Third Person's Nakaupo si Fhax malapit sa kama kung saan nakahiga si Naveen. Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa nagawa niya. Natutulog pa rin si Naveen at hindi niya mapigilang hindi mapamura dahil sa mukha nito. Ilang saglit pa ng bumukas ang pintuan at bumungad sina Gerald at Coleen. Agad tumayo si Fhax at tinanong kung anong lagay ni Naveen. "I hate you, you know that?" Hindi maipintang sabi ni Coleen kay Fhax. Mugto rin ang mga maga nito. Ramdam na ramdam niya ang galit ng kapatid nito sa kanya. "Coleen..." Akmang hahawakan niya ito ng humakbang ito papunta sa tulog na Naveen. "Mahal ko ang kapatid ko. At wala akong ibang hinangad kundi ang makita siyang masaya na. Alam mo kung kanino?" She asked then faced Fhax. Hindi nagsalita si Fhax pero nakatitig lang ito kay Coleen.

