Chapter Twenty Eight MON LASING ako ngunit nahimasmasan ako nang makita ang awa sa mukha ng babaeng mahal ko. Nilalaro ko ang ilang hibla ng kanyang buhok habang marahan itong sinusuklay. Nagtatampo ako sa kanya ngunit ramdam kong may problema siya. Saka ko na lang siya tanungin tungkol doon kung okay na siya. Pumunta siya rito nang mugto ang kanyang mga mata kaya hahayaan ko na lang muna siyang magpahinga. Malalim na ang kanyang paghinga kaya maingat ko siyang binuhat at tinahak ang aking kwarto para makapag pahinga siya nang maayos. Dahan dahan ko siyang ibinaba. "Ummm," Hinawakan niya ang braso ko, animo'y takot na mawala ako sa kanyang tabi. "Shhh, andito lang ako, mahal…" bulong ko saka hinalikan ang kanyang noo. Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nanghihina sa kalasi

