-------- ***Lhea's POV*** - Abala ako sa opisina, inaayos ang mga kailangang tapusin bilang sekretarya ni Elixir. Gusto kong matapos agad ang lahat ng trabaho, lalo na’t paparating na ang business summit kung saan magaganap ang bidding para sa bagong proyekto ng Montreal Architecture. Alam kong malaking oportunidad ito para sa Dela Costa Advertising, kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti nang dumating ang ipinangakong bidding invitation mula sa aking ama. Napansin ko rin ang kakaibang kinang sa mga mata ni Elixir habang tinitingnan ang imbitasyon. Alam kong para sa kanya, isa itong bihirang pagkakataon upang muling patatagin ang kumpanya. Ngunit kasabay ng kasiyahan sa kanyang mukha ay ang anino ng pagtataka—hindi niya maunawaan kung bakit siya pinadalhan ng personal na imbitasyon ng a

