-------- ***Lhea's POV*** - Hindi ko na nagawang kausapin pa si Natalya. Sa dami ng gusto kong sabihin, kahit isang salita ay hindi ko naibulalas. Nagmamadali rin siyang umalis, at halatang-halata kong umiiwas siya—tila ba takot siyang mapilit kong pag-usapan pa namin ang tungkol sa makasalanang relasyon nila ni Nathan. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso, parang may pangambang baka kapag nagtagal pa kami sa iisang mesa, ay mapwersa ko siyang sagutin ang mga tanong na alam kong pilit niyang iniiwasan. Hindi naman sa nangingialam ako sa buhay niya. Ngunit paano kung masaktan siya? Paano kung sa bandang huli ay hindi rin siya kayang panindigan ni Nathan, katulad ng nangyari noon? Tumikhim ako at marahang kinuha ang bag ko. Tatayo na sana ako at aalis nang bigla na lamang may umup

