------ ***Lhea's POV*** - Ilang saglit akong nakahawak sa dibdib, pilit na kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung dulot lamang ito ng stress, puyat, o ng matinding sakit na dinadala ko sa loob. Pero habang tumatagal, lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko, at sa huli, hindi ko na kinaya. Pagkatapos kong magsuka, bumalik ako sa cubicle ko. Umupo ako at marahang kinuha ang cellphone mula sa loob ng aking bag. Sa nanginginig na kamay, tinawagan ko ang aking ama. “Dad, it's done. Babalik na ako,” mahina kong sabi. Hindi ko na idinetalye ang nangyari—alam kong naiintindihan na niya ako. Pinigilan kong maramdaman niya ang kabiguan ko sa aking tinig. “Okay. Umalis ka na diyan. I'll ask Yohan to arrange a private plane to pick you up. That way, you'll have enough time to prepare for your

