-------- ***Lhea's POV*** - Hindi ko napigilang mapangiti habang tinititigan ko ang paligid ng venue—isang makulay at masayang hardin na punong-puno ng pastel balloons, mga higanteng stuffed animals, at cartoon cutouts ng mga baby jungle animals na may flower crowns at bow ties. Napaka-perfect talaga ng "Whimsical Jungle Twins" theme para sa aming kambal—ang baby boy naming si Eliah at ang baby girl naming si Eliora. Si Eliah kasi ay sobrang likot at adventurous, habang si Eliora naman ay gentle at mahinhin. Parang jungle explorer at forest fairy—kaya’t swak na swak talaga ang temang ito para sa kanila. “Mommy, can I eat another cupcake?” tanong ni Eleazar, suot pa rin ang paborito niyang dinosaur costume kahit na hindi ito related sa theme ng party. Pinayagan ko naman siya. Minsan tal

