------ ***Lhea's POV*** - Hindi nga nagbibiro ang aking ama sa sinabi niya sa akin kagabi dahil mabasa ko agad sa social media ang announcement niya na sa nalalapit kong kaarawan, tatlong buwan mula ngayon ay ihaharap na nya ako sa publiko. Agad na naging viral ito dahil marami talaga ang nagka- interest sa akin bilang si Cathleya. Tinatawag kasi ako na The Hidden Princess-- tanging babae sa henerasyon ito na nagmula sa angkan ng Montreal at Saavedra. Wala akong nagawa kagabi kundi ang makipagkasundo sa aking ama kahit pa hindi iyon bukal sa loob ko. Hawak ko ngayon ang folder na naglalaman ng mga dokumentong kailangang pirmahan ni Elixir habang marahan akong pumasok sa kanyang opisina. Sanay na ako sa katahimikan sa loob ng kwartong ito—laging pormal, laging may pagitan sa amin. Pero

