14 - Eric

1609 Words
NAROON sa kama si Emerald, wala itong kahit na anong saplot sa katawan kaya buhat sa kaniyang pagkakasilip doon sa pintuan ay malinaw niyang nakikita ang nakahantad nitong kagandahan, kagandahan na hindi man niya sadya'y nagdudulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam, pakiramdam na wari ba'y sinisilaban. Wala itong kamangnuhan sa kapaligiran, abala ito sa mainit nitong pagsasarili. Nasa kasukdulan na ito sa kasalukuyan at dinig na dinig niya ang bawat masuyo nitong mga pag-ungol. Nasa ganiyang ayos ang lahat nang makarinig siya ng mga yabag sa dulo ng hallway. Kaagad siyang tumingin doon at nakita niya ang paparating na si Shane. Maingat niyang kinabig ang dahon ng pintuan at inilapat iyon. Matapos niyan ay kumilos siya at sinalubong ang papalapit na kasambahay. Marahil ay narito ito upang ayusin ang silid ng kaniyang ama. "Napalitan mo na ba ang beddings nila Daddy?" kunwa'y tanong niya rito nang makalapit sila sa isa't isa. "Opo, iyon po kaagad ang inasikaso ko kanina nang dumating ako dahil iyon din po ang utos ni Ma'am Emery kanina," kaagad nitong tugon sa kaniya. Napatango siya. "Pupuntahan mo ba si Emerald para sa almusal?" tanong pa niya, hindi siya makuntento sa sagot nito. "Opo, pero pupuntahan ko na rin po siya sapagkat mayroon po siyang bisita na naghihintay sa kaniya." Napakunot ang kaniyang noo. "Bisita?" "Opo, Sir Gray, ipinakilala po niya ang kaniyang sarili bilang si Eric at kilalang-kilala raw po siya ni Ma'am Emery." Sukat sa narinig ay umiral ang kaniyang masidhing kuryusidad. Eric, ito ang pangalang nabanggit ni Emerald nang makausap nito ang naturang MSG Moreno. "Abala pa si Emerald, balikan mo siya pagkaraan ng ilang sandali. Nasaan ang bisita?" kaswal lang ang pananalita niya. "Nasa living room po sila," tugon nito sa kaniya na nagpakunot na naman sa noo niya. Sila? Ibig sabihin ay may mga kasama si Eric. "Shane, magtungo ka muna sa kitchen at sabihin kay Camille na maghanda ng maaaring ihain sa mga bisita," utos niya. "Sige po, Sir Gray." Sinundan nito ng pagtalikod ang sinabi. Sinundan muna niya ito ng tingin bago lumingon sa pintuan ng silid ni Gabriella tapos ay kumilos at lumakad sa hallway pasunod sa direksiyong tinahak ng kasambahay. Huminto siya sa itaas ng hagdanan kung saan buhat doon ay natatanaw ang malawak nilang living room, nakita niya ang tatlong panauhin. Isa sa mga iyon ay kaagad niyang natukoy kung sino, si MSG Moreno. Nakatayo ito sa likod ng mahabang sofa katabi ang isang medyo may edad ng lalaki habang nakaupo naman sa mahabang sofa ang isang bagama't may edad na ring lalaki ay mababakas pa rin ang katikasan. Bumaba siya sa malawak nilang hagdanan. Dahil sa kaniyang mga yabag ay napukaw niya ang atensiyon ng tatlo. Magkakasabay ang mga ito nang tumingin sa kaniya. Kaagad na tumayo buhat sa pagkakaupo sa sofa ang lalaking nakaupo roon at hinintay siyang makalapit habang nakatuon sa kaniya ang mga mata. "Magandang araw," bati nito sa kaniya nang ganap siyang makalapit. Tumango siya at sinabi, "Magandang araw rin." Bago tumingin kay MSG Moreno na nang mga sandaling iyan ay matamang nakamasid sa kaniya. "Ako si Eric," pagpapakilala sa kaniya ng lalaking bumati sa kaniya kaya naman kaagad na napabalik dito ang kaniyang mga mata. Ito si Eric? Hindi niya napigil ang sariling pasadahan ito ng tingin sa kabuuan ng mukha nito. Mas matikas pa itong tingnan sa malapitan, at bakas pa rin sa mukha nito ang pagiging magandang lalaki noong kabataan. Kamukha nito ang Hollywood actor na si Richard Gere. "Ikaw marahil si Gray? Ang nag-iisang anak na lalaki ng Gobernador sa lalawigang ito," sabi pa nito sa kaniya kaya naman napatango siya. Inilahad nito ang palad sa harap niya, kumilos siya at tinanggap iyon. Naghiwalay rin ang mga palad nila habang nakatitig sila sa isa't isa. Sadyang hindi niya magawang ngumiti sapagkat naglalaro sa isipan niya ang katanungan kung sino ito talaga at ano ang tunay nitong kaugnayan sa kaniyang madrasta, habang ang lalaking ito naman na bagama't ilang mga kataga na ang lumabas sa bibig ay nananatiling mailap ang ngiti sa mga labi. "Ikinagagalak kong makaharap ka, ngunit ipagpaumanhin mo sana subalit may iba akong pakay." Mahinahon ngunit may bakas ng awtoridad sa pamamaraan ng pagsasalita nito. Hindi siya nagsalita, wari'y naging maramot na rin ang kaniyang dila sa pagbibitaw ng mga kataga. Mas lalo lamang sumisidhi ang kaniyang pagnanais na matuklasan kung sino ba talaga ito sa buhay ni Emerald. Ayaw niyang isipin na ito ay ama ng kaniyang madrasta sapagkat lubhang malayo ang hitsura ng dalawa. Mas iisipin marahil niya na mayroong mas malalim na ugnayan ang dalawa kaysa riyan, bagay na lumulukot sa utak niya. Sadya marahil na mahilig si Emerald sa mga lalaking may edad na. Nahagip ng kaniyang mga mata si Shane na noon ay kabubungad lamang buhat sa preparatory kitchen. "Pasintabi lamang sandali," nawika niya bago kumilos at nilapitan si Shane. "Puntahan mo si Emerald sa dating silid ni Gabriella, doon ko siya nakitang pumasok kanina. Pakisabi sa kaniya, narito si Eric at naghihintay sa kaniya," utos niya dito sa pantay na tono. Habang sinasabi niya iyan kay Shane ay pasimple siyang tiningnan nila Eric at MSG Moreno, dahil na kay Shane ang atensiyon niya ay hindi niya iyon nakita. *** "BINIGO mo ako!" mapait na sabi ni Eric kay Emerald nang magkausap na sila. Doon niya dinala ang mga ito sa sitting room upang mas maging pribado ang kanilang pag-uusap. Dito sa mansiyon, ang bahaging ito ay isa sa madalang mapuntahan ng mga narito. Masama ang tinging ipinukol niya sa malayo bago kumilos at pumihit paharap dito. "And you disappointed me as well, Eric," may bahid ng hinanakit at galit sa kaniyang tono nang ibalik dito ang sinabi nito sa kaniya. "Huwag mong kalilimutan 'yan," tapos ay mariing dagdag pa niya kasabay ang pamamasa ng kaniyang mga mata. Hindi ito nakapagsalita bagkus ay napahagod ng tingin sa kabuuan niya. "Talaga bang may nais kang patunayan!?" tanong nito, nakaangat ang mga kilay habang nakatitig sa kaniya. "Papatunayan ko sa'yo, that even if you're not behind me I can move forward in life without needing you anymore." Nakita niya ang pagguhit ng pait at pagkadismaya sa mga mata nito kasabay ang pagtiim-bagang. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong ganito. Nasanay siya na palagi itong pormal at maawtoridad ang mga bawat salita. Kumilos ito at tumalikod sa kaniya. "Kaladkarin n'yo s'ya," utos nito sa kanila MSG Moreno at kay Col. Santiago sabay lakad ng matuwid at matikas palabas sa sitting room. Napatiim-bagang siya sabay tingin sa dalawang military men na noon ay kapwa nakatingin sa kaniya. Magkasabay na kumilos ang mga ito palapit. "Stop approaching me. If you insist, I will resist," mariing banta niya sa mga ito. "Sumama ka ng matiwasay, para wala ng mahabang usapan," mahinahong wika ni MSG Moreno. Imbes na magsalita't sumang-ayon sa sinabi nito ay binunot niya ang baril na nakasuksok sa kaniyang baywang. Nang sabihin ni Shane na ito ang mga panauhing sa kaniya'y naghihintay ay pinaghandaan niya ang eksenang ito sapagkat inaasahan na talaga niyang ito'y mangyayari. Hindi naman niya iniumang ang baril sa mga ito pero mahigpit ang hawak niya roon. "Kilala n'yo ako." Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "So don't dare me," buo ang kumpiyansang banta pa niya sa mga ito. Huminto ang dalawa halos tatlong dipa ang distansiya sa kaniyang kinatatayuan. "LT. Captain Del Campo," mahinahong sabi ni Col. Santiago sa kaniya. "huwag na nating gawing komplikado ang lahat ng ito, sapagkat kung magmamatigas ka, pipiliin naming balewalain ang nais mo upang sundin ang utos ni General." Napalunok siya habang napapatiim-bagang. Nasa ganiyang ayos siya habang si Gray ay nababahala sa kubling bahagi kung saan ito naroroon at nakamasid sa kanila simula pa kanina. "Will you follow the order without decentralized execution appropriate to the situation?" Napapaangat ang kaliwang kilay na tanong niya sa mga ito habang palaban ang mga titig. "You're not even uniformed to conduct a proper mission order. Don't tell me, na lilihis kayo sa lugar para lamang sundin ang kaniyang sinabi." Tiningnan ni Col. Santiago si MSG Moreno tapos ay sumenyas ditong lapitan siya. Wala na siyang pagpipilian kun'di panindigan ang kaniyang banta kanina. Akmang kikilos siya upang patunayan sa mga ito na hindi siya magdadalawang-isip oras na magpumilit ang mga ito nang biglang. . . "Ako ang batas dito sa loob ng pamamahay ko..." maawtoridad na sabi ni Gobernador Gael habang matikas na lumalakad palapit sa kinaroroonan niya kasunod ang apat na bodyguards nito. Napatuon ang tingin nilang tatlo sa Gobernador. Nagpatuloy ito sa paglakad hanggang sa makalapit sa kinatatayuan niya. Tiningnan siya nito at umakbay sa kaniya bago tumingin sa dalawa. Bumungad naman si Eric sa likuran ng mga ito. Determinado ang anyo nitong tumitig sa kanila ni Gov. Gael. "Tao kayong tinanggap ng aking anak dito sa loob ng pamamahay ko kaya sana naman ay humarap din kayo bilang tao," mahinahong sabi ni Gob. Gael sa mga ito. "Respetuhin natin ang isa't isa ng hindi nagbabase sa ating mga kapangyarihan. Kung ayaw sumama ng aking asawa, bakit pipilitin natin siya?" Saglit na namayani ang katahimikan sa mga pagitan nila habang si Eric ay may talim ang mga titig kay Gobernador Gael. Pagkuwa'y kumilos ito at tiningnan ang dalawang kasama. "Tayo na," maawtoridad nitong sabi na sinabayan ng pagtalikod at nagpatiuna ng lumakad sa kanila MSG Moreno at Col. Santiago palabas doon sa sitting room. Napakurap siya habang napapaluha ang mga matang inihatid ng tanaw ang mga ito partikular kay Eric. Nang mawala sa paningin niya ang mga ito ay saka naman nahagip ng kaniyang mga mata si Gray buhat sa kinatatayuan nito. Ilang sandali itong nakipagtitigan sa kaniya bago tumalikod at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD