C1: Sino siya?

1893 Words
----------- ***Lhea’s POV*** - Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. Nakatingala lamang ako sa kisame, malalim ang iniisip, tila wala sa sarili. Pakiramdam ko, parang napakabilis ng mga pangyayari, na halos hindi ko na kayang makasabay. Hindi ko inasahan na sa araw na ito, ikinasal na kami ni Elixir. Hindi pa rin ako makapaniwala. Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili kung ano ang susunod na mangyayari, kung ano ang dapat kong gawin. What could he be thinking right now? Is he thinking about me? Ngunit agad kong pinalis ang ilusyon sa aking isipan. Bakit ko nga ba iniisip ang ganoong bagay? Ano ba ang dahilan para maisip ako ni Elixir, gayong maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi niyang may mahal siyang iba? His words were crystal clear, but no matter how hard I tried to make myself understand them, my heart refused to accept them. My mind refused to accept them. Pumikit ako at sinubukang pilitin ang sarili na matulog, ngunit isang malakas na tunog mula sa aking cellphone ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Mabilis akong napabangon, sabik sa ideyang baka si Elixir ang tumatawag sa akin. Sa kaba at pananabik, agad kong dinampot ang cellphone ko. Ngunit sa halip na pangalan ni Elixir, iba ang nakita kong nakarehistro sa screen. Ang pangalan ng aking ama. I gulped, suddenly unsure whether I should answer the call. But I knew my father—he wouldn’t stop until I did. And just as I expected, he kept calling. Left with no other choice, I finally answered, even though I already knew why he was calling. Pagagalitan na naman ako nito. "H-Hello, Dad—" "What the hell are you thinking, Lhea?" Napakagat-labi ako, napalunok nang mariin. Tama ang hinala ko. "Nung una, gusto mo lang maging sekretarya niya. Tinulungan kita dahil inakala kong alam mo ang ginagawa mo, na hindi ka gagawa ng isang bagay na maaaring ikapapahamak mo. Pero ngayon? Ngayon, nalaman ko na lang na nasa Spain na kayo para magpakasal. At hindi lang basta kasal—isang lihim na kasal pa!" Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Sabi ko na nga ba, malalaman din ito ng aking ama. Sa dami ng koneksyon at sa tindi ng impluwensya ng aming pamilya, imposibleng manatiling sikreto ang kasal namin ni Elixir sa angkan ko. "Dad, please," pagsusumamo ko, "maipapangako ko sa'yo na hindi ako mapapahamak. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon. Kayang-kaya kong alagaan ang sarili ko." "I know you can take care of yourself, but—" Naputol ang sasabihin niya, ngunit agad itong sinundan ng mas mabigat na mga salita. "Can you take care of your heart?" Parang may matulis na patalim na tumusok sa dibdib ko. Hindi ako nakasagot. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ko muling narinig ang kanyang buntong-hininga. "Itigil mo na ito, Lhea," seryoso at mabigat ang tinig ng aking ama. "Divorce that man right away at bumalik ka na rito. Hindi kita pinalaki para maging hangal sa pag-ibig. You know you almost have everything—you don't need to lower yourself for a man who has no conviction." "Dad, please…" nagmamakaawa kong tugon. "Siya ang gusto ko. Babalik din ako, pero bigyan mo lang ako ng kaunting panahon. Hayaan mo muna ako, kahit sandali lang." "Kailan ka babalik? Kapag durog na durog ka na? Kapag hindi mo na kayang buuin ang sarili mo?" Napapikit ako, pilit nilalabanan ang luhang namumuo sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. "Sa tingin mo ba, madali lang makipaglaro sa pag-ibig?" Nagpatuloy ang aking ama, at ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibitawan niya. "Tandaan mo, kahit isugal mo pa ang lahat ng meron ka, matatalo ka pa rin kung hindi ikaw ang tinitibok ng puso." Napasinghot ako, pilit nilulunok ang sakit na bumalot sa akin. "Dad, please… wala ba kayong tiwala sa akin? Aalis ako sa sitwasyong ito kapag sa tingin ko, wala na talaga akong laban. Pero sa ngayon… hayaan mo muna ako." Muling bumuntong-hininga ang aking ama. Mabigat. Punong-puno ng hinanakit. "Hindi ko alam kung bakit napakatigas ng ulo mo," aniya, at sa bawat salitang binibigkas niya, dama ko ang galit sa kanyang tinig. "Fine. Pinili mo ang lalaking 'yan. Pinili mong saktan ang sarili mo. Sige, hayaan na kita. Pero tandaan mo 'to, Lhea—ayokong makita kang umiiyak sa harapan ko kapag dumating ang araw na matatalo ka sa larong ito. At kapag nangyari 'yan, alam mo kung ano ang kahihinatnan ng negosyo ng lalaking 'yan." Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako sa bigat ng kanyang pahayag. Alam kong hindi siya nagbibiro. Alam kong may kakayahan siyang gawin ang sinasabi niya. At bago pa ako makapagsalita, bago ko pa siya mahadlangan, narinig ko na lamang ang mahinang tunog ng pagtatapos ng tawag. Natapos na ang usapan namin. Nanatili akong nakatulala, mahigpit na hawak ang cellphone, habang ramdam kong unti-unti akong kinakain ng emosyon. I knew my father was deeply hurt. I knew he only wanted to protect me. But I couldn't bring myself to give up without even putting up a fight. I could no longer hold back my tears as they started to fall. It was painful to face the truth—that here I was, lowering myself for a love I had cherished since I was just five years old. Isa akong hangal na naniwala sa pangakong binitiwan namin ni Elixir noon, sa harapan ng aming mga lolo na matalik na magkaibigan. Ako noon ay limang taong gulang pa lamang, samantalang siya ay sampu. Iyon ang una naming pagkikita, at sa murang edad ay nagkagustuhan na kami agad. In front of my grandfather, Elixir promised that he would marry me at the right time. My young heart, which deeply believed in fairytales, wholeheartedly trusted and held onto that promise. Para sa akin, totoo ang binitawan niyang salita—hindi ito mapapako. Kaya naman, buong puso at taos-puso ko ring ipinangako na siya lamang ang lalaking mamahalin ko habambuhay. I once believed that nothing could break that promise. But in the end, it was never fulfilled. He didn’t marry me. Instead, he rejected me because his heart already belonged to another woman. Ang una naming pagkikita ni Elixir ay siya na rin palang magiging huli. Kinailangang itago kami ng aking mga magulang—ako at ang aking mga kapatid—para sa aming kaligtasan noong panahong iyon. Apat kaming magkakapatid, at sekreto ang aming tunay na pagkatao. May kakambal akong lalaki, at dalawa pa naming nakababatang kapatid ay kambal ding lalaki. Noong ako’y kinse anyos, limang taon na ang nakakalipas, napagdesisyunan ng aking mga magulang na panahon na upang bawiin naming magkakapatid ang aming tunay na pagkatao. Ngunit tumanggi ako. Hiniling ko sa kanila na manatili muna ako bilang si Lhea—isang simpleng babae, malayo sa marangyang mundo ng aming pamilya. Pakiramdam ko kasi, mas tahimik at mas malaya ang buhay ko bilang si Lhea. Hindi alam ni Elixir kung sino talaga ako. Wala siyang ideya na palagi lang akong nasa paligid niya. Sa ibang bansa siya nag-aral, at hindi niya alam na naroon din ako—hindi para sa aking sariling pangarap, kundi para sundan lamang siya. Iyon ang main goal ko. Nang magdesisyon akong magtrabaho bilang sekretarya niya, ginamit ng aking ama ang kanyang pera at impluwensya upang mabigyan ako ng magandang educational background sa aking resume. Wala namang nagtanong kung totoo ba iyon o hindi. Isa lamang akong aplikanteng nagnanais maging isang simpleng sekretarya—walang sinuman ang nag-abalang mag-imbestiga sa likod ng pangalan kong ginamit. On my 20th birthday—the day I was supposed to be introduced to the public as a Montreal and a Saavedra—was also the day our engagement was meant to happen. According to the promise we once made, we would marry at the right age, and that was when I turned twenty. But Elixir refused. And because of that, I also refused to step into the public eye. Hindi ko sinisisi si Elixir sa hindi niya pagtupad sa pangakong iyon. Hindi ko siya masisisi kung hindi niya ako inibig tulad ng dati—hindi niya naman kasi ako nakikita. Ngunit ako, sinisisi ko ang sarili ko. Ako ang may kasalanan. Ako ang hindi nagpakilala sa kanya, kahit na palagi lamang akong nakasunod sa kanya, sinusubaybayan siya. Kaya naman, naglakas-loob akong lumapit sa kanya bilang si Lhea—isang ordinaryong babae— nag- apply bilang sekretarya niya sa pag-asang mabawi ko ang puso niya sa sarili kong paraan. Ang pagpapakasal naming dalawa ay isang blessing in disguise para sa akin. Kaya naman, nang dumating ang pagkakataon, hindi ko ito pinakawalan. Ngunit sino nga ba talaga ako? Ako si Cathleya Saavedra Montreal. Ang nag-iisang prinsesa ng dalawang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa—ang Montreal at ang Saavedra. Ang angkan ng Montreal ay kilala bilang pinakamayaman sa bansa, at umaabot ang kanilang yaman at impluwensya kahit sa iba't ibang panig ng mundo. Samantala, ang angkan ng Saavedra ay hindi lamang mayaman, kundi makapangyarihan din. Sila ang may-ari ng Saavedra Empire—isang mafia organization na, bagama't may mga legal na gawain, ay nirespeto at kinikilala ng gobyerno. Ang Saavedra Empire ay hindi lamang sa Pilipinas kilala, kundi pati na rin sa Italya, kung saan ito nag-ugat. Malaki ang naitulong ng Empire sa paglutas ng malalaking krimen sa bansa. Sa katunayan, may sariling isla ang Saavedra Empire para sa mga taong may nagawang kasalanan ngunit handang magbago at magsimula muli. Dahil sa aking pamilya, at bilang nag- iisang prinsessa na nagmula sa dalawang angkan na ito, hindi maikakaila na sikat ang pangalang Cathleya Saavedra Montreal—kahit pa nananatili pa rin lihim kung sino nga si Cathleya. Ito lang naman ang angkang pinagmulan ko. But that is not who I am now. Not the title, not the name—I am now just a woman foolishly holding on to a man who isn’t even mine. A man whose heart already belongs to someone else. Napabuntong-hininga ako, pilit na kinakalma ang sarili. Ngunit kahit anong pilit kong isiksik sa isip ko na dapat ko nang itigil ito, hindi ko pa rin magawa. Maya-maya, napapitlag ako nang marinig ko ang buzzer ng pinto. Mabilis akong bumangon, agad na tinungo ang pinto. Sino kaya iyon sa ganitong oras? Baka si Elixir. Agad kong binuksan ang pinto, ngunit hindi ko na natapos ang nais kong sabihin. "Ano—!" Naputol ang aking sasabihin nang biglang sumandal sa akin ang isang matangkad at matipunong katawan. Halos mapasigaw ako nang muntikan siyang matumba. Kung hindi ko lang siya mabilis na nasalo, baka bumagsak na siya sa sahig. Ngunit kahit anong pilit kong alalayan siya, ramdam ko ang bigat niya, dahilan para mawalan ako ng balanse at bahagyang umatras. "Elixir!" Napahingal ako habang pilit siyang inaangat. "Ano ba ang nangyayari sa'yo at—" Napasinghot ako at agad napaatras. Naamoy ko siya. Isang matapang na amoy ng alak ang sumalubong sa ilong ko. Doon ko lang napagtanto—lasing siya. Lasing na lasing. Napatingin ako sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata, at bakas sa kanyang mukha ang matinding kalasingan. Ang dating maaliwalas niyang itsura ay ngayon ay parang wasak at puno ng lungkot. Pero… bakit? Bakit siya naglasing? Ano ang dahilan? At ang mas mahirap tanggapin— ang pagpapakasal ba niya sa babaeng hindi niya mahal ang dahilan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD