabilis siya. "Teka, teka, huwag kayong mag away away," si Mon. Magpapasalamat na sana ako sa kanya ngunit naalala kong siya pala ang dahilan kung bakit na-bad trip ako sa dalawang babaeng ito. "Eh 'yan kasi kuya eh, inaaway kami," sumbong nila kay Mon. Mangiyak-ngiyak pa ang mga ito. Animo'y mga anghel na binagsak ng langit sa lupa dahil hindi sila tanggap doon. "Huwag na kayong umiyak. Sayang ang ganda niyo kung luluha lang kayo diyan," pang-uuto ni Mon sa kanila. Napairap ako sa hangin. "Ang maniwala ay uto uto," ako. Hindi naman ako ganito noon. I used to ignore others. Pero ngayon lang ako nag-react sa paligid. So yeah, people change. Ngunit tila ba na-uto ngang talaga ni Mon ang dalawa. May picture taking pang naganap sa kanila kaya lalong kumulo ang dugo ko. Nakakairitang tingnan. Mga bwisit sila. Maya-maya pa ay ako naman ang nilapitan ni Mon. "Pst, payatot, okay ka lang?" siya. "Ewan ko sa'yong damuho ka," matalim ko siyang tiningnan saka mabilis na nilagay muli sa magkabilang tenga ko ang earphones ngunit hindi ako nag play ng kanta. "Payatot, sorry na kung may nagawa ako," Hindi ako nagsalita at nagkunwaring hindi siya narinig. Kinalabit niya ako. "Pst, ganda, selos ka?" saad niya kaya bigla akong nag react. "Kupal. Walang rason para magselos ako," Ngumiti siya. "Yie, kunwari hindi ako naririnig," "Mahina lang kasi itong tugtog ko," depensa ko. "Sorry na nga, baby loves," mahina lang iyon ngunit malinaw ang pagkakasabi niya. Grabe, pati ba naman dito ay kukulitin niya ako. Akala niya siguro ay hindi ko narinig at nakita kung paano niya inuto ang ibang babae na pasahero niya. Nakakaasar siya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang umupo sa tabi ko habang umaandar ang bus. Ano ba namang kundoktor ito, ang dapat ay nakasabit siya para tumingin ng pasahero, hindi iyong binabantayan ako. Muli siyang nagsalita, "Ako nga dapat ang mainis eh. Ako dapat ang suyuin mo, Sanya." Nagtaka ako. Bakit naman kaya? Feeling close na talaga siya. Feeling jowa pa gayong marami naman siyang chicks. Kainis talaga. "Bakit naman sana kita susuyuin? Jowa ba kita?" ako. "Future jowa mo," siya. Inirapan ko siya. Ang galing niya talaga mang-uto. Hindi ko tuloy alam kung friendly pa ba ang tingin sa kanya ng iba o flirty na. Bumusina muli ang bus at napansin kong nasa Monteverde University na pala kami. Nangolekta na rin si Mon at napansin kong hindi niya kinuha ang pamasahe ng isang babaeng nakangiti ngayon sa kanya. Narinig kong napasalamat ito kay Mon. Busangot ang mukha kong inabot sa kanya ang pamasahe ko. "Ano yan?" siya. "Pera. Bakit? Malabo na ba ang mga mata mo? Ganyan ka na ba talaga katanda? Kaya mo pa bang magkundoktor eh mukhang uugod ugod ka na," pang aasar ko. Pambawi man lang sa pambibwisit niya sa akin. "Tsk, talak pa. Ang ibig kong sabihin ay bakit ka magpapamasahe? Sabi ko naman dati pa na basta ikaw, libre na," "Pwes, pang ilan ako sa mga babaeng sinabihan mo niyan? Pang ilan ako sa mga babaeng nilibre mo ng pamasahe sa bus?" tinaas ko ang isang kilay ko. Subukan mong mag-deny, masasapak kitang lalaki ka. "Baby loves naman. Ang aga aga, hina highblood ka na naman," siya. Magsasalita pa sana ako ngunit may babaeng asungot ang sumingit sa usapan namin. Nakahawak pa ito sa braso ni Mon. "Sabay ulit tayong mag-lunch mamayang tanghali, Mon hah?" "Sige ba Sweetie," sagot niya at ngumiti pa ito. Lumabas na rin ang babaeng nagngangalang Sweetie pero mukha namang maalat na bangus. Pwe. kainis. "Ano na baby loves? Kita na rin tayo sa karinderya ni Aling Lucing," kausap sa akin ni Mon na animo'y hindi ko narinig ang usapan nila ng Sweetie na iyon. Tiningnan ko siya nang masama. "Ewan ko sayo! Tanungin mo yung maalat mong Sweetie!" Humalakhak siya at laking gulat ko nang mabilis niyang hinalikan ang labi ko kaya natigilan ako. Mabilis siyang sumakay sa bus at huli na nang ma-realize ko ang ginawa niya. "Bwisit ka talaga, Ramon Malaya!" sigaw ko at siya naman ay kumakaway pa sa akin habang palayo na ang bus. "Sabay na tayong manghalian mamaya!" sigaw niya pa. "Iyong Sweetie mo ang kasabay mo! Gago!" ako. Sweetie raw, parang wala namang lasa. Nakalayo na siya at parang naririnig ko pa ang mga halakhak niya. Maya-maya pa ay narinig kong nagsalita ang babaeng nagngangalang Sweetie na banggit ni Mon kanina. "May problema ka ba sa akin, girl?" siya. Makapal ang kanyang kilay maging ang kolorete sa kanyang pisngi at labi. Kumpara kay Andy ay mas mukhang liberated ang babaeng ito. Oo nga pala, iyong Andy ang kasabay ni Mon nag-lunch last week. Hindi ko iyon makakalimutan dahil bwisit na bwisit ako sa lampungan nila noon. Isa rin itong BS Tourism student dahil pareho kami ng suot na uniporme. Lamang lang siya ng kaunti sa hinaharap ngunit mukha namang bangus. Dzuh. Naalala kong dalawang BS Tourism student ang umaaligid kay Mon. Jusko, anong labanan ang mayroon? Magpapatalo ba naman ako? Hell no! Itong Ramon talaga na ito, pinapasakit ang ulo ko. Bwisit na bwisit ako sa tuwing may umaaligid sa kanya samantalang siya ay parang chill lang at hindi pa aware na hinaharot na pala siya. Tumikhim ako, "Sino ka ba? Ni hindi kita kilala." Kung noon ay hindi ako umiimik sa tuwing tinatarayan ako ng iba, pwes ngayon ay hindi na iyon pwede. Ayaw kong magmukhang loser at aping-api. "Ahh, okay miss. Oo nga pala, ako si Sweetie, girlfriend ni Ramon. Kaya kung pwede lang ay huwag kang pumatol sa kanya dahil sa susunod ay kakalbuhin na kita," aba't ang kapal ng mukha niya. Mukha pang bîtch. Nilahad niya pa ang kanyang kamay ngunit hindi ko iyon tinanggap. "Oh, I see. Sa susunod, kung ayaw mong bumaling sa akin ang boyfriend mo, itali mo siya sa katawan mo. Oo nga pala, kayo ba talaga? Bakit ako ang niyayang mag-lunch mamaya?" aba, natuto na ako. Hindi ako pinalaki para apihin. Tahimik ako noong una pero napuno na ang salop kaya kailangan na itong kalusin. At totoo naman kasi ang sinabi ko. Self proclaimed jowa lang itong ilusyonadang babaeng ito. Grabe, head over heals kay Mon. Ang sarap lang niyang tirisin with that Andy girl. Bago pa lumaki ang sagutan namin ay iniwan ko na siya at nagtungo sa first class ko. Mabuti na lang medyo maaga ako. Kailangan ko pa kasing i-scan ang notes ko dahil lutang ako kagabi. Dumating na rin si Cindy at kagaya ng dati ay umupo na ito sa tabi ko. Dumating na rin si Professor Perez. Ewan ko pero sa tuwing papasok na siya sa classroom namin at babaling siya sa akin ay tumatayo ang balahibo ko. Parang negative energy iyon pero hindi ko na lang pinapansin. "Bring out ¼ sheet of paper. Faster! Number 1…" Nagkagulo ang klase at nataranta dahil sa boses ni Prof Perez na nakakatakot. Mabilis kong sinulat ang pangalan ko at sinulat ang sagot sa number 2. Hindi ko na naintindihan ang tanong sa number 1 dahil sa bilis niyang magsalita. Hanggang sa matapos ang 20 items na quiz namin ay bagsak ang balikat kong tiningnan ang maraming blangko sa papel ko. Bukod sa may mga items na hindi ko na maalala mula sa ni-review ko, sobrang bilis niya magsalita kaya hindi ko na na-analize ang questions. Nataranta ako nang makitang naglakad siya sa isle. At sa kamalas-malasan ay tumigil siya sa tapat ko. Binaliktad ko ang papel ko dahil natatakot akong makarinig ng komento sa kanya. "Let me see your answer," mahinang wika niya ngunit alam kong nakikiramdam din ang mga kaklase ko. "S-sir?" kunwari ay hindi ko narinig. Nakakatakot talaga siya. Makapal ang kanyang balbas at ang boses niya ay malalim. Siya na ang kumuha sa papel ko at tiningnan iyon. "Hmm, I'll repeat the questions for you," aniya. Tila nabuhayan naman ang mga kaklase ko dahil sa narinig. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit kung ako ay halos walang naintindihan sa mga tanong, mas lalo na ang mga kaklase ko. Inulit niya ang mga tanong at ilang sandali pa ay pinasa na namin ang mga papel namin. PAGKATAPOS ng discussion sa kalse niya ay nagsilabasan na ang ilang mga kaklase ko habang hinihintay ko si Cindy na nag-aapply ng liptint. Napansin kong tumayo na rin si Prof Perez habang dala ang kanyang bag at bago man siya makalabas sa pinto ay nilingon niya ako. "Miss Tacalan, follow me," si Prof. Nauna na siyang lumabas. "Hala beshy, kinakabahan ako," sabi ko kay Cindy habang naglalakad kami palabas sa classroom. "Pwede naman akong sumama beshy. Chill ka lang. Baka may sasabihin lang si Prof," gumaan naman ang loob ko. Sinamahan niya nga ako sa faculty room. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Hindi na ako nagpasama kay Cindy sa loob dahil baka may ibang professor naman doon. Ngunit pagpasok ko ay iisa lang si Prof Perez ang naroon. "Take a seat," aniya. Tumalima naman ako saka hinila ang laylayan ng palda ko dahil pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako gamit ang kanyang mga mata. "Bakit niyo po ako pinatawag Prof?" ako. "Nothing, I just want to commend you. You did good in your quiz a while back. You got a perfect score," "P-po? T-thank you po kung gano'n sir," ako. I am really nervous. Maya-maya pa ay tumayo siya at naglakad palapit sa kinauupuan ko. Dali-dali kong tinext si Cindy. Nag-o-over think na ako. Kagaya ng mga napapanood ko ay mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. He is going to molest me. Jusko, I'm not gonna let him touch even just a single strand of my hair. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang balikat ko kaya napasigaw ako. "S-sir, p-please don't," Nanginginig ako... Kinakabahan... Can anyone save me? Mon, please... dumating ka. End of chapter 15.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD