------- ***Stacey’s POV*** - Note: May binago ako sa ganap sa kwento kaya ni- revised ko ang Prologue. May ilang bahagi ang nabago. - Tuluyan nang nasira ang relasyon namin ni Alexander, sa kadahilanang hindi ko na alam kung sino ba talaga ang tunay na may kasalanan. Basta ang alam ko lang, kung may pagkukulang man ako, sa aming dalawa, siya pa rin ang unang nagkasala. Gusto ko mang ibaba ang pride ko, ayusin ang lahat, pero naisip ko—dapat ko pa bang gawin ‘yon? Anong aayusin ko sa isang bagay na siya mismo ang sumira? Oo, kontrata lang ang dahilan kaya kami ikinasal, pero naging maayos naman ang pagsasama namin sa simula. Naramdaman ko naman na maganda ang pagsasama namin. Pero nagbago ang lahat nang hindi ko siya pinagbigyan pagdating kay Lindsay. Nagbago siya. Naging sobrang la

