------- ***Lhea's POV*** - Mamaya pa ako ipakikilala ni Daddy bilang highlight ng event na ito. Kaya habang wala pa sa puntong iyon, naisipan kong makihalubilo muna sa mga bisita. Gusto ko silang makilala, lalo na ang mga taong magiging bahagi ng bagong kabanata ng kompanya. Bilang si Cathleya, madali lang naman sa akin na pagkatiwalaan ng mga prospective investors, pero sa pagkakataong ito, gusto ko muna silang kausapin bilang isang simpleng si Lhea, at hindi si Cathleya. Kasama kong dumating si Jared, ang pinsan ko. Siya na rin ang tumutulong sa akin na ipakilala ako sa mga investors at ilang kilalang negosyante. Lahat ng usapan ay umiikot sa negosyo—malinaw, direkta, at propesyonal. May ilan din na nagtatanong kung anong relasyon naming dalawa ni Jared. Pero bago pa man ako makasago

