------ ***Stacey's POV*** - Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Alexander ngayon sa opisina ko. Nakaupo siya sa upuan sa tapat ng mesa ko, nakasuot ng itim na long-sleeved shirt na pormal na nakatuck-in sa pares nitong slacks. Ang ayos niya ay walang bahid ng pag-aalinlangan—matikas, maayos, at seryoso. Ang awra niyang iyon ay kasintigas ng marmol—hindi matitinag, hindi matitibag. Ako naman, kahit may kaunting kaba na sumiksip sa dibdib ko nang makita ko siyang pumasok, ay nanatiling kalmado. Maingat akong umupo sa aking executive chair, itinuwid ang likod, at tiningnan siya ng pantay. Walang emosyon sa mukha ko, walang bakas ng personal na damdamin. Pormal. Para lamang kaming dalawang negosyanteng nasa isang transaksyon. “What do you want, Mr. Dela Costa? Napag-isipan mo na ba an

