SA helicopter na naabutan ni Gray si Emerald. Nakaupo na ito sa cockpit at sinisimulang isuot ang lap belt nang makalapit siya sa right seat kung saan ito nakaupo. Naka-roba pa rin ito at hindi pa nagbibihis. Hinaltak niya ito sa kamay at inilagay roon ang panty pero mabilis nito iyong iwinaksi. Mabilis din siya, nasalo niya iyon bago pa tumilapon kung saan. Tiim-bagang niya itong tiningnan na nang sandaling iyan ay matalim ang tingin sa kaniya. "Put on your panty, Emerald," paasik na utos niya rito at tinangkang ibalik ulit sa kamay nito ang panty pero maagap nitong iwinaksi ang kamay niya at hindi iyon sinasadyang napatama sa kaniyang labi. Napadaing siya dahil sa sakit at wala sa loob na nasapo ang nag-init niyang labi gamit ang panty nito. Makulimlim lang ang liwanag doon sa heli

