Chapter Twenty Nine SANYA "NAY naman, kumatok po sana muna kayo," reklamo ni Mon dahil sa biglang pagpasok ng kanyang ina. "Pasensiya na, nak, kukunin ko lang naman sana itong walis tambo eh," nakangiting ani ng ginang. Nakakahiya nga. Nahuli niya kaming nagyayakapan ni Mon gayong parang kailan lang noong sinabi kong hindi ko gusto ang anak niya. Kinuha ng ginang ang walis tambo sa gilid ng pinto at bago siya lumabas ay nagsalita pa ito. "Kayo na pala?" tanong niya pa. "Nay naman, labas na nga," Natawang muli ang ginang, "Oh sige, mamaya na ako magtanong. Ituloy niyo lang iyan, wala akong nakit." Lumabas na ito. "Nakakahiya. Baka kung anong isipin ni nanay," bulalas ko nang makalabas na ang ginang. "Huwag kang mag alala, mahal. Kahit na bigyan na natin siya ng apo ay matutuwa p

