----- ***Lhea’s POV*** - "Alexander. Remember me? Lhea. Are you busy? I have a proposal to you.” -------- Pagkalipas ng ilang minuto, kaharap ko na si Alexander. Nasa loob kami ng kanyang opisina—isang maluwag at eleganteng silid na may minimalistang disenyo. Nakaupo siya sa kanyang executive chair, ang katawan ay bahagyang nakasandal, tila relax ngunit alerto. Ako naman ay maayos na nakaupo sa upuang nasa harapan ng kanyang mesa. “Well, well, well… ano ang kailangan sa akin ng magandang sekretarya ng kapatid ko?” aniya, may halong biro at mapanuksong ngiti sa labi. “What proposal do you have for me?” “Ex-secretary,” pagtatama ko sa kanya. “Really?” Tumaas ang isa niyang kilay, bakas ang amusement sa kanyang mukha. “Sorry to hear that.” “You don’t have to,” sagot ko agad, sinab

