Naveen's Nasa simbahan na ako, kasama ang pamilya ko. Pati na rin ang mga naimbitahang bisita. Ngumiti ako ng tipid at tumingin saaking likuran. Wala pa siya. Wala pa ang hinihintay ko. Wala pa ang mapapangasawa ko. Lumapit sa’akin si Coleen at hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko rin ang lungkot sa mga mata nito. Nag-aalala siya sa'akin pero wala akong pakialam. Maghihintay ako. "Naveen, are you sure darating pa siya?" She asked worriedly. Nagsimula na ring manubig ang mata ko. I blinked then looked around again. Isang oras na ang hinintay namin simula kanina, pero ni anino niya, wala. "Naveen naman. Kung mahal ka niya, Hindi ka niya paghihintayin ng ganito. Kung gusto pa niyang ituloy ito, alam mong mas mauuna siya dito." Malungkot na paalala niya. Nakatingin lang ako sa paligid, na

