Chapter Thirty SANYA HINATID ako ni Mon sa bahay kinabukasan. Nag usap sila ni papa habang ako naman dire-diretso lang sa kwarto dahil iniiwasan kong makita ako ni mama at baka magka altapresyon na naman siya kapag nakita niya ako. Iniwan ko si papa at Mon sa sala at ang sabi ni Sally ay nasa garden daw si mama. Mabuti na iyon kaysa magpaka stress na naman siya sa bagay na wala namang katotohanan. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nasa kwarto na ako at sinusuklay ang aking buhok nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. "Pasok, bukas yan," wika ko na lang dahil baka si Sally iyon. Ngunit, ang bumungad ay si mama. Binaba ko ang suklay saka siya tiningnan. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko ngunit pinigilan ko ang sarili. "Bakit po iyon, ma? May kailangan po ba kayo?

