Chapter Fourteen
SANYA
NAKAUWI na kami sa bahay nila. Ngayon ay namomroblema na ako dahil hindi ako pwedeng umuwi habang ganito ang itsura ko— Mukhang nakipagsabunutan at nilublob sa tubig.
Pagpasok namin sa bahay nila ay hinubad niya sa harapan ko ang kanyang shorts at sando.
"Walanghiya ka, doon ka nga sa banyo!"
"Tsk, nakita mo naman akong naka-brief lang kanina, kaya bakit ka pa mahihiya?"
Kahit pagalitan ko ang sarili ko, automatic pa ring bumama ang tingin ko patungo sa kanyang kulay puting brief.
Grabe, nakasaludo na naman.
"Tingin sa mata ko," sabi niya ngunit hindi ko inalis ang paningin ko doon dahil nahihiwagaan talaga ako.
Kung ganyan kalaki ang lulusob sa kweba, hindi lang mabubutasan ito. I'm sure, mawawasak na talaga.
"Ramon… mapapagalitan ako,"
"Magpatuyo ka muna ng damit,"
"Hindi pwede. Baka hinahanap na ako nila mama at papa. Baka kung ano na naman ang isipin nila,"
"Tsk, magpatuyo ka muna ng damit," aniya saka ako hinila papasok sa kanyang kwarto.
"Hoyyy! Ramon hah! Ano ba. Bitiw nga!"
Hindi ko na nabawi pa ang kamay ko dahil kung makahila siya ay akala mo isang akong batang kayang-kaya niyang ibalibag once na kinontra ko siya.
Hinarap niya ako gamit ang kanyang seryosong mukha.
"Hubad," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ni-lock niya ang pinto ng kanyang kwarto.
"A-ano? Mon, di ba f-friends naman tayo… uhhmm, hindi naman kailangang umabot pa t-tayo sa ganito, 'di ba?" kinakabahan talaga ako.
"Tsk, utak mo marumi. Wala pa sa isip ko ang galawin ka," wala pa? So may balak siya? Jusko, aatakihin yata ako sa puso.
"Eh bakit mo sinasabing maghubad ako? Sira ka ba?"
"Gusto ko lang naman sabihing maghubad ka dahil pahihiramin kita ng damit ko,"
"Hah? Huwag na! Baka mas mahalata ni mama at pagalitan pa ako,"
"Ano lang? Wala naman tayong ginawang masama. Ikaw, baka gusto mong bigyan natin ng hustisya ang iisipin nila,"
"Tigil-tigilan mo ako Mon-mon,"
Nilapitan niya ako, "Dali na, hubad na."
"Huwag mo akong lapitan," banta ko.
"Hindi naman ah, kukuha lang ako ng damit sa kabinet,"
Napaisip din ako. Siguro ay medyo patuyuin ko na muna itong damit bago ako umuwi.
Maya-maya pa ay inabot niya sa akin ang isang malaking t-shirt at boxers.
"Seryoso? Boxer?" hindi makapaniwalang saad ko. Kulay itim iyon at malaki ang bandang bulsa nito (iyong parte ng boxers na kung saan sinusuksok si junjun).
"Oo. Bakit? Ayaw mo? Nasa sa iyo na kung brief ko na lang ang hiramin mo,"
"Bwisit ka, ang halay mo. Yuckkkk,"
Humagalpak ito sa tawa.
"Gustong gusto mo naman," pang-aasar niya sa akin.
Inirapan ko siya saka nagtago sa madilim na parte ng kwarto niya, sa gilid ng kabinet, saka sinuot ang t-shirt.
Mahaba naman ang damit kaya okay lang kahit hindi na muna ako mag-short pero hindi naman pwede iyon. Mamaya niyan masilipan ako.
MAKALIPAS ang isang oras, wala pa rin si Aling Sabel. Kaya nagpahatid na lang ako kay Mon sa bahay.
Sinuot ko ang damit ko kahit medyo basa pa. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako gayong wala naman akong ginawang masama.
Pinarada ni Mon ang motor sa maliit naming garahe at sumunod sa akin sa balkonahe ng bahay.
Pagbukas ko sa pinto ay nadatnan ko sina mama at papa na nagme-meryenda.
Tila kagagaling lang nila sa garden at nagpahinga lang sila sandali.
Nagtatakang tiningnan ni mama ang suot kong damit at kung bakit iyon basa. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit parang basa ka, Sanya? May nangyari ba?" si mama. At hindi na nga ako nakalusot.
Nakarinig ako ng tikhim mula sa aking likuran. Siguro ay si Mon iyon.
"Magandang umaga po,"
"Magandang umaga rin hijo. Pumasok ka," si papa. Friends na talaga sila.
At ito namang si Mon, chill lang siya habang ako ay kinakabahan kung anong isasagot ko.
Baka malaman nilang pumunta kami sa talon.
Jusko, sana naman makaalis na ako sa harap nila.
"Magmeryenda muna kayo," ani mama.
Tila nakahinga ako nang maluwag dahil nakaiwas ako sa tanong niya kanina.
Umupo na rin si Mon at binigyan siya ng orange juice ni mama.
Akmang aalis na ako ngunit narinig kong nagsalita si mama gamit ang kanyang striktong tono.
"Hindi pa tayo tapos, Sanya. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo,"
Kinakabahan akong nagtungo sa kwarto ko. Ilang sandali akong napatitig sa repleksyon ko sa salamin.
"Gossh, Sanya Angel Tacalan, mukha kang basang sisisw!" sermon ko sa sarili.
Kaya naman pala gano'n na lang makatingin si mama. Akala niya siguro ay nakipaglampungan ako under the cold pouring rain.
Ayan, basa pa ng nobela. Tanghaling tapat eh.
Kinuha ko na lamang ang tuwalya ko saka nagtungo sa banyo para maligo.
Sarado iyon kaya kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang nagsalita kaya pumasok na ako.
Nagulat ako nang makitang naroon si Mon sa loob habang nakangisi itong nakatingin sa gulat kong ekspresyon.
Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napaaray siya.
"Letse ka, bakit ka narito? Lumabas ka nga! Baka makita ka nila mama at papa! Mamaya niyan ay kung ano ano na naman ang isipin nila," nanggigil na bulong ko.
"Heto na, lalabas na. Na-miss kasi kita kaagad," with matching lip bite pa ang mokong.
"Wala akong pake. Labas na,"
"Ayaw. Sabihin mo munang type mo rin ako,"
Kung sa ibang sitwasyon ay kikiligin ako ngunit sa ngayon ay mas sumasapaw ang kaba ko.
"Bwisit ka. Hindi kita type kaya labas na!"
Tinulak ko siya palabas ngunit narinig ko ang papalapit na yabag kaya napahinto ako.
Kung lalabas na siya ay baka makita siyang galing sa loob gayong narito rin ako sa loob.
Hinila ko siya saka ni-lock ang door knob.
Nakangisi siya saka ako kinindatan.
"Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko naman," lalong lumapit siya sa akin.
Inirapan ko siya, "Tumahimik ka nga!"
Maya-maya pa may kumatok. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Akmang magsasalita ako ngunit inunahan niya ako.
"May tao," sagot niya.
"Sige, bilisan mo diyan, hijo. Naiihi na kasi ako," si mama.
Dahil sa inis ko ay pwersahan kong tinadyakan ito sa paa.
"Ahhhh!"
Nataranta ako nang marinig ang boses ni mama mula sa labas. Ang akala ko ay nakaalis na siya,"Bakit 'yan? Anong nangyari?"
"Tinadyakan po a-" pinandilatan ko si Mon kaya naputol ang kanyang sasabihin.
Iyong tingin ko sa kanya ay nagbabantang tatanggalin ko ang kaligayahan niya sa oras na makita ni mama na nasa loob din ako ng banyo.
"Ahh ano tita, nauntog lang ako," bawi niya sa unang sinabi.
"Matagal ka pa ba diyan hijo? Puputok na kasi itong pantog ko," si mama.
Ngumisi si Mon sa akin. Iyong ngiting nagsasabing 'lagot ka Sanya'.
Nagsalita si Mon, "Pasensiya ka na tita, najejebs po kasi ako."
"Nako, sige sige. Doon na lang ako sa kabilang banyo," tila nagmamadaling ani mama kaya ngayon ay nakahinga ako nang maluwag.
"Swerte mo mabait ako. Kung hindi ay isusumbong kita sa mama mo na ginahasa mo ako," natatawang wika niya at bago ko pa man siya mahampas ng tabo ay tumakbo na ito palabas.
KINAGABIHAN ay nakapag review pa naman ako ngunit hindi na iyong tulad ng dati na nakaka-focus ako.
Ginugulo kasi ng damuhong iyon ang isipan ko. Akala ko ay makakaget over na ako sa pinagsaluhan naming halik kaninang umaga ngunit hindi pala iyon gano'n kadali.
Pakiramdam ko ay nakadampi pa rin ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko kaya iniiwasan kong tingnan ang sarili sa salamin.
Ayaw kong makita kung ano ang itsura ko habang iniisip ang bagay na iyon.
LUNES na naman kaya maaga akong nagising.
"Ate, may problema ka ba? Bakit ang laki ng eyebags mo?" tanong i Sally saka sumubo ng sinangag at tuyo.
"Kumain ka na lang," medyo wala ako sa mood dahil kulang ang tulog ko kagabi.
Napatingin si mama sa akin.
"Baka naman may pinagpupuyatan ka na ring iba, Sanya," sabad ni mama na kasabay naming kumakain ng almusal.
Nasa bukid na kasi si papa kaya hindi na namin siya naabutan.
"Wala po, ma. Halos madaling araw na ako nakatulog dahil nag-review pa ako at nagising pa ako bandang alas kwatro para pasadahan muli ang ni-review ko kagabi," saad ko.
"Siguraduhin mo lang Sanya. Para sa inyo rin lang ang lahat ng pangaral namin ng papa niyo. Sa panahon ngayon, mahirap mabuhay lalo na kung wala kang pinag-aralan," nakakatakot talaga si mama kapag ganito ang usapan.
Bumaling siya kay Sally na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanyang cellphone habang kumakain.
"Sally, ibaba mo iyan kung ayaw mong itapon ko," tukoy niya sa cellphone ni Sally.
Bakit naman kasi siya nagse- cellphone gayong alam naman niyang ayaw ni mama ang gano'n.
Ibinaba ng kapatid ko ang kanyang cellphone.
"Ayaw na ayaw kong may iba kayong ginagawa lalo na kung nakaharap tayo sa grasya. At anong ngini ngiti-ngiti mo kanina? Kagabi ka pa, Sally. Rinig ko pa sa kwarto namin ng papa niyo ang hagikhik mo," lagot na. Galit na si mama.
Walang umimik sa amin si Sally.
"Ikaw naman Sanya, pakiramdam ko ay may ginagawa ka na ring hindi ko gusto," heto na naman tayo.
Kapag pinagalitan ang isa, damay damay na. Haysssss.
"H-hah? W-wala po ma," ako.
Ang lakas ng radar ni mama.
"Bilisan niyong kumain, baka mahuli na kayo sa klase niyo," muling wika ni mama.
Pagkatapos ay naghanda na rin kami ni Sally at narinig na namin ang busina ng bus sa tapat ng bahay.
Pagkalabas ko sa pinto ay nauna na si Sally sa paglalakad habang ako ay pilit na tinatatak sa isipan ko na iwasan ang lalaking dahilan kung bakit ako napuyat kagabi.
Habang papalapit ako ay lalo akong kinakabahan. Nakadagdag pa ang ngiti ng damuhong iyon sa akin na papalapit na sa bus.
Inalalayan niya si Sally na umakyat.
"Salamat, Mon," wika ng kapatid ko. Aba, hindi na gumamit ng salitang kuya.
At nang ako na ang umakyat sa bus ay mabilis niyang nilahad ang kamay niya sa harap ko, hudyat iyon na alalayan niya ako sa pag akyat dahil mataas ang takong ng sapatos ko.
Ngunit, hindi ko iyon tinanggap saka iniwas ang paningin sa kanya.
"Excuse me. Dadaan lang ako,"
"Sungit mo, payatot ka naman," nang asar pa.
"Wala kang pake," inis na wika ko.
"Payatot,"
"Damuho,"
"Bubwit," ah, bubwit pala hah.
"Tanda," napansin kong nagsalubong ang kilay niya.
Mas mukha siyang mature kaysa sa akin dahil ang hubog ng katawan niya ay tamang-tama lang para sa babaeng naghahangad ng super hero na magliligtas sa kanya sa tuwing kailangan niya ito.
Tamang-tama, siya si SuperMON.
"Hindi ako matanda," mukhang napikon na.
Dumaan ako sa harap niya at nakangiti akong tinungo ang bakanteng upuan sa bandang dulo ng bus.
Marami na rin ang nakasakay. Mga freshmen at ilang mga ginang na babyahe yata sa kabilang bayan.
Umupo na ako saka nilagay sa aking tenga ang earphones ko at nag-play ng kanta.
Napansin ko rin ang busangot na mukha ni Mon at sa sandaling iyon ay muli na namang nagtagpo ang aming mga mata.
Sa dami ng pasahero ay mabilis niyang nahagilap ang kinaroroonan ko.
Binaling ko sa kanan ang aking paningin at sakto namang napansin ko ang dalawang magkatabing mga babae na kinikuhanan ng litrato si Mon na animo'y hindi aware.
Stolen shot iyon. Sandali akong nakaramdam ng inis.
"Shett, nakailang stolen shots na ako sa kanya pero wala pa ring pinagbago. Kahit saang anggulo ay ang pogi niya pa rin!" rinig kong bulong ng babae sa kanyang katabi, na nakasuot pa ng maiksing uniporme.
Sa tingin ko ay first year pa lang ang mga ito at taga IT department sila.
"Oo nga, girl. Ang hot niya. Kwela pa. Pero parang bad trip siya today. Need niya yatang aliwin ko siya," malanding bulong ng babae sa kanyang kausap.
Nagbulungan pa, rinig na rinig naman. Ang hahalay!
"Mga bwisit," hindi namamalayang litanya ko.
Napalingon sa direksyon ko ang dalawang babae.
Fight me, I'm mad. Damn, jealousy. Argh.
End of chapter 14.