C11: Taguan

2303 Words

----- ***Lhea's POV*** - Pagpasok ko sa bahay, halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang ginaw. Basang-basa ang damit ko, at pakiramdam ko ay may sinat na ako. Pero mas matindi ang sakit ng loob ko kaysa sa lamig na bumabalot sa akin. Pagtingin ko sa sala, nakita ko si Elixir—tuyo, kumportable, at kalmado lang na nakaupo sa couch na parang wala siyang ginawang kasalanan. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya, ni hindi na inisip kung gaano ako kaawa-awa sa itsura ko. "Elixir," tawag ko, pilit na kinakalma ang nanginginig kong boses. "Bakit mo ako iniwan doon?" Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin, walang emosyon ang mukha. Muling lumabas ang inis ko. "Alam mong wala akong dalang payong. Alam mong mahirap ang sumakay ng taxi pag malakas ang ulan!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD