-------- ***Alexander’s POV*** - “I’m sorry, Lindsay. Pero hindi kita matutulungan.” Diretsahan kong sinabi iyon. Buong lakas kong nilunok ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib habang nakatingin sa kanya nang diretso. “Sa lahat, bakit si Stacey pa? Sinabi ko naman sayo na wag siya, diba?” tanong ko, kahit alam kong wala na iyong saysay, dahil hindi siya nakikinig. Pinagsabihan ko na siya na wag pakialaman si Stacey pero hindi talaga siya nakikinig sa akin. “Iba si Stacey sa mga babaeng nakilala mo,” patuloy ko, pilit pa ring ipinapaintindi sa kanya ang hindi niya kayang unawain. “Hindi lang dahil isa siyang Saavedra, kundi dahil si Stacey ang uri ng babaeng may prinsipyo—may paninindigan. Hindi siya basta’t- basta nagpapaapi. Mahirap siyang kalabanin, hindi sa estado niya kundi sa m

