Chapter 7

1380 Words
Chapter 7: The One Who Really Holds My Heart "Sai." when I arrived at my apartment sinalubong agad ako ng yakap ni kuya. I smiled. He really likes to spoil me, kahit ang laki laki ko na feeling ko kinder ako lagi kapag kasama ko siya. "Kuya Shai…" I hugged him back, pero agad kung namataan ang masama at pailalim na titig ng lalaki na noo'y nasa likuran ni kuya Shainon. That demeanour of his, it always amuses me. Dahil mas gusto ko siya galitin mas niyakap ko ng mahigpit si kuya Shainon at napagtagumpayan ko dahil nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa suitcase na dala. I felt kuya Shai stiffened pero hindi ko na iyon pinansin. Mas gusto ko pa sana inisin ang abogagong si Miyamoto kaso may lumabas na pigura sa likuran niya dahilan para mapakalas ako sa pagkayakap kay kuya. "J-jun…" gulat kong ani. He's here?! Akala ko ba hindi na siya sasama? Nakapamulsa lang siya sa pants ng uniform niya habang nakatitig sa akin. I can't see anything nor read any emotions in his eyes. ‘Yung tingin niya ay parang tinitignan lang niya ang isang hindi importanteng tao. I gritted my teeth. "Oh right! Since we are all gathered, let's have dinner together." masayang ani ni kuya, siya lang yata ang hindi nakakaramdam ng bigat sa paligid. I can still see na wala pa ring improvement sa inyo ni Yujin Miyamoto. I smirked a bit. Still on the one sided track huh? Well, serve you right. Dahil nga sa kagustuhan ni kuya ay sabay kaming apat na kumain. As much as I don't like that idea, minsan ko lang makasama si kuya at isa pa Jun is here. Sa isa kaming mamahaling restaurant kumain. Si kuya ang sumagot ng babayarin kahit na unang nagpresinta si Yujin. Magkatabi kami ni kuya habang sa harap namin ang magkapatid na Miyamoto, specifically si Jun ang nasa harapan ko. Habang nakapanlumbaba siya at nakatingin sa labas ng restaurant, I can't help but stare at him. Jun is cute. I always like those eyes of him. Innocent yet sharp. He has this resting b***h face and even though young for his age, he always speaks with a point lika a matured adult. Matabil ang dila niya but he can also be a baby sometimes lalo na sa mga taong komportable siya. I miss him. Naisip ko kung hindi ko kaya sinabi ang mga kataga na iyon sa kaniya noon, hindi kaya siya lalayo sa akin? And the one at fault for that is the one sitting beside him. Na ngayon nga ay masama ulit ang tingin sa akin at tila pinapaabot na ‘wag kong tititigan ang kapatid niya. God, he really pissed me so much. I want to punch him. Pasalamat siya ayaw kong magalit si Jun sa akin. "So how was school Sai? You're not playing around again right?" umpisa ni kuya pagkadating na pagkadating ng mga pagkain namin. About me playing around with girls, he knew about it. And I always see that pain in his eyes dahil sa mga ginagawa ko. I am not dumb. The number one reason kung kaya naging ganito ako umpisa noon is because Shainon is in love with me. Hindi man niya sabihin, sa mga kilos niya ay ramdam ko pa rin. At dapat mawala ‘yun dahil maling mali. We are related half in blood. Kung kaya hindi niya dapat maramdaman sa akin ‘yan. Kaya nga medyo naiintindihan ko ang sitwasyon nila Akio at Rin. Ang pinagkaiba lang, si Shainon lang ang nagmamahal sa amin dalawa. Maybe I didn't really felt love to Akio before? Maybe when I first met Aki, naalala ko lang si Shainon sa kaniya. They are both beautiful. At noong nalaman ko na gusto niya ang kinakapatid niya hindi naman talaga siguro selos o galit ang naramdaman ko kundi alala lang. Alala na kagaya ni Shainon, mali ang nararamdaman nila. Kaya siguro ganoon lang din kabilis ang pagtanggap at pagsuko ko noong nagkakamabutihan na sila. I just hope they won't get the worst sa relasyong pinasok nila. "Shai, ilang beses ko bang sasabihing this is my fun. Don't worry hindi ko sila bubuntisin. I am very careful." It was suppose to be a joke, but I sound like I really meant it. I saw his pained expression again. ‘Yun naman talaga ang intensiyon ko. I want him to be turned off and tired at me. At kahit na ayaw ko sa Miyamoto na ito, I still hope na magparamdam na siya kay kuya. I still know na maalagaan niya siya ng mabuti, dahil mahal niya ‘to. Move your ass already asshole. Kapag maunahan ka ng iba, tatawanan talaga kita mga bente. "Tch. Kuya mauuna na akong umuwi may assignment pa ‘ko." nagulat ako ng tumayo na lang bigla si Jun sa kinauupuan niya. Hindi ko rin napansin na ubos na rin pala ang kinakain niya. "Huh? Hindi ka pwede umuwi mag-isa Jun -" "Kuya malaki na ako I can manage." protesta niya at hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. What the hell, I am so pissed. I want his attention. Naiinis ako kapag pakiramdam ko ay wala siyang paki-alam sa presensiya ko. "Then I'll get going too." gulat silang napatingin sa akin ng tumayo din ako at sinukbit ang dalang bag. "H-huh? Hey Sai, I want to take you home." protesta ni Shainon. Alam ko kasi na may kliyente din silang kikitain ni Yujin sa restaurant na ito, at kahit sinabi nila kanina na mabilis lang na pag-uusap ‘yun, ay tiyak mabobored lang ako kung uuwi lang din si Jun. "I think it is better to let them be Shai. Mas mabuti na rin para may kasama si Jun." I smirked at Yujin. Though kahit may irita sa boses niya, ay nahimigan ko pa rin na gusto niya lang masulo si kuya. Look at this guy, his hidden intention is slowly going out. So Jun is second and my brother comes first, huh? Well hindi ko maitatanggi na gusto ko ‘yun. Jun is first for me. Kung may pagkakapareho man kami ng abogagong ‘to, siguro ‘yun ay ang lagi naming inuuna ang aming mga minamahal. Nauna ng maglakad si Jun at wala na rin namang nagawa si kuya ng sundan ko na ito. I'll let that guy indulge my brother tonight dahil hinayaan niya rin naman ang kapatid niya sa akin ngayon. Not bad Miyamoto. I hope you'll keep this up para ibigay ko din sa’yo si kuya. Maybe that's the reason kung kaya medyo may tensiyon sa pagitan namin ni Yujin. We are both jealous of each other dahil sa mga kapatid namin. Shainon is in love with me kaya galit siya sa’kin at dahilan ‘yun para ayaw niyang kaibiganin ako ni Jun noon. Kaya nagalit ako sa kaniya dahil dun, kung kaya ang kapalit hindi ko rin siya binibigyan ng pagkakataon na masolo si kuya dati. I saw a tall guy approached Jun pagkalabas namin ng restaurant kung kaya napakunot ang noo ko. Who the hell is that frog? Approaching my Jun like that. Lumapit ako sa kanila. "C'mon cutiepie mag babar lang naman tayo." my lips twitched sa tinawag niya kay Jun. What?! Cutiepie? Does this guy want a punch? "Oi, you know this guy Jun? " ani ko. Jun just shrugged his shoulder at pagkatapos ay linagpasan ‘yung lalaki. I grinned. Oh, that's my cute litte baby. "Hoy ikaw." tawag ko sa lalaki at sinamaan siya ng tingin. Nagitla naman siya at napaatras ng kaunti. "Lapitan mo na lahat ‘wag lang ‘yun naiintindihan mo? That guy belongs to me." mahina ko pa siyang tinapik sa balikat bago nilagpasan. Hindi kalayuan ang agwat namin ni Jun sa isa't isa habang naglalakad kung kaya't malaya kong natititigan ang likuran niya. Come to think of it this guy… from the very start, mula noon hanggang ngayon he's the one who already holds my heart. Mahina akong napatawa sa sarili. Baka ang isang rason kung bakit naging cassanova ako ay dahil hindi ko matanggap noon kung gaano ko kamahal si Jun. I am too afraid to accept the fact that I am on homosexual path. This brat… does he know that from the start my body, heart and soul already belongs to him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD