NANG tumila ang ulan bandang tanghali ay ipinasya ni Gray na mag-ikot sa isla bago ipagpatuloy ang paglipad nila ni Emerald patungo sa Blue Fantasy Island Club. Mas lalo siyang nalula sa mainit na pagtanggap ng mga tao roon ngunit, sa kabila niyan ay hindi magawang magdiwang ng kaniyang kalooban sapagkat sa pag-ikot niya sa islang ito ay nasaksihan ng mga mata niya kung gaano nabalewala ang maliit na kumonidad na ito. Wala ritong maayos na kalsada, ang lugar kung saan nag-landed ang helicopter na lulan nila ay compound ng paaralang elementarya kung saan ay mayroon lamang apat na silid-aralan. Walang maayos na health facility, maayos na daluyan ng patubig, at kuryente. Pinakinggan niya ang hinaing ng ilan sa mga tao roon habang karamihan ay kinukimbinsi siyang ipagpatuloy ang puwesto na

