CHAPTER 1: When Everything Fell Apart
EPIGRAPH
“Minsan, hindi mo namamalayang ikaw pa rin ang may hawak ng panulat kahit matagal mo nang sinasabing ipinagkatiwala mo na ito sa Diyos.
At kung minsan, kailangan munang mapagod ang iyong mga kamay bago mo tuluyang matutunang bitawan ito.”
- Elaria Vesper Celestine
“ For I know the plans I have for you,” declares the Lord,
“ plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. ”
- Jeremiah 29:11
PROLOGUE
" Kung mabibigyan mo ng pagkakataong makausap ang mas batang bersyon ng sarili mo, ano ang sasabihin mo? "
Minsan, iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung makakaharap ko ang batang ako.
Ang batang puno ng pangarap.
Ang batang naniniwalang magiging maayos ang lahat basta’t mag sikap siya.
Ang batang akala niya ang pagmamahal ng tao ang sagot sa lahat ng kanyang kakulangan.
Siguro yayakapin ko siya.
Mahigpit.
Dahil alam ko ang mga luha na hindi pa niya naiiyak.
Alam ko ang mga gabing iiyak siya nang palihim.
Alam ko ang mga taong mamahalin niya nang buong puso ngunit mawawala rin sa kanya.
Alam ko ang mga pagkakataong akala niya ay nahanap na niya ang sagot, ngunit mag iiwan lang din pala ito sa kanya ng panibagong tanong.
At higit sa lahat …
Alam ko ang mga gabing aabot siya sa puntong mapapagod na siyang lumaban.
Mga gabing tatanungin niya ang Diyos kung bakit tila sunod - sunod ang mga problema, pagsubok, paghihirap.
At bakit tila paulit ulit na pasakit ang dulot sa kanya ng mga bagay na subra niyang pinahahalagahan sa buhay niya.
Kung makakaharap ko man siya ngayon, sasabihin ko sa kanya na hindi magiging madali ang lahat.
May mga pangarap na hindi matutupad.
May mga panalanging tila hindi agad sasagutin o maaaring hindi na sasagutin, hindi para parusahan kundi ang proteksyonan siya
May mga taong akala niya ay mananatili, ngunit darating lamang pala para turuan siya ng panibagong aral.
Masasaktan siya.
Mapapagod siya.
Mauubos siya.
Mawawala siya.
At minsan, pati ang sarili niya ay hindi niya makikilala.
Ngunit sasabihin ko rin sa kanya ang isang bagay na matagal niyang hindi mauunawaan ...
Na may Diyos na patuloy na sumusulat ng kuwento niya.
At kahit gaano pa katindi ang kagustuhan niya na kontrolin ang bawat kabanata, darating ang araw na mapapagod din siya na hawakan ang panulat.
At kapag dumating na ang araw na iyon …
Kapag wala na siyang ibang magawa kundi bitawan ito …
Doon niya matutuklasan na ang pinaka magandang bahagi ng kanyang kuwento ay
hindi ang mga planong binuo niya sa bawat kabanata.
Hindi ang mga magagandang pangyayaring binuo niya sa bawat pahina.
Hindi ang mga pahinang siya ang sumulat.
Kundi ang mga pahinang isinulat ng Diyos para sa kanya.
Kaya kung nababasa mo ito ngayon…
Hayaan mong ikuwento ko sa’yo kung paano ako natutong bitawan ang panulat.
CHAPTER 1
When Everything Fell Apart
[ Elaria’s Point of View ]
“ Lord… pagod na po ako.”
Parang kasabay ng mga salitang iyon ang pag basag ng buong katahimikan sa loob ng kwarto ko.
Dahan - dahang bumigay ang aking boses habang ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan ay tuluyan nang kumawala.
Napaupo ako sa sulok ng silid, yakap ang sarili na para bang doon ko pa mahahanap ang kahit kaunting natitirang lakas.
Madilim.
Tahimik.
Mabigat.
At sa gitna ng katahimikan na iyon, ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko na parang may naka dagan na hindi ko maalis.
“ Hindi ko na po kaya… ” bulong ko, nanginginig ang boses.
Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang huminga nang maayos, pero mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
“ Lord… sobrang pagod na po ako… ”
Humigpit ang pagkakapigil ko sa sarili ko, pero hindi na rin kinaya ng katawan ko.
Hanggang sa tuluyan na akong napasandal sa malamig na pader ng silid na ito.
Pinayagan kong dumaloy ang lahat ng sakit na matagal kong tinatakasan.
Ang pagod.
Ang lungkot.
Ang pagsisisi.
Ang mga sugat na pilit kong tinatago sa likod ng ngiting “ okay lang ako. ”
" Bakit? ... "
Nanginginig ang aking boses.
" Bakit ko nararanasan lahat ng 'to? "
Napapikit ako nang mariin.
" Sa lahat ng tao ... Lord... bakit ako? "
Napayuko ako habang patuloy na umiiyak.
" Ano bang nagawa ko. . . para maranasan ko ang lahat ng ito? "
Unti-unti akong nanghina.
Ngunit hindi ko magawang patahimikin ang boses na matagal ko nang pilit ikinukubli sa likod ng bawat pag papanggap na ayos lang sa akin ang lahat.
“ Bakit po ganito? ” nanginginig kong tanong.
“ Bakit po parang sunod-sunod? ” kasunod noon ang
" Bakit po lagi nalang? "
Maraming bakit.
Maraming tanong.
Walang sagot.
Tanging katahimikan lang ang sumagot sa akin.
At sa katahimikang iyon, unti-unti nang pumasok sa isip ko ang mga boses na matagal ko nang kinatatakutan.
“Kasalanan mo naman ‘yan.”
“Desisyon mo ‘yan.”
“Wala kang karapatang mapagod.”
“Ginusto mo ‘yan.”
Paulit-ulit.
Pakakas ng palakas.
Umaalingawngaw na boses.
Parang mga patalim na walang tigil sa pag hiwa sa loob ko.
" Hindi kana makakawala sa sitwasyon na yan. "
Napahawak ako sa ulo ko.
Napasabunot.
Pilit pinipigilan ang pagdami ng iniisip ko.
Pakiramdam ko ako ang dahilan ng lahat ng mali sa buhay ko.
Na bawat sugat.
Bawat pagkawala.
Bawat sakit.
Bawat pagdurusa.
Ako ang may gawa.
“Ayuko ko na nang ganito…” bulong ko.
Napayuko ako habang umiiyak nang tahimik, pilit hinahanap ang kahit anong katiting na lakas.
“Lord… alam ko hong andito Ka… please… tulungan Mo po ako.”
Kasabay noon ay tila nawala ang lakas sa aking mga binti hanggang sa kusa itong bumigay, dahilan upang mapadikit ang aking mga tuhod maging ang aking noo sa malamig na higaan na ito habang patuloy akong nagsusumamo sa Diyos.
"Tanggalin Mo na po itong bigat.. tanggalin Mo na po itong lahat please."
Kasunod ay binalot ng matinding katahimikan ang apat na sulok ng silid na ito.
Ibinuhos ko lahat sa pag iyak.
Na tila ba umaasang mauubos din ang lahat ng aking mga luha.
Makalipas ang ilang sandali.
Sa gitna ng lahat, kahit gaano kabigat, may maliit pa ring bahagi sa akin na kumakapit.
Kumakapit sa paniniwalang hindi Niya ako tuluyang iniwan.
Dahan-dahan akong napatingin sa aking tabi.
Natutulog nang payapa.
Tahimik.
Katabi ko.
Parang walang dinadalang kahit anong bigat sa mundo.
Napapikit ako sandali.
“Paano mo nagagawang matulog nang ganito?” bulong ko.
Bakas padin ang lungkot sa aking mukha.
Lumapit ako nang dahan-dahan at pinagmasdan siya.
Sa kabila ng lahat ng gulo sa loob ko, siya ay tahimik na humihinga, payapa.
Hinaplos ko ang kanyang buhok.
Marahan.
Parang takot gumising ng mundo.
“Paano mo kayang manatiling ganito ka-kalmado… habang ako ay nahihirapan at nauubos na ng husto?”
Napakagat ako sa labi.
“Paano mo nagagawang sabihin na mahal mo ako… kung ganito kasakit ang lahat?”
Tumulo na naman ang luha ko.
Hindi ko maintindihan.
Hindi ko na alam kung saan ako kumakapit.
At sa isang iglap, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.
At sa gitna ng katahimikan ng gabi, marahang dumampi ang aking mga labi sa kanyang noo.
Isang maikling halik na puno ng tanong, takot, at kaguluhan ng damdamin.
Hindi perpekto.
Hindi malinaw.
Pero totoo.
Pagkatapos noon, napaupo ako sa tabi niya, hawak ang dibdib ko.
“Lord…” bulong ko ulit, mas mahina na ngayon.
“Hindi ko na alam kung paano pa.”
“Pero alam kong Ikaw lang ang may magagawa sa sitwasyon ko… kahit ngayon lang… tulungan niyo po ako.”
Huminga ako nang malalim.
Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, hindi ako tumakbo palayo sa sakit.
Hinayaan ko itong maramdaman.
Dahil kahit wasak ako…
Kumakapit pa rin ako.
Kahit hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng lahat ng ito.
"Lord.... why did I end up here?..."
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .