------- **Lhea's POV*** - Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa balakang ko dahil sa pagkatumba, pero bago ko pa man subukang bumangon, may mainit na kamay na agad na humawak sa braso ko at maingat akong itinayo. "Are you okay?" tanong ni Lukas, halatang nag-aalala. Alam ko kung bakit ako nasasaktan. Hindi ito dahil sa pagkatumba ko kundi dahil sa isang tao—kay Elixir. Hindi niya man lang sinubukang saluhin ako. Wala man lang siyang pag-aalala sa akin. Para bang wala akong halaga sa kanya. Bago ko pa masagot si Lukas, isang malamig at puno ng inis na tinig ang sumingit. "Obviously, she's fine," matigas na sabi ni Elixir. "Hindi mo na siya kailangan tanungin pa ng ganyan." Napatingin si Lukas kay Elixir, kita sa mukha niya ang bahagyang pagkunot ng noo. "I was just making sure.

