--------- ***Lhea's POV*** - Hindi ako makapagpokus sa trabaho. Ilang beses ko nang tinititigan ang laptop sa harap ko, pero wala namang pumapasok sa isip ko. Nakabukas lang ang screen, nagbukas ng ilang tabs, ilang files, pero para lang akong tulala na nakatitig sa kawalan. Hindi ko maibaling ang atensyon ko sa report na kailangang tapusin. Hindi rin ako makapagbasa ng kahit isang email nang maayos. Ang laman ng isip ko? ‘Yong sinabi sa akin ni Chelsea kaninang umaga. Paulit-ulit, parang sirang plaka na hindi ko kayang i-stop. “Diyan po kasi ang date ngayon ni Daddy… with a beautiful woman.” Napapikit ako. Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko ang boses ni Chelsea habang binibigkas ang mga salitang ‘yon—walang kamalay-malay sa bigat ng mga iyon para sa akin. I don’t really have a

