----- ***Third Person's POV*** - Hindi mapakali si Elixir habang mahigpit pa ring hawak ang cellphone. Ang bawat salitang binibitawan ni Santinir ay tila mga patalim na paulit-ulit na tumatarak sa puso’t dibdib niya, hindi nag-iiwan ng pagkakataong makahinga. Habang wala sila ni Lhea sa isla, sinamantala daw ng mga taong may matinding galit sa kanila ang pagkakataon upang isakatuparan ang plano ng mga ito. Ayon sa ama ni Lhea, may mga senyales na nasa isla na ang mga ito—nagbabantay, nagmamasid sa bawat kilos, naghihintay ng tamang oras upang umatake. Hindi nila ito napansin ni Lhea. Marahil ay dahil sa kabisihan, sa tiwalang ligtas ang isla, at sa kawalang-malay na may mga taong nagpaplano ng masama sa kanila. O baka naman sadyang bihasa ang mga ito sa pagtatago—tahimik, mailap, at ma

