bc

Secret Wife's Hidden Identity- (Montreal Property 2nd gen.)

book_age18+
7.2K
FOLLOW
101.3K
READ
billionaire
contract marriage
HE
arrogant
billionairess
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Warning: Contain Mature Scene!! Rated SPG!!

---------

""What we have is nothing more than a contract, Lhea. Yes, you are my wife, but this marriage must remain a secret. I will never allow you to use my last name, and I expect you to tell no one about this. As far as the world is concerned, this marriage does not exist—and I intend to keep it that way."

-------

Sypnosis:

-

Fixed Marriage. Ito ang namagitan kina Cathleya at Elixir—isang kasunduan sa pagitan ng kanilang mga lolo na matalik na magkaibigan. Si Cathleya ang itinatago at hindi ipinakikilala sa publiko bilang nag-iisang babae mula sa angkan ng Montreal at Saavedra—ang pinakamayaman at pinaka-maimpluwensyang pamilya sa bansa. Walang nakakakilala sa kanyang tunay na pagkatao, maliban na lamang sa mga malalapit niyang kamag-anak. Mas kilala siya ng nakararami bilang si Lhea Lopez—isang simple at ordinaryong babae.

-

Matagal nang may pagtingin si Cathleya kay Elixir, kaya masakit para sa kanya ang pagtanggi nito na siya’y pakasalan dahil may iba itong mahal at hinihintay na lamang ang pagbabalik. Gayunpaman, hindi kabilang sa plano ni Cathleya ang sumuko. Ang kanyang misyon bilang si Lhea Lopez, ang sekretarya ni Elixir Alonzo Dela Costa, ay ang paibigin ang kanyang boss. Ngunit laking gulat niya nang biglang mag-alok si Elixir ng kasal—isang kasunduang magtatapos lamang pagbalik ng babaeng tunay nitong mahal. Pikit-mata niya itong tinanggap. Ikinasal siya kay Elixir bilang si Lhea, hindi bilang si Cathleya, at nanatili siyang isang lihim na asawa. Ang plano niya ay paibigin ito sa kanilang pagsasama at saka aaminin ang kanyang tunay na pagkatao.

-

Umaasa si Lhea na mamahalin din siya ni Elixir kung gagampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang asawa at ipaparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Ngunit nagkamali siya—sapagkat sa pagbabalik ng babaeng tunay na mahal nito, isang kasulatan ng pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal ang inilapag ni Elixir sa kanyang harapan.

--------

All rights reserved @sweetnananenz

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
------------- Note: This is just a Prologue. May ilang chapter pa bago ang scene na ito. May chance pa na babaguhin ko ito pag makakita ako ng mas better pa nito. Sa ngayon, ito muna ang naisip kong Prologue ko. Thanks and Godbless. - PROLOGUE: - "She's back. Our contract is over. We need to end this marriage," ani Elixir, at pakiramdam ko’y nalunok ko ang mga salitang binitiwan niya. Napatingin ako sa kanya. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata—lamig lang ang naroon, mas malamig pa kaysa dati. Parang nagyelo ang buong katawan ko sa titig niyang tila walang bahid ng pagkalinga. "As we agreed," patuloy niya, "I will give you a large sum of money as compensation once the contract ends. Naipagawa ko na rin sa abogado ang mga papeles para sa divorce natin. Kailangan mo na lang pirmahan. Pagkatapos, umalis ka na sa kompanya ko. Gamitin mo ang perang ibibigay ko para makapagsimula ka muli." Bawat salitang lumalabas sa bibig niya, tila kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko. Ang hirap huminga. "Okay," iyon lang ang nasabi ko, pilit nilulunok ang nagbabadyang hikbi. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko, pero pinipigilan kong pumatak ang luha. "Very good." Tumango siya, malamig pa rin ang tinig. "Hindi ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Alam kong mapagkakatiwalaan kita. You’re very cooperative." Tumayo siya mula sa kama at nagsimulang magbihis. Tinitigan ko lang siya, pinipilit isiksik sa isipan ang bawat galaw niya—baka kasi ito na ang huling pagkakataon na masilayan ko siyang ganito. Nang matapos siyang magbihis at akmang lalabas na, hindi ko na napigilang magsalita. "Elixir..." mahina ang boses ko, halos pabulong. Napalingon siya, naghihintay. "Kahit minsan ba... sa tuwing magkaisa ang katawan nating dalawa, nakikita mo ba ako bilang si Lhea? Kahit katiting na pagmamahal, may naramdaman ka ba para sa akin?" Nagkasalubong ang mga mata namin. Pinipigilan ko ang luha pero unti-unti na itong bumigay. Sana kahit kaunti... sana kahit isang beses, nagkamali ang puso niya’t ako ang nakita. Pero alam ko na ang sagot—alam ko na simula’t sapul. "You already know the answer to your question, Lhea," malamig pero tapat ang sagot niya. "From the very beginning, I told you—my heart would never beat for another woman. Meron na akong minahal nang higit pa sa kahit sino. That hasn’t changed. Hindi magbabago ‘yon, kahit kailan." Ang mga salitang iyon... parang kutsilyong humiwa nang mas malalim pa kaysa kanina. Alam ko naman. Pero bakit ganito kasakit? Bakit tila tinatanggal ang puso ko sa pagkakapako sa dibdib ko? "Paano kung sabihin ko sa’yo na... minahal kita, Elixir?" Hindi ko alam kung bakit ko pa nasabi. Umaasa pa rin ba ako? Na baka... kahit papaano, magbago ang desisyon niya kung aaminin ko? Napahinto siya. Napatitig sa akin, bahagyang napaawang ang labi pero walang lumabas na salita. Parang huminto ang oras habang hinihintay ko ang kanyang sagot—bawat segundo, mabigat at masakit. "I'm sorry to hear that, Lhea," sa wakas, basag ang katahimikan. "Simula pa lang sinabi ko na sa’yo—huwag mo akong ibigin, masasaktan ka lang. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo." Pero paano ko pipigilan ang damdamin kung simula pa lang... minahal na kita? sabat naman ng isip ko sa kanyang sinabi. Nagpatuloy siya sa pagsasalita na mas lalong nagdulot ang sakit sa akin. "Aside from the fact na may nagmamay-ari na ng puso ko. Someone like you..." Huminga siya nang malalim. "...doesn’t belong in my world. With your status as nothing more than a mere employee, my family could never accept you. I’m truly sorry, Lhea. I can only hope that someday you’ll find a man worthy of you—someone who can give you the love you deserve... something I could never offer." Lumabas siya. Napatitig ako sa pintong nilabasan niya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho. Doon na bumigay ang mga luha ko—tulo, agos, hagulgol. Ang puso ko, parang winarak. Wala nang natira kundi pira-pirasong sakit. Pero tapos na. Kailangan ko nang tanggapin. Hindi ko siya napamahal sa akin. Hindi ko nagawang baguhin ang puso niyang para sa iba lang tumitibok. Panahon na para sumuko. "Goodbye, Elixir..." bulong ko, kahit alam kong hindi na niya maririnig. "I hope you’ll be happy with the woman you love." Bigo ako. Nabigo akong paibigin siya. Sa dalawang taon nagsama kami bilang mag- asawa, hindi ako nagtagumpay. My father was right. In the game of love, no one wins when the heart is forced. What hurts even more... I was the one who played the game, yet I was the one who lost. - - - Warning: Disclaimer Note: This story is purely fictional. It is based solely on my imagination. If any part of the plot resembles other stories, it is purely coincidental and unintentional. Any slight similarities to other stories are not deliberate. All rights reserved @sweetnanenz. Original version 2021 (hard copy). Online version 2025. - This novel is a work of fiction. Any resemblance to actual events, persons, or places is purely coincidental. The characters, storylines, and events portrayed in this book are the product of the author's imagination. The author has made every effort to ensure that the story is original and free from plagiarism. All rights to the content are reserved by the author. -------------- Thank you sa mga magiging readers ko nito. Ito ay bahagi sa Montreal Property series (2nd gen.) ko. Halos lahat ng mga story ng Montreal Property ko ay tungkol sa mag- asawa, kaya wag na kayong magtaka. Walang pilitan na basahin, iyan ay choice niyo pa rin. Kaya nagpapasalamat ako ng sobra sa pumili na manatili para basahin ito. Pagpalain kayo palagi. Note: This is just a fiction, wag masyadong seryusuhin ang mga ganap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook