------ ***Lhea's POV*** - Nakahinga ako nang maluwag nang makasakay na ako sa taxi. Mabilis kong sinabi sa driver kung saan ako pupunta, saka agad na sumandal sa sandalan ng upuan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Hindi ko talaga kinausap si Elixir—tinakasan ko siya. Sinipa ko siya para lang makawala ako sa pagkakahawak niya. Kailangan ko talagang umalis. Kung hindi ko ‘yon ginawa, baka mabuking niya pa ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang totoo. Kailangan ko munang maibangon ang sarili ko bilang si Lhea sa nalalapit na business summit. Ayokong isipin ng ibang dadalo na kaya lang ako nagtagumpay sa araw na iyon ay dahil isa akong Montreal, at hindi dahil sa sarili kong kakayahan. Kinuha ko ang cellphone mula sa loob ng bag at tiningnan ang screen. May is

