------ ***Stacey’s POV*** - Kinalma ko ang sarili ko. Hindi niya dapat mahalata na masyado akong apektado sa muli naming pagkikita. Hindi ko dapat ipakita na hanggang ngayon ay may kapangyarihan pa rin siyang guluhin ang tahimik kong mundo. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin. Kung bakit hindi ko magawang pakalmahin ang puso kong tila ba may sariling isip—at ngayo'y parang sasabog sa lakas ng t*bok. Parang bawat pintig ay paalala ng lahat ng nakaraan naming dalawa. Aminado akong mula nang maging ina ako, nagiging emosyonal na ako—lalo na kapag tungkol sa mga anak ko ang usapan. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko kapag sila ang nakasalalay. Naging mas malambot ang puso ko, mas mabilis maapektuhan. Napatingin akong muli sa lalaking kaharap ko ngayon. Si Alexander. Ang

