-----------
***Lhea's POV***
-
"Congratulations... you two are now married," ani ng judge sa amin matapos naming pirmahan ang isang kontrata—ang dokumentong magtatali sa aming dalawa.
Marriage. A lifelong vow, a promise of love and devotion. It’s a journey shared between two people who choose each other—who build a future together, not just for a moment, but for a lifetime.
Ito dapat ang tunay na kahulugan ng kasal. But--- our marriage was different.
There were no love-filled promises, no dreams of forever. It was a contract, a mere formality—a necessary arrangement with a clear expiration date.
Siguro, para sa kanya, ito lang ang ibig sabihin ng pagpapakasal namin. Ngunit para sa akin, isa itong pag-asa. Isang pag-asa na balang araw, maaari akong magkaroon ng puwang sa puso niya.
Ang dahilan ng pagpapakasal niya sa akin ay upang matakasan niya ang itinakdang kasal sa babaeng pinili ng kanyang lolo para sa kanya. May iba nang nagmamay-ari ng puso niya, kaya’t hindi niya gustong pakasalan ang babaeng ito—ang nag-iisang nakatagong prinsesa na nagmula sa dalawang pinakamayaman at pinaka-makapangyarihang angkan sa Pilipinas: ang Montreal at Saavedra.
Samantalang ako? Ang dahilan ng pagpapakasal ko sa kanya ay para sa isang misyon—ang mapaibig siya.
Ako si Lhea Lopez, at mahal ko ang aking asawa. Kaya’t kahit alam kong ang kasal na ito ay may takdang panahon, tinanggap ko pa rin ang alok niya ng isang contract marriage kapalit ng malaking halaga. Ngunit alam kong hindi ito pangmatagalan—magwawakas ito sa sandaling bumalik na ang babaeng tunay niyang iniibig. Kaya kailangan ko siyang mapaibig bago ang pagbabalik ng babaeng mahal niya.
Ang kailangan lang naman niya ay isang marriage contract—isang bagay na maipapakita niya sa kanyang lolo upang matigil na ito sa pangungulit sa kanya tungkol sa kasal. Wala siyang ibang hinangad kundi ang magkaroon ng sapat na dahilan upang huwag siyang mapilitang pakasalan ang babaeng hindi niya mahal.
Matapos naming lagdaan ang kontrata, agad kaming bumalik sa hotel kung saan kami naka-check-in. Nasa Spain kami ngayon, dito ginanap ang kasal namin.
Bakit?
Para maging madali ang pagpapawalang-bisa ng aming kasal. Para, sa oras na matapos ang lahat, madali siyang makapag-file ng divorce. Mahirap ang paghihiwalay sa Pilipinas, mahina ang prosesso ng annulment.
Sa batas, may mga tiyak na kundisyon upang maisakatuparan ang diborsyo. Isa na rito ay kung isa sa mag-asawa ay citizen ng bansang pinagdausan ng kasal o kung dual citizen ang isa sa kanila.
Ang aking asawa ay may dual citizenship—isa siyang Filipino at Spanish citizen. Ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit dito namin isinagawa ang aming kasal.
Sa Pilipinas, hindi kinikilala ang diborsyo para sa mga Pilipino. Ngunit sa Spain, legal ito. At dahil kinikilala ng batas ng Espanya ang aking asawa bilang isa sa kanilang mamamayan, may karapatan siyang maghain ng diborsyo dito.
Ang pinakamahalaga sa lahat, ayon sa batas ng Pilipinas, kung ang isang dayuhan o isang dual citizen ay legal na makakakuha ng diborsyo sa ibang bansa, maaaring iparehistro at kilalanin ito sa Pilipinas.
Sa madaling salita, kung maghain ng diborsyo si Elixir sa Spain, maaari naming ipa-recognize ito sa korte sa Pilipinas. Kapag ito ay naaprubahan, hindi na ako magiging legal na kasal sa mata ng batas ng Pilipinas. Muli kong makakamtan ang aking kalayaan—ang kalayaang magpakasal muli.
"I have to go back in my room. Kailangan ko pang tapusin ang proposal para sa collaboration sa Vee Magazine."
Ito ang naging usapan naming dalawa habang nasa loob ng elevator. Sa halip na pag-usapan ang katatapos lamang naming kasal, mas pinili naming pagtuunan ng pansin ang trabaho.
"I can help with—"
"Binibigyan kita ng bakasyon, Lhea. Take a rest. Maaga pa ang biyahe natin pauwi bukas."
Ganito ang naging takbo ng usapan namin. Dahil ako din naman ang sekretarya niya. At sa loob ng halos anim na buwan, iyon lang talaga ang papel ko sa buhay niya. Nag- apply ako bilang sekretarya niya dahil gusto kong mapalapit sa kanya. Natanggap naman ako dahil sa tulong ng isang tao.
"O-Okay," tanging nasabi ko, pilit na itinatago ang lungkot sa tinig ko.
Ito ang unang gabi namin bilang mag-asawa, pero sa kanya, tila isa lamang itong ordinaryong gabi. Hindi ko naman inasahan na may mangyayari sa amin na katulad ng sa normal na mag-asawa. Ang gusto ko lang naman ay mas makasama siya na mas matagal sa gabing ito. Para maramdaman ko man lang na may asawa na ako.
Ilang sandali pa, dumating na kami sa floor kung nasaan ang mga kwarto naming dalawa. Magkatabi lang ang mga hotel rooms namin, ngunit tila napakalayo ng distansya sa pagitan naming dalawa. Sabay kaming naglakad, walang kahit anong lambing—kahit man lang isang hawak sa kamay. Hindi ko naman inaasahang ituring niya akong tunay na asawa, pero hindi ko maitangging nasasaktan pa rin ako sa realidad na ito.
Nang paalis na ako papasok sa aking kwarto, bigla siyang nagsalita.
"Ah, Lhea—"
Napahinto ako at dahan-dahang lumingon sa kanya. Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Ano kaya ang sasabihin niya? Napalunok ako, naghihintay sa kung anong susunod niyang sasabihin.
"Hindi mo naman siguro iniisip na magiging normal ang pagsasama nating dalawa—na tulad ng ibang mag-asawa," aniya, diretsong nakatingin sa akin. "What we have is nothing more than a contract, Lhea. Yes, you are my wife, but this marriage must remain a secret. I will never allow you to use my last name, and I expect you to tell no one about this. As far as the world is concerned, this marriage does not exist—and I intend to keep it that way."
Napatigil ako. Para bang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pero kahit masakit, ngumiti pa rin ako at tumango, pilit ipinapakita na wala akong problema sa set-up namin. Kahit na sa loob-loob ko, parang unti-unting hiniwa ang puso ko. Nararamdaman ko na ang pag-init ng sulok ng aking mga mata, ngunit pilit kong pinigilan ang sarili ko na tumulo ang mga luha.
"And..." Nagpatuloy siya, tila sinisiguradong malinaw ang bawat salitang kanyang bibitawan. "I can't love you, Lhea. Kaya pigilan mo rin ang sarili mong ibigin ako. Huwag mong isipin na asawa mo ako. Isipin mo na isa ka lang sekretarya—dahil ayokong maging casualty ang puso mo kapag natapos na ang kontratang ito. Alam mong may mahal na ako."
Doon ko naramdaman ang pinakamatinding sakit. Para bang unti-unting pinahina ng bawat salita niya ang katawan ko. Isang segundo na lang, at tuluyan nang tutulo ang luha ko, kaya bago pa man niya mapansin, marahan akong tumango at pumasok sa aking kwarto.
Pagkapasok ko, napasandal ako sa pinto, pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pero agad ko rin itong pinunasan. I chose this path, and now I have no choice but to endure it.
I know this won’t be the last time I get hurt because of this decision, so I have to brace myself for the pain that will surely come. I walked into this with my eyes wide open, knowing full well that heartbreak awaits me.
But if I want to win Elixir’s heart, I cannot give up—no matter how much it hurts.
Kaya mo 'to, Lhea. Magtatagumpay ka rin.
Mamahalin ka rin ni Elixir.
(Please read the Author's Note!)