Chapter 6: It Hurts Right?
"Sanjou!" natigil ako sa pag-iisip sa nakaraan nang marinig ko ang galit na tinig ni Aki. It's the first time that he called my full name. "Sai" na kasi ang sinabi ko noong tawagin niya sa akin.
Lunch time na at napag-isipan ko nga na palipasin ‘to dito sa rooftop. As much as possible, gusto ko sanang iwasan muna si Akio pero hindi ko alam na siya pa ang lalapit sa akin at sinalubong ako ng malakas na suntok. Naramdaman kong dumugo ang gilid ng labi ko. Pinalis ko iyon gamit ang hinlalaki ko at ngumisi sa kaniya.
"Wow. What a forceful punch Aki. Ah…I think you heard something from your cute lil' stepbrother huh? Or I might say… secret lover?" nang-iinis ko pang sabi at base nga sa sama ng pagkakatingin niya sa akin ay mukhang tama ako.
"Bullshit! What the hell is your deal Sai? I clearly told you not to tell anything to Ri -"
"Dahil nga gusto kita! Hindi pa ba klaro sa’yo ‘yun o pinagpipilitan mo talaga na gino-goodtime lang kita? I like you Aki, I really do." Ah damn! Naramdaman kong uminit ang tenga ko sa sinabi ko. All my life, I can't imagine na makakapagsabi ako ng ganoon ka cheesy na mga salita, at sa lalaki pa! Tsk.
Nakita ko namang natigilan siya at kumalma na ang mukha. Again, there’s those pity eyes’ staring down at me like I'm the pittiest person in the world. And I hate that.
"Sai… I-I'm sorry. I -" seems like he can't find the right response to me. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumuntong hininga.
The hell.
"I'll say I'm fine kahit hindi, but I'll really appreciate it kung hindi muna tayo mag-usap o magpansinan Akio. I'll be fine, just give me time to forget for now." nakayuko kong ani habang ang magkabilang kamay ay ipinasok ko sa bulsa ng aking uniform. I heard him sigh.
"But we'll be friends again right, Sai? You're my friend and I don't want to lose you." napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya. I don't want to lose you. I guess those words are more than enough for now para kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
"Ofcourse we will. At kapag nangyari ‘yun, ibabalik ko sa’yo suntok mo, pakyu ka." sabay kaming natawa sa sinabi ko. Tumalikod na ako sa kaniya at napagdesisyunan ng bumaba. "I hope it'll work out just fine with the both of you. Kapag nasaktan ka ulit, diyan lang ang apartment ko tatanggap sa’yo. Malay mo magka round two tayo diba?" biro ko pa bago bumaba. Narinig ko naman ang malutong niyang "pakyu!" kung kaya't natawa ako.
Quits lang naman tayo dahil ako ang nanamantala sa’yo, pero syempre hindi ko sasabihin sa’yo ulol.
At hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako ngayon o ano pero bago tuluyang bumaba ay nakasalubong ko pa si Rin Fujiyuki. I didn't dare to look at him pero noong nalagpasan ko na siya ay nagsalita ako.
"Do you really love Aki?" ani ko. Ilang segundo siyang tahimik pero mayamaya pa ay sumagot din.
"Yes. I do love him." napayuko ako sa sinabi niya. Well good for them huh? They both love each other. But I might say the relationship they are about to enter is very dangerous.
Oh well. I don't know, but I am still happy for them, really.
"I see. Might as well give him up huh? Wala na rin naman akong magagawa." deklara ko at humarap sa kaniya. Nasulyapan ko pa si Aki sa likuran niya, nakasandal sa pinakataas na bahagi ng hagdan. Tinitignan niya ako nang titig na ‘why are you talking to my Rin?’.
Ch! Seriously, I am not interested at your stepbro at all dumbass.
"Pero kapag sinaktan mo siya, akin siya." biro ko na bahagyang kinatawa ni Rin. Nakita ko namang umamba ng suntok si Akio sa taas, binabalaan ako. Pft!
"Well what to do? Kahit masaktan ako o siya, sa kaniya pa rin ako at akin siya." Wow. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Aki sa nakakasukang linya na sinabi ng kinakapatid at animo'y kinilig pa. Gusto ko humagalpak bigla sa tawa but I just smirked.
Tumalikod ako at isinuksok ang isang kamay sa bulsa habang ang isa ay itinaas para kumaway sa kanila.
"Well good for you huh, Akio. Well, bye then." tuluyan na nga akong umalis at iniwan na sila doon. Tiyak maglalampungan na naman sila doon sa taas at hindi naman ako martyr para manuod pa sa kanila.
Nakompirma ko nga na malas talaga ako ngayong araw dahil noong papaliko na ako ay nandoon pala si Jun na may bitbit na mga pagkain. Amazing. Upgraded na ba siya bilang stalker ko at hindi na buntot?
Lalagpasan ko na lang sana ‘to pero nagsalita siya.
"It hurts right?" ani niya.
Napaharap naman ako sa kaniya. I boredly looked at him habang siya ay tila ganoon din.
"What do you mean brat?"
"Being crushed by the one you love. That's what I mean." nagsukatan kami ng titig nang sinabi niya ‘yun. Pero habang tumatagal ay naiinis ako sa mga mata niya kung kaya't ako din ang bumawi ng tingin.
Tumalikod ako sa kaniya.
"Whatever." I was really about to go, pero may dinugtong pa talaga siya na kinainis ko na talaga.
"Pupunta si kuya diyan sa dorm mo mamaya."
I know that kid! Magbibigay lang naman siya ng pera sa’kin na padala ni Kuya Shainon dahil ‘yun naman ang role ng abogagong ‘yun kada buwan. If I know kaya niya sinusunod lagi si kuya dahil mahal niya ‘to, aside sa personal lawyer namin siya.
"May bago pa ba dun?"
"Oo dahil sasama ang kuya mo." nanlaki ang kapwa ko mata sa sinabi niya. Hindi ko alam pero natuwa ako. Close kami ni kuya at dahil nga lagi siyang busy ay hindi kami nakakapagkita. Once in a blue moon lang din ako magawi sa mansiyon. Ang huli naming pagkikita ay noong pasko at bagong taon pa yata. Matagal na ‘yun.
"Well that's good then." malaki ang pagkakangiti kong ani sa kaniya. Tumitig naman siya sa akin bago umiwas. Napansin kong namula bahagya ang tenga niya kaya napakunot ang noo ko.
"G-gusto ko din sumama." ani niya na tila baby. My eyes widened again. I suddenly felt this nostalgic feeling. ‘Yung Jun na nakilala ko. ‘Yung Jun na kinagigiliwan ko noon.
Oh crap. He's so cute.
Naitakip ko ang isang kamay sa aking bibig dahil may naramdaman akong kakaiba sa may dibdib ko. It suddenly thumps a bit.
"Then come." mahina kong ani, hindi ko alam kung ba't ‘yun din ang nasabi ko. But I really do want him to come. I just have this feeling.
"Nah. Kuya won't allow me." sa sinabi niya ay napa angat ang tingin ko sa kaniya, I'm pissed. Dahil pa rin ba ‘to sa nangyari noon? Damn! I know I am a bastard, but I am really pissed on his brother. Why the hell he’s really against Jun being with me?
Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko rin naman nasabi kay Jun ang mga katagang ‘yun noon. I didn't play with him that time. I did really want to kiss him.
Hindi ko alam, pero mabilis akong napalakad papalapit kay Jun. Pinulupot ko ang isang braso sa bewang niya at ang kabila ay sa likod ng batok niya. I closed my eyes as I kissed his pinkish little lips. I felt him twitched at marahil sa gulat ay hindi siya nakagalaw.
I felt weird again, like before.
Nang maghiwalay kami, I felt dizzy. I saw his eyes sparked pero nawala din ‘yun at tinapik ako. Tumalikod siya sa akin.
"If that's part of you playing again then it'll be better kung hindi na lang nga talaga ako lumalapit sa’yo." ani niya bago naglakad paalis.
I licked my lips and run my fingers through my hair. I don't know but what he said made me angry. I can't pinpoint this anger pero nararamdaman ko ‘to noon pa kapag wala ang atensiyon niya sa akin. Kahit nga makita ko siya na sa Rin na iyon nakadikit, I am always pissed.
He's my cute little Jun. Mine.
Ayaw na niyang lumapit sa akin sabi niya?
"Damn!"
Then I'll come and get you Jun Miyamoto. This won't be a play anymore. This time it's different.