--------- ***Lhea’s POV*** - Imbes na sa photoshoot ni Chelsea ko siya sorpresahin sa pagdating ko, napagpasyahan kong gawin na lang ito sa bahay. Hindi rin naman ako nakapunta sa photoshoot ng anak ko dahil pinagbawalan ako ng aking ina—sa kadahilanang siya lang ang nakakaalam. Alam kong naglalaro si Chelsea sa playground niya, dito lang sa bahay. Tahimik akong bumaba sa kusina at lumapit kay Ate Minda. “Ate Minda, pakitulungan naman po akong ipagluto ng paboritong merienda ni Chelsea,” mahina kong bulong habang pasimpleng sumisilip sa labas ng kusina baka makita ko ang anak ko. Tumango lamang siya at agad inihanda ang buttered toast na may peanut butter at banana slices—paboritong-paborito ng anak ko. Ako na rin ang nagtimpla ng malamig na natural orange juice. Nang matapos ang la

